Effective Date: September 28, 2025
Yo! Welcome sa Denster Project (https://densterproject.com).
Sa pag-access, pag-browse, at paggamit mo sa site na ito, ikaw ay pumapayag na sumunod dito sa Terms & Conditions. Kung hindi ka pumapayag, puwede mo na i-close ang site na ito na mas mabilis pa sa alas kuwatro. Ganyan ka naman eh.
1. The Basics
This is my playground. Lahat ng mga contents dito ay for personal sharing, fun, and learning.
No guarantees. Bagama’t tina-try ko ang aking best para mapanatiling accurate at updated, hindi ko mai-promise na lahat ng impormasyon na naririto ay 100% correct, future-proof, o bug-free.
Use at your own risk. Kung sinunod mo ang nabasa mo ditong guide, or nag-download ka ng nabanggit ko na freebie, o basta nag-try ka ng kahit anong aking nasabi, ginawa mo iyon ng voluntarily. Kung matapunan ka man ng coffee, tea, o juice — aba eh hindi ko na kasalanan ‘yun.
2. Intellectual Property
Lahat ng nasa site na ito (text, images, logos, etc.) ay pag-aari ng Denster Project unless otherwise specified.
Puwede ka mag-share ng snippets o links (basta may proper credit), pero bawal i-copy-paste ng buo at i-claim na iyo.
3. Your Responsibilities
Maging mabait. Huwag mang-spam, mang-troll, o mag-post ng offensive comments.
Don’t break stuff. Walang hacking, injecting, o kaya ay subukang gamitin ang site na ito for shady purposes.
Respetuhin ang iba. Kung mag-iiwan ka ng comments, keep it civil. Keyboard warriors, chill lang kayo.
4. External Links
Minsan ako ay magbibigay ng link sa third-party sites, apps, o products.
Ang pag-click at pagpunta mo sa mga link na iyon ay parang side quest sa aking kaharian — hindi ako responsable sa anumang puwedeng mangyari sa iyo doon.
5. Limitation of Liability
Ang Denster Project ay hindi liable sa anumang losses, damages, o heartbreaks (emotional damage) na resulta ng pagbisita mo sa site na ito.
In short: enjoy responsibly.
6. Changes to These Terms
Puwede kong i-update ang mga Terms dito kung kailan ko gusto (at kapag hindi ako tinatamad).
Anumang changes ay ipo-post pa din dito, at kung itutuloy mo pa din ang paggamit sa site na ito, ibig sabihin ay tanggap mo ang nilalaman ng updated version.
7. Contact Me
Kung may questions, concerns, o gusto mo lang mag-‘hi’, mag e-mail lang sa:
densterproject@gmail.com o puntahan ang Contact Page.
NOTE:
Ito ay isang personal blog, at hindi isang law firm. Ang mga terms ay naririto to keep things clear and fun. Sa pagtambay mo dito, ikaw ay nag-agree na panatilihin ang mga bagay dito na respectful, safe, at in the spirit of sharing knowledge. Mabuhay ka.
“Terms and conditions are like software updates… we all agree without knowing what’s inside.”

