Ang holiday season ay synonymous sa bigayan ng regalo, pagsasalo-salo sa handang pagkain, at siyempre – christmas movies! Kung nakapag-file ka na ng vacation leave at nagpa-planong mag-bonding sa bahay kasama ang buong pamilya o kaya ay mag-relax kasama ang mga barkada, isa sa magandang activity na gawin ay ang movie marathon ng mga christmas-themed na pelikula.
Bagama’t ang mga classic tulad ng Home Alone at The Nightmare Before Christmas ay may special na lugar sa ating mga puso, kung minsan ay magsasawa ka din at maghahangad ng kakaiba. Ngayong taon, alisin muna ang mga usual suspects at mag-dive sa aking listahan ng mga kamangha-manghang christmas movies na maaaring hindi gaanong pansinin ngunit talagang sulit na idagdag sa iyong seasonal rotation. Mula sa nakakabagbag-damdaming animation hanggang sa punong-puno ng action at comedy at may kaunting magic, mayroong pelikula dito para sa lahat!
Klaus

Released: 2019
Rating: Parental Guidance
Running Time: 1 hour 36 minutes
IMDb
Rating: 8.2/10
Rotten Tomatoes
Tomatometer: 95%
Popcornmeter: 96%
Metacritic
Metascore: 65
User Score: 8.8
Letterboxd
Rating: 4.2
Ang isang spoiled na kartero, na si Jesper, ay natalaga sa isang frozen island sa ibabaw ng Arctic Circle kung saan ang mga magkakaaway na villagers ay hindi nag-uusap, at lalo na ay hindi nagpapalitan ng sulat. Ang kanyang cynical attitude ay nagbago ng matuklasan niya si Klaus, isang tagagawa ng laruan. Ibinalik ni Jesper at Klaus ang kagalakan sa malungkot na bayan, at hindi sinasadyang nabuhay ang alamat ni Santa Claus.
Why Watch
Ang magandang animated film na ito ay nagbigay ng makabago, taos-puso, at mapanlikha na origin story ni Santa Claus. Ang hand-drawn animation style ay nakakamangha, at ang istorya ay tunay na nakakaantig at nakakatawa.
Who Will Enjoy
Buong pamilya, mga animation lovers, at sinumang naghahanap ng tunay na original at nakakabagbag-damdaming Christmas story.
Parent's Guide
Rated PG. Naglalaman ng ilang banayad na panganib at mga tema ng kalungkutan, ngunit sa huli ay lubhang nakapagpapasigla. Suitable for all ages.
Where To Watch
Netflix PH
The Night Before

Released: 2015
Rating: Restricted
Running Time: 1 hour 41 minutes
IMDb
Rating: 6.4/10
Rotten Tomatoes
Tomatometer: 69%
Popcornmeter: 61%
Metacritic
Metascore: 58
User Score: 6.1
Letterboxd
Rating: 3.1
Tatlong matalik na magkakaibigan, na sina Ethan, Isaac, at Chris, ang nagtipon sa Bisperas ng Pasko para sa isang huling epic na gabi ng kalokohan, at pagpapatuloy sa isang tradisyon na sinimulan nila pagkatapos mamatay ang mga magulang ni Ethan. Hinahanap nila ang maalamat na “Nutcracker Ball,” ang pinaka-eksklusibo at malupit na Christmas party sa New York City.
Why Watch
Ito ay sobrang nakakatawa, maraming kapilyuhan, pero surprisingly sweet na R-rated comedy tungkol sa pagkakaibigan, growing up, at letting go. Ang chemistry sa pagitan nina Seth Rogen, Joseph Gordon-Levitt, at Anthony Mackie ay nakakatuwa.
Who Will Enjoy
Mga adults na nag-e-enjoy sa mga pilyo na komedya na may puso, at mga tagahanga ng mga pangunahing aktor.
Parent's Guide
Rated R dahil sa matinding katatawanan, sexual na nilalaman, paggamit ng droga, at sa mga pananalita sa kabuuan ng pelikula. Definitely not for children.
Where To Watch
Puwede i-rent or bilhin sa Apple TV Store PH o Google Play Movies PH
The Holdovers

Released: 2023
Rating: Restricted
Running Time: 2 hours 13 minutes
IMDb
Rating: 7.9/10
Rotten Tomatoes
Tomatometer: 97%
Popcornmeter: 92%
Metacritic
Metascore: 82
User Score: 8.1
Letterboxd
Rating: 4.2
Isang guro, na kinaiinisan ng lahat, sa isang elite na boarding school ay napilitang manatili sa campus sa panahon ng Christmas break para pangasiwaan ang ilang estudyante na walang ibang mapupuntahan. Siya ay bumuo ng unlikely bond sa isang problemado ngunit matalinong estudyante at sa head cook ng school, na nagdadalamhati sa kanyang anak.
Why Watch
Ang pelikulang ito ay maganda ang pagkakagawa, nakakaantig, at nakakatawang character study para sa bittersweet melancholy at hindi inaasahang connection sa holiday season. Nagtatampok ito ng napakagaling na performances at nakakatuwang 70s aesthetic.
Who Will Enjoy
Fans ng mga character-driven na drama, sinumang nakaka-appreciate ng matalas na dialogue at pinaghalong katatawanan at kalungkutan, at mga adults na naghahanap ng thoughtful at unconventional na holiday film.
Parent's Guide
Rated R dahil sa pananalita, ilang sexual references, at maikling paggamit ng droga. Best for adults and mature teens.
Where To Watch
Netflix PH
Spirited

Released: 2022
Rating: Parental Guidance for childern under 13 years of age
Running Time: 2 hours 7 minutes
IMDb
Rating: 6.6/10
Rotten Tomatoes
Tomatometer: 70%
Popcornmeter: 80%
Metacritic
Metascore: 55
User Score: 6.2
Letterboxd
Rating: 2.9
Isang modern, musical na muling pagsasalaysay ng “A Christmas Carol” mula sa pananaw naman ng mga multo. Si Clint Briggs, isang cynical marketing consultant, ay napili ng Ghost of Christmas Present para sa isang traditional redemption, pero binaligtad ni Clint ang sitwasyon, at pinilit ang Ghost of Christmas Present na suriin muli ang kanyang sariling past, present at future.
Why Watch
Ang musical comedy na ito ay sariwa, nakakatawa, at surprisingly clever, mayroong catchy songs at magaling na performances mula kay Will Ferrell at Ryan Reynolds. Ito ay nag-aalok ng meta-commentary sa isang classic story habang naghahatid pa rin ng taos-pusong mensahe.
Who Will Enjoy
Mga musical fans, mga nag-e-enjoy sa modernong, comedic twist sa isang classic tales, at mga fans nina Will Ferrell at Ryan Reynolds.
Parent's Guide
Rated PG-13 dahil sa pananalita, ilang suggestive references, at thematic elements. Best for teens and up.
Where To Watch
Apple TV PH
8-Bit Christmas

Released: 2021
Rating: Parental Guidance
Running Time: 1 hour 37 minutes
IMDb
Rating: 6.7/10
Rotten Tomatoes
Tomatometer: 84%
Popcornmeter: 75%
Metacritic
Metascore: 66
User Score: 6.6
Letterboxd
Rating: 3.0
Naganap noong late 1980s, isinasalaysay ng isang ama sa kanyang anak na babae ang legendary, madalas na exaggerated, na kuwento ng kanyang childhood quest para makuha ang ultimate Christmas gift: a Nintendo Entertainment System.
Why Watch
Isa siyang nostalgic trip sa sinumang lumaki at nagkamuwang noong 80s, nakuha nito ang spirit ng era at ang matinding pagnanais para sa isang “must-have” na laruan. Ito ay talagang nakakatawa at ipapadama talaga sa iyo ang tunay na kahulugan ng Pasko.
Who Will Enjoy
Mga batang 80s, mga pamilya na naghahanap ng nakakatawa at sentimental na pelikula, at kahit sinong nakaka-relate sa paghihirap para makamit ang isang special na regalo o bagay.
Parent's Guide
Rated PG. Mild language at ilang slapstick humor. Generally suitable for families, lalo na ang medyo older children na kaya na i-appreciate ang humor nito.
Where To Watch
Netflix PH (kung wala, puwede i-rent or bilhin sa Apple TV Store PH o Google Play Movies PH)
Violent Night

Released: 2022
Rating: Restricted
Running Time: 1 hour 52 minutes
IMDb
Rating: 6.7/10
Rotten Tomatoes
Tomatometer: 74%
Popcornmeter: 88%
Metacritic
Metascore: 55
User Score: 6.6
Letterboxd
Rating: 3.0
Isang Christmas Eve, sinalakay ang compound ng isang mayamang pamilya ng isang grupo ng mga mercenaries. Isang pagod at dismayadong Santa Claus (the real one!) na nagkataong naghahatid ng regalo sa hindi kalayuan, ay kailangang matuklasan muli ang kanyang fighting spirit para mailigtas ang araw.
Why Watch
Para siyang Die Hard pero si Santa! Ang pelikula na ito ay madugo, action-packed, at masayang holiday action flick. Bagay kay David Harbour ang papel na grizzled, ass-kicking Santa.
Who Will Enjoy
Mga Adults na gusto ng mga R-rated action, dark comedies, at sinuman na gustong makita si Santa Claus na makipagbugbugan.
Parent's Guide
Rated R dahil sa sobrang madugong karahasan, pananalita sa buong pelikula, at ilang sexual references. Not for children.
Where To Watch
Puwede i-rent or bilhin sa Apple TV Store PH o Google Play Movies PH
The Family Man

Released: 2000
Rating: Parental Guidance for childern under 13 years of age
Running Time: 2 hours 5 minutes
IMDb
Rating: 6.8/10
Rotten Tomatoes
Tomatometer: 54%
Popcornmeter: 68%
Metacritic
Metascore: 42
User Score: 7.0
Letterboxd
Rating: 3.3
Isang mayaman, mapangutya, at walang awa na Wall Street executive (Nicolas Cage) ay nagising isang Christmas morning sa isang alternate reality. Siya ngayon ay nabubuhay sa buhay na maaari niyang maranasan kung pinakasalan niya ang kanyang college sweetheart (Téa Leoni) at meron na siyang pamilya, at nagtatrabaho bilang tire salesman sa New Jersey. Kailangan niya mamili kung anong buhay ang para talaga sa kanya.
Why Watch
Ito ay kaakit-akit, tagos sa puso, at thought-provoking na modern twist ng It’s a Wonderful Life. Si Nicolas Cage ay nagpakita ng magandang pagganap, at ang pelikula ay tumalakay sa tema ng panghihinayang, pagpili, at ang tunay na kahulugan ng tagumpay.
Who Will Enjoy
Mga fans ng romantic dramas na may kaunting fantasy, at sa mga taong nag-e-enjoy sa mga kuwento ng second chances at self-discovery.
Parent's Guide
Rated PG-13 dahil sa ilang thematic elements at ilang pananalita. Suitable for teens and adults, at medyo complex para sa younger children.
Where To Watch
Gawan mo na lang ng paraan (wink!)
Arthur Christmas

Released: 2011
Rating: Parental Guidance
Running Time: 1 hour 37 minutes
IMDb
Rating: 7.1/10
Rotten Tomatoes
Tomatometer: 93%
Popcornmeter: 77%
Metacritic
Metascore: 69
User Score: 7.5
Letterboxd
Rating: 3.5
Ipinakita sa pelikula ang ultra-high-tech operation sa North Pole, kung saan ang anak ni Santa, na si Arthur, ay nalaman na ang regalo sa nag-iisang bata ay hindi nakarating. Laban sa kagustuhan ng kanyang ama at nakatatandang kapatid, sinimulan ni Arthur ang isang desperado, at makalumang misyon na ihatid ang regalo bago sumapit ang umaga ng Pasko.
Why Watch
Ito ay matalas, matalino, at kaakit-akit na pag-atake sa Santa Claus mythos, puno ng katatawanan at sweet message tungkol sa spirit of Christmas. Ang animation ay vibrant at ang voice cast ay excellent.
Who Will Enjoy
Mga pamilya, at sa mga nakaka-appreciate ng matalinong storytelling at British humor.
Parent's Guide
Rated PG. Mayroong ilang mild slapstick action at panganib, pero wala namang tunay na nakakatakot. Suitable for all ages.
Where To Watch
Netflix PH
Feast of the Seven Fishes

Released: 2019
Rating: Parental Guidance for childern under 13 years of age
Running Time: 1 hour 39 minutes
IMDb
Rating: 6.9/10
Rotten Tomatoes
Tomatometer: 88%
Popcornmeter: 88%
Metacritic
Metascore: 68
User Score: 6.8
Letterboxd
Rating: 3.3
Sa isang maliit na Italian-American town noong 1983, ang coming-of-age na istorya nito ay tungkol sa binatang si Tony sa araw ng Christmas Eve at ang kanyang malaki, at maingay na pamilya ay naghahanda ng traditional na Feast of the Seven Fishes. Sa gitna ng kaguluhan, nag-navigate siya sa family expectations at sa umuusbong na pag-ibig sa isang WASP (White Anglo-Saxon Protestant) girl.
Why Watch
Ito ay charming, authentic, at heartwarming na pagtingin sa Italian-American traditions tuwing Christmas, na puno ng masasarap na pagkain, kakaibang mga characters, at may nostalgic charm.
Who Will Enjoy
Fans ng slice-of-life dramas, foodies, sinumang may malaki at maingay na pamilya, at mga interesado sa cultural holiday traditions.
Parent's Guide
Rated PG-13 dahil sa thematic elements, ilang pananalita, at maikling suggestive content. Suitable for teens and adults.
Where To Watch
Gawan mo na lang din ng paraan (wink!)
While You Were Sleeping

Released: 1995
Rating: Parental Guidance
Running Time: 1 hour 43 minutes
IMDb
Rating: 6.8/10
Rotten Tomatoes
Tomatometer: 81%
Popcornmeter: 79%
Metacritic
Metascore: 67
User Score: 7.2
Letterboxd
Rating: 3.6
Nasagip ng isang malungkot na Chicago transit worker na si Lucy Moderatz (Sandra Bullock) ang buhay ng isang guwapong estranghero, si Peter, sa Christmas Day. Habang nasa coma si Peter, napagkamalan ng kanyang pamilya si Lucy bilang kanyang fiancée. Pero si Lucy ay nainlab sa charming brother ni Peter, na si Jack, na napunta sa isang heartwarming at complicated holiday romance.
Why Watch
Ito ay classic, charming, at genuinely sweet romantic comedy na may fantastic ensemble cast. Sandra Bullock ay kaakit-akit, at nakuha ng pelikula ang cozy, family-focused spirit ng holidays.
Who Will Enjoy
Mga rom-com fans, mga may gusto ng feel-good movies, at sinumang naghahanap ng heartwarming at humorous holiday romance.
Parent's Guide
Rated PG dahil sa ilang mild na pananalita at ilang mature themes, pero generally ay very family-friendly. Suitable for all ages.
Where To Watch
Disney Plus PH
Ngayong holiday season, subukan mong hanapin at panoorin ang ilan sa mga kahanga-hanga, at madalas na hindi napapansin na mga pelikulang ito. Malay mo ma-discover mo ang bago mong paborito para isama sa iyong annual tradition ng mga pelikulang pinapanood kapag holiday season. Happy watching, and happy holidays na din!




