Magandang Balita
Pagkauwi sa bahay galing sa trabaho, sinabi ng bagong kasal na misis sa kanyang mister na, “Mayroon akong magandang balita para sa iyo. Sa lalong madaling panahon, tayo ay magiging tatlo na sa bahay na ito sa halip na dalawa lang.“
Tumakbo sa kanya ang kanyang mister na may ngiti sa labi at galak sa kanyang mga mata.
Si mister ay labis ang kaligayahan at hinahalikan ang kanyang misis nang sabihin nito na, “Natutuwa ako na ganito ang nararamdaman mo. Simula bukas ng umaga, dito na titira ang aking ina.“
Bagong Opisina
Kakalipat pa lamang sa kanyang bagong opisina, isang mayabang at bagong colonel ang nakaupo sa kanyang mesa nang may kumatok sa pinto na isang airman. Dahil sa kanyang bagong posisyon, at gusto niya magpasiklab, mabilis na kinuha ng colonel ang telepono, at sinabi sa airman na pumasok. Pagkatapos ay nagpanggap siya na may kausap sa telepono, “Yes, General, magkikita kami mamayang hapon at ipapasa ko ang iyong mensahe. Muli, salamat sa iyong pagbati, sir.“
Nang pakiramdam niya ay lubos na humanga na sa kanya ang batang airman, tinanong niya ito, “Ano’ng kailangan mo?“
“Hindi naman importante, sir,” sagot ng airman, “Pinapunta lang ako dito para ikabit at paganahin ang telepono niyo, sir.“
Friendly na Baboy
Isang lalaki ang naglalakad sa isang foreign country. Siya ay nauhaw kaya nagpasya siya na humingi ng maiinom sa isang bahay na kanyang nadaanan.
Inimbita siya ng isang ginang sa loob ng bahay at binigyan siya ng isang mangkok ng sabaw.
May isang maliit na baboy na tumatakbo sa may kusina. Tumakbo ang baboy papunta sa lalaki at binigyan ito ng atensiyon. Nasabi ng lalaki sa ginang na hindi pa siya nakakita ng baboy na ganito ka-friendly.
Sumagot ang ginang: “Ummm, hindi siya friendly. Mangkok niya ‘yung ininuman mo ng sabaw.“
Computer Support
Last week, bumili kami ng asawa ko ng bagong computer. Medyo nahirapan kami sa pag-setup kaya nagpasya kami na subukang tawagan ang customer support phone number na nakalagay sa manual.
Kinuha ko ang telepono at tinawagan ko ang number. Isang lalaki ang nakasagot at ipinaliwanag ko sa kanya ang aming problema.
Nung sumagot na ang lalaki, gumamit siya ng mga computer jargon. Mas lalo kaming naguluhan.
“Sir,” magalang kong sinabi, “Puwede bang ipaliwanag mo sa akin na parang ipinapaliwang mo sa isang bata?“
“Okay,” sinabi ng computer support na, “Bata, puwedeng pakipasa mo ang telepono sa nanay mo?“
Ano ang Sinabi ni Daddy kay Yaya?
“Hey, Mommy,” sabi ni Little Johnny. “Puwede mo ba ako bigyan ng 1,000 pesos?“
“Siyempre, hindi.“
“Kapag binigyan mo ako,” pagpapatuloy ni Little Johnny, “Sasabihin ko sa iyo ang sinabi ni Daddy kay Yaya habang nasa beauty parlor ka.“
Nagpanting ang tenga nang kanyang Mommy, kaya kinuha nito ang kanyang wallet, at binigyan ng 1,000 pesos si Little Johnny. “Well? Ano ang sinabi ng Daddy mo kay Yaya?“
“Yaya, huwag mo kalimutang labahan ‘yung mga medyas ko bukas.“
Tunay na Nananampalataya
Isang Linggo ng umaga, isang Baptist church ang napuno ng dalawang libong miyembro nito. Mag-uumpisa na sana ang preacher para sa kanyang sermon, ng may dalawang lalaki na nakasuot ng mahabang black coats at black na sumbrero ang pumasok galing sa likod ng church.
Ang isa sa dalawang lalaki ay naglakad sa gitna ng church habang ang isa ay naiwan sa likod ng church. Ang dalawang lalaki ay nilamabas ang kanilang mga armalite mula sa kanilang coats.
Ang lalaki na nasa gitna ay nagsalita, “Ang lahat ng handang sumalo ng bala para kay Jesus ay manatili sa inyong mga upuan!“
Natural, ang mga miyembro ay nag-alisan, na sinundan ng choir. Ang mga diakono ay tumakbo palabas ng pinto, na sinundan ng choir director at ng assistant pastor.
Makalipas ang ilang sandali, may mga dalawampung tao na lang ang naiwan na nakaupo sa simbahan. Mahigpit ang pagkakahawak ng preacher sa pulpito.
Itinabi na ng mga lalaki ang kanilang mga armalite at sinabi ng malumanay sa preacher, “Sige, pastor, wala na ang mga mapagkunwari. Maaari mo nang simulan ang paglilingkod.“
Bagong Pustiso
Pinabunot ng aming lokal na ministro ang lahat ng kanyang mga ngipin at nagpagawa siya ng bagong pustiso.
Sa unang Linggo, ang sermon niya ay inabot ng 10 minuto. Ikalawang Linggo, siya ay nangaral ng 20 minuto. Pero, nung ikatlong Linggo, siya ay nangaral ng isa’t kalahating oras.
Tinanong ko siya tungkol dito. Ang sabi niya eh, “Well, Dencio, nung unang Linggo, namamaga pa ang mga gums ko kaya masakit magsalita. Noong ikalawang Linggo, masakit pa din magsalita kapag nakasuot ako ng pustiso. Ngayon, noong ikatlong Linggo, aksidente kong naisuot ang pustiso ng asawa ko, KAYA HINDI AKO MAKATIGIL MAGSALITA.“
Black Friday
Isang araw na Black Friday Sale. Isang mahabang pila sa isang tindahan simula pa lang ng 8:30am ng umaga. Ito din ang oras na nagbubukas ang tindahan.
Isang maliit na lalaki ang pumunta sa unahan ng pila. Pero siya ay naitulak paatras na may kasama pang malalakas na bulyaw at malulutong na mura. Sa ikalawang pagkakataon, pumunta ulit ang lalaki sa unahan ng pila. Pero siya ay sinapak sa panga at natumba. Pagktapos ay ihinagis siya papunta sa dulo ng pila. Noong siya ay nakatayo, sinabi niya sa tao sa dulo ng pila…
“Punung-puno na ako! Isa pang beses na saktan niyo ako, hindi ko na bubuksan ‘yang tindahan ko!“
Payphone
Isang kaibigan ko ang madalas gumamit ng payphone sa isang gasolinahan. At lubha siyang naabala nang minsang masira ang payphone.
Paulit-ulit niyang ni-request sa phone company na ayusin ang payphone pero puro pangako lang ang sinasabi sa kanya pero hindi naman inaayos.
Makalipas ang ilang araw, tinawagan niya ulit ang phone company at sinabihan niya na huwag na madaliin ang pag-asikaso sa payphone.
Sinabi niya na gumagana na ulit ang payphone, pero kapag natapos ang isang tawag, ibinabalik ng payphone ang pera na inihulog o ibinayad dito.
Wala pang isang oras, may dumating ng repairman.
Divorce
Isang matandang lalaki sa Phoenix ay tumawag sa kanyang anak na lalaki sa New York at sinabing, “Ayokong sirain ang araw mo, pero kailangan ko sabihin sa iyo na magdi-divorce na kami ng nanay mo. Sapat na ang 45 years na paghihirap.“
“Dad, ano’ng pinagsasasabi mo?” sigaw ng kanyang anak.
“Hindi na namin kayang tingnan ang isa’t isa,” sabi ng matandang lalaki. “Nasusuka na kami sa isa’t isa, at ayoko ng pag-usapan pa ito, kaya tawagan mo ang iyong ate sa Chicago at ikaw na magsabi sa kanya.” at ibinaba na nito ang telepono.
Galit na galit na tinawagan ng lalaki ang kanyang ate, na sumabog na din sa telepono. “Hindi sila magdi-divorce kung mayroon akong gagawin tungkol dito,” sigaw ng ate niya. “Ako na ang bahala dito.“
Agad-agad na tumawag ang ate niya sa Phoenix, at sinigawan ang kanyang tatay, “HINDI kayo magdi-divorce. Huwag kayong gagawa ng kahit na anong bagay hangga’t hindi ako nakakarating diyan. Tatawagan ko ulit ang kapatid ko, at sabay kaming pupunta diyan bukas. Inuulit ko, huwag kayong gagawa ng kahit na ano. NARIRINIG MO BA AKO?” at ibinaba na niya ang telepono.
Ibinaba na din ng tatay ang telepono at lumingon sa kanyang asawa at sinabing, “Okay. Pupunta na sila dito ngayong Thanksgiving… ano naman kaya ang magandang gawin natin para sa Christmas?“
At ayan na naman tayo — isang Monday na puno ng tawa at good vibes! Salamat sa pagdaan. Kita-kits ulit sa susunod na linggo para sa panibagong set ng kwentong pampagaan ng araw. Ingat at have a fun week ahead!




