Effective Date: September 28, 2025
Yo! Welcome sa Denster Project (https://densterproject.com).
Ang mga tao, lugar, bagay at pangyayari na makikita mo sa website na ito ay bunga lamang ng malikot na pag-iisip, likha ng balintataw, at halaw sa isang daigdig ng mga class S na halimaw. Anumang pagkakahalintulad na makikita mo sa totoong buhay ay guni-guni mo lamang. Iligo mo lang ‘yan.
1. Who Owns the Stuff Here?
Lahat ng mga writings, images, designs at media sa website na ito ay intellectual property ng Denster Project (unless otherwise specified).
Kung ako man ay mag-share ng contents mula sa mga kaibigan, collaborators at iba pang sources, magbibigay ako ng proper credit.
2. Can You Share My Content?
Oo naman! Feel free na i-share ang mga links sa aking mga blog posts, o i-quote ang aking sinabi na sa tingin mo ay may katuturan, o i-post ang aking mga akda sa social media – basta huwag kalimutan magbigay ng proper credit sa Denster Project.
Simpleng shoutout o link lang ay sapat na para mapangiti mo nang slight ang aking puso.
3. What You Can’t Do
Walang bahagi ng website na ito ang maaaring kopyahin, kabuuan o bahagi man; itago sa ref, o sa right; ihulog sa drop box; isulat ng magmuli with feelings; i-xerox o i-print; at i-post at angkinin na ito ay iyong sariling obra maestra.
Bawal din i-re-upload ang mga images, designs at media nang hindi nagpapaalam.
Bawal din gamitin ang mga contents for commercial purposes tulad ng pagbebenta o pagsasangla, republishing, pag-print sa t-shirts at mugs, at ipa-tattoo sa noo na walang approval ng Denster Project.
4. What If You Want to Use Something?
Easy! Mag-send lang ng e-mail sa densterproject@gmail.com at doon magtanong. Most likely, papayag naman ako. Lalo na at may kasamang coffee.
5. Disclaimer
Ang Denster Project ay isang personal na proyekto. Ang laman nito ay for entertainment and informational purposes only. Hindi ko kasalanan kung matapunan ka ng kape kapag ikaw ay natawa, o kung ikaw ay maiyak sa sobrang ganda ng aking content, o kung lumampas ka sa LRT/MRT station habang nagbabasa, o kung i-share mo sa social media ang aking content at ikaw ay ma-bash, o kung malibang ka sa kakabasa at maubos ang iyong mobile data.
6. Changes to This Copyright
Maaaring baguhin ng Denster Project ang Copyright na ito from time to time. Ang anumang mga pagbabago ay ipo-post din sa page na ito kasama ang updated na effective date. Ang patuloy na paggamit ng blog pagkatapos gawin ang mga pagbabago ay nagpapahiwatig ng pagtanggap sa binagong copyright.
7. Contact Information
Kung mayroon kang mga tanong o alalahanin tungkol sa Copyright na ito, mangyaring makipag-ugnayan sa:
Denster Project
E-mail: densterproject@gmail.com
“Ctrl+C and Ctrl+V are not life hacks, they’re lawsuits waiting to happen.”

