privacy policy

 

Effective Date: September 28, 2025

 

Yo! Welcome sa Denster Project (https://densterproject.com).

Since nandito ka na, pag-usapan natin ang isang bagay na super thrilling… Privacy Policies. (Okay, hindi naman talaga thrilling, pero sabihin na lang nating… importante!)

Nirerespeto namin ang iyong privacy tulad ng respeto namin sa huling slice ng pizza — hindi namin kukunin nang hindi nagtatanong.

1. Information We Collect

Posible naming i-collect:

  • Personal info na ibibigay mo sa amin (halimbawa eh ‘yung pangalan mo o email address kapag ikaw ay nag-subscribe, nag-comment, o nag-send ng message).

  • Technical info (ang gamit mong browser, device type, IP address — mga usual na website stuff).

  • Cookies (hindi ‘yung nakakain ah, pero yung mga small files na nakakatulong sa site na tumakbo ng suwabe at maalala ang iyong preferences).

2. How We Use Your Info

Ginagamit namin ang iyong info para:

  • Mapanatili ang smooth na pagtakbo ng blog.

  • Ma-improve ang iyong experience dito sa site.

  • Magpadala ng updates o replies kung ikaw ay subscribed o ni-contact mo kami.

  • Pigilan ang mga spammers at trolls na mambasag ng trip.

3. Sharing of Information

Hindi namin binibenta ang iyong info. Period. 
Maaari lang namin i-share kung:

  • Required ng batas.

  • Kailangan para mapanatili ang site na secured.

  • Gagamit ng trusted third-party tools (tulad ng analytics o email services).

4. Cookies

Yes, gumagamit kami ng cookies.

  • Ang iba ay para sa analytics (para makita kung anong post ang tumabo o nilangaw sa takilya).

  • Ang iba ay para sa functionality (para hindi ka na mag-re-type ng ilang info).

  • Puwede mo i-turn off ang cookies sa iyong browser, pero posibleng ang site na ito ay maging malungkot, o hindi mag-work ng 100%.

5. Third-Party Services

Maaari kaming gumamit ng third-party services tulad ng Google Analytics o newsletter tools. Meron silang sariling privacy policies — please check them out too.

6. Your Rights

Depende kung saan ka nakatira, posibleng may karapatan ka na:

  • Ma-access ang iyong data.

  • Utusan kami na i-delete ang iyong data.

  • Tumanggi sa certain data uses.

Kung gusto mo i-exercise ang ganitong mga karapatan, mag-reach out ka lang sa aming Contact page (Psst!).

7. Security

Ginagawa namin ang aming best para mapanatiling safe ang iyong data. Pero tandaan: walang system ang 100% hacker-proof. (Kahit si Superman eh may kryptonite.)

8. Updates to This Policy

Maaari naming i-update itong policy depende sa trip namin. Ang mga changes ay mapo-post din dito sa page na ito kasama ang bagong “Last updated” date.

9. Contact Us

Meron ka bang mga tanong? concerns? o may gusto ka i-share?
Mag e-mail sa: densterproject@gmail.com or pumunta sa Contact page (Psst!).

 

“Privacy is like underwear. Everyone has it, but it’s not polite to show it off.”