Ang denster project ay isang digital time capsule na magpe-preserve ng bits and pieces ng mga tao, bagay, hayop, lugar, pagkain at pangyayari na humubog, at patuloy na humuhubog sa kung ano ako ngayon. Isipin mo na lang na ito ay parang bagong scrapbook na wala pang laman, isang playground ng mga hilaw na ideas, o isang sari-sari store kung saan puwedeng magkalat at halukayin ang mga paninda kahit wala kang balak bumili.
Sa madaling salita: Hindi ko talaga alam kung ano ang project na ito, at sa puntong ito, tinatamad na akong alamin pa =p
Why Does This Website Exist?
Preservation: Ito ang aking paraan para i-archive ang mga bagay nag nagma-matter – cultural nuggets, funny memories, at random knowledge. Habang ako’y tumatanda, ang memorya ko na dati ay parang “high-speed broadband”, ay unti-unti nang nagiging “dial-up connection.” Gusto kong gawing parang diary ang site na ito para sa mga bagay na nakakapagpasaya sa akin bago ko pa ito makalimutan. Sa ganoong paraan, kapag eventually ay nakalimutan ko na talaga, puwede kong balikan dito at ako mismo ay magulat sa aking mga pinagsasabi.
Community: Para sa mga taong kayang sakyan ang aking “trip.” Kung nag-eenjoy ka sa mga walang kuwentang kuwento, mga corny na jokes, media throwbacks, o random pop culture tidbits, feeling ko mapi-feel at home ka sa site na ito.
Helping Fellow Pinoys: Sa aking maliit na paraan. Seryoso. Noong inuumpisahan ko pa lang ang site na ito at nag-iisip ng mga puwede ko i-post, isa sa unang naisip ko ay mag-explain ng mga trending meme mula sa aking social feeds. Parang walang kuwenta, pero alam ka na may mga Pinoy na nagla-like & share ng mga posts na hindi nila naiintindihan dahil nahihiya silang magtanong kung ano ang ibig sabihin ng post. Gusto kong ako ang kanilang maging knight in shining armor na taga-explain kung bakit ang isang post ay viral, o kung ano ang ibig sabihin ng mga ancient hieroglyphics tulad ng “ROFLMAO” at “¯\(ツ)/¯”
Monetization: Sabi nila, may very, very slim chance na kumita ka sa pagba-blog ngayong 2026. So… ¯\(ツ)/¯
What You’ll Find Here
Isipin mo lang na ang website na ito ay isang variety show na may iba’t ibang acts at performances (at hopefully, eventually, ay magkaroon din ng mga paid commercials):
Trivia: Mga facts na hindi makakatulong sa exams pero magandang ibida sa inuman.
Information: Makabuluhang kaalaman na puwedeng mag-ambag sa progreso, specifically ng mga kapwa ko Filipino.
Free Stuff: Legal freebies na nagkalat sa internet dahil the best things in life are libre.
Jokes: Mga old-school classics, mga “green” (suggestive) jokes na aking kinalakihan, mga vintage text jokes, at mga forwarded emails ko mula pa noong 2004.
Quotes: Mula sa mga movies, books, famous people, at sa mga tsismisan na aksidente kong napakinggan.
Reviews: Movies, TV shows, music, o kahit ano pang mga bagay na puwede kong ikuwento sa tamang halaga =p
How-To Guides: Practical tutorials, tulad ng “Paano i-Google ang mga How-To Guides.”
Personal Stories: Mga kuwento na maaaring nangyari o hindi nangyari sa totoong buhay.
Well. ‘yan ang plano. Pero alam naman nating lahat na “promises plans are made to be broken.” Ang tambayan na ito ay hindi sineseryoso ang kanyang sarili. May mga posts na saktuhan lang; may mga nostalgic. Madalas ay pangit ang pagkakasulat. Pero lahat ay nanggaling sa lugar na puno ng pag-uusisa at saya.
Note: Madalas na ang mga posts ko dito ay in Filipino o Taglish, pero paminsan-minsan, kapag bilog ang buwan, susubukan ko din gamitin ang aking carabao English. Pero sorry na agad because I’m not pluwent, flooent, flowent… Ah basta, I’m not.
Looking Ahead
Ano ang susunod na kabanata? Honestly, kahit ano.
For example: Alam niyo ba na ang longest name ng isda ay humuhumunukunukuapuaʻa? Iyan ang natutunan ko kakasali sa mga non-academic quiz shows noong college. Pero ng i-double-check ko ang spelling bago ko i-post dito, nalaman ko na natalo na pala ito ng lauwiliwilinukunukuʻoiʻoi.
Ganyan ang uri ng mga top-tier, life-changing content na makikita mo dito =p
Closing Thought
Kung umabot ka hanggang dito, salamat sa pagiging bahagi ng aking journey. Maaaring hindi na”trendy” ang blogging ngayon, pero naniniwala ako na isa pa din ito sa pinaka-personal na medium. Ito ang aking maliit na sapot sa isang sulok ng internet, at nagagalak ako na nandito ka.
Sabi nga ni pareng Friedrich Nietzsche, “The advantage of a bad memory is that one enjoys several times the same good things for the first time.”
That, in a nutshell, is what I hope this project will be about – for me, personally.
Kapag ako ay sobrang tanda na, bibisitahin ko ang website na ito (kung afford ko pa din bayaran ang domain at hosting). Muli kong matutuklasan ang mga bagay na matagal ko nang nakalimutan. Maaalala ko muli ang mga taong may utang sa akin. Makikita ko ulit ang mga post ko “for the first time” at matatawa muli ako sa mga paborito kong corny jokes.
Makikita ko ang sarili kong nakangiti na parang baliw sa madilim na sulok nang aking luma at inaalikabok na bahay… habang naka-upo sa aking plastic na upuang kulang na ng isang paa… habang pilit na inaaninag ang website na ito sa jurassic phone ko na tadtad na ng crack ang screen… nag-iisa… habang nagbibilang ng napakaraming pera =p
At sana ay mapangiti ka din kapag aksidente kang naligaw sa tambayan na ito. Tandaan mo na kapag dalawa na tayong masaya… two less lonely people in the world.
So without further ado, welcome sa denster project.
Tara, kuwentuhan tayo.
