As of February 28, 2026
Kung after one year ay saka lang tayo muling nagkita, ito ang kasalukuyang nangyayari sa buhay ko.
the project
Simula nang inumpisahan ko itong project na ito noong September 15, 2025, madalas nauubos ang oras ko sa pagde-decide kung ano ba ang gagawin ko sa website na ito. Bukod sa kung ano ba ang magiging content, ang tagal ko din pinag-isipan kung mag-switch ba ako sa Gutenberg, o mag-stay na ako sa naumpisahan kong paggamit ng free Elementor at Blocksy. Pino-problema ko din kung mag-stick ba ako sa default post type at didiskartehan ko na lang sa taxonomies, o gagawa ako ng mga custom post types para sa iba-ibang content na gusto ko ilagay.
Noong December, habang ako ay nasa mahabang bakasyon, nag-umpisa na akong gumawa ng mga custom post types gamit ang CPT UI plugin. Sa ngayon, meron nang bukod na post type para sa mga jokes, mga movies and tv shows na napanood ko, mga music na nagustuhan ko, at links ng mga natripan ko sa internet.
Dahil marami na akong na-update kahit papaano, nag-stick na muna ako sa Elementor at Blocksy. Hopefully, maidagdag ko na ang post type para sa mga nabasa kong libro at mga nilalaro kong games. Plano ko din maglagay ng digital garden. Pero baka mag-focus muna ako next month sa content.
recommendations
Patok at madalas mabisita ang kuwento ko tungkol sa mga YouTube channels na puwede ka makapanood ng mga legit at libreng tagalog movies and more.
Regularly ko din ina-update ang listahan ng mga araw na walang pasok ngayong 2026.
From January to February:
4 na kuwento ang nai-share ko kasama na ang tungkol sa galentine’s day.
41 jokes ang nai-post ko at isa ang Wisdom of Love sa recommended ko.
8 movies at 1 tv series ang dinagdag ko sa listahan ng mga palabas na napanood ko na. Pinakahuling napanood ko ay Synchronic.
19 songs at 3 albums ang dinagdag ko sa listahan ng mga trip kong pakinggan. Latest discovery ko ay ang kanta ng fitterkarma na Pag-ibig ay Kanibalismo II.
10 website at 7 youtube videos na nagustuhan ko ang aking inilipag at baka magustuhan niyo din. Try niyo itong isa na tungkol sa time machine.
at work
Last October 2025, ay panglimang taon ko na sa aking panglimang kumpanya na pinapasukan. Technically, 6 years and 6 months na ako nagtatrabaho dito pero that’s another story. I’m still part of the response team na siyang naghahandle ng mga concerns from clients. Ang sinu-support namin ay isang comprehensive payroll and human capital management (HCM) system.
As of February 4, ganap nang nakumpleto ang acquisition sa aming kumpanya ng isang software-focused na private equity firm. Pangalawang acquisition na namin ito.
Simula last year, maraming pagbabago na inintroduce sa aming sistema ng pagtatrabaho (git, github, code review, dapper, claude, chatgpt, co-pilot, atbp.) Currently, ang trajectory namin ngayon ay ang pagpasok sa mundo ng AI. Kahapon lang ay ipinakita sa amin ang isang fully functional at aesthetically polished na portal na ginawa lang sa loob ng 40 hours with the help of AI. Naisip ko tuloy gumawa din ng application na magdedecide kung papasok ba ako o hindi. Work from home pa din pala kami since pandemic.
home media server
Since 2024, nagre-research na ako ng software na puwede ko gamitin para magkaroon ng home media server. Nag-settle ako sa Jellyfin. Simple lang siya. Madaling gamitin. Accessible lang siya dito sa aming bahay. Noong una, patok siya at laging nagagamit. Pero noong nagka-Netflix at Disney na kami, third placer na lang siya. Sa ngayon, mas gamit ko ang Jellyfin for documentation purpose. Ibig ko bang sabihin ay sa Jellyfin ko na tinitignan kung ano bang mga media (movies, tv shows, music, books) ang meron ako sa aking collection. From January to February, nakapag-document ako ng 27 feature films, 7 tagalog films, 4 animated films, 2 documentary, 1 tv special, 3 tv series, 30 albums, 3 singles and 2 extended plays.
at home
Etong January, 2 years na akong hindi naninigarilyo. At 2 years na akong nagva-vape. Simula nang tumigil ako mag-yosi, medyo nagkalaman ako at nadagdagan ang bigat ko. Ewan ko kung may kinalalaman sa pag-quit ko sa pagyoyosi, pero simula pagkabata, payat talaga ako. Tapos ngayon, lumalampas na ako sa 50kgs. First time ngayon sa buong buhay ko na may nakakakita sa akin na nagsasabing, “Uy, tumataba ka ah.“
Last week, for the first time in a long time, naglakad ako mula sa bahay hanggang sa labas ng subdivision para bumili ng vape juice. Simula kasi na nagka-e-bike kami, ipinagda-drive na lang ako ni misis kapag may kailangan ako bilhin sa labasan. Kaso, may sira ang e-bike namin for two weeks at this Tuesday lang nagawa. Ayun, hindi na kaya ng powers ko ang mga ganung lakaran. haha. Ang tanda ko na talaga.
EDIT: Noong gabi ng February 28, nagkaroon kami ng simpleng birthday celebration sa aming bahay kasama ang pamilya ni misis. At noong bumili kami ng maiinom na alak sa isa naming suking tindahan, noon lang ulit ako nakita ng tindera after a long while at napasabi siya na, “Uy, tumataba ka ah. Seryoso nga, tumaba ka.“
This is a Now Page. If you have your own site, you should make one too.
