Contact

Alam mo ba na minsan, may isang lalaki ang nag-appy bilang janitor sa isang malaking kumpanya?

Siya ay ininterview ng kanyang employer at binigyan siya ng isang practical test: “Linisin ang sahig.”

Pagkatapos niyang linisin ang sahig, nagsabi ang employer na:

Tanggap ka na. Ibigay mo na lang sa akin ang iyong e-mail address para maipadala ko sa iyo ang application form at ang umpisa ng iyong schedule.

Sumagot ang lalaki:

“Pero wala po akong computer o e-mail address.”

Ang sabi ng employer:

“Naku, sorry. Pero kung wala kang e-mail address, ang ibig sabihin ay hindi ka nag-e-exist. At kung hindi ka nag-e-exist, ibig din sabihin noon ay hindi ka namin puwedeng kuhanin bilang janitor.”

Naiwang malungkot ang lalaki at nawalan na siya ng pag-asa. Meron na lamang siyang 1,000 pesos sa kanyang bulsa.

Nag-isip siya panandalian at dumiretso sa palengke. Bumili siya ng isang kahon ng kamatis (10 kilo). at nag-bahay-bahay siya para ibenta ito. Sa loob ng dalawang oras, naibenta niya na lahat ng kamatis at dumoble ang kanyang puhunan.

Inulit niya ang proseso na ito hanggang makauwi siya sa bahay na meron ng 6,000 pesos. Napagtanto niya na kaya niyang mabuhay sa ganitong pamamaraan. Simula noon eh araw-araw na niya itong ginagawa. Maaga siyang umaalis sa bahay at gabi na kung umuwi. Ang kita niya ay nagpatuloy na mag-doble at mag-triple.

Hindi nagtagal, nagawa na niyang bumili ng push cart. Pagkatapos ay nakabili na din siya ng truck. At naglaon, ay nakabili na din siya ng maraming sasakyan na pang-deliver.

Makalipas ang limang taon, isa na siya sa pinaka-malaking food retailer sa buong Pilipinas. Nag-umpisa na siyang mag-plano para sa kinabukasan ng kanyang pamilya kaya napagdesisyunan niyang kumuha ng life insurance.

Tumawag siya sa isang broker para pumili ng insurance plan. Matapos ang kanilang pag-u-usap, nagtanong ang broker:

“Sir, ano po ang iyong e-mail address?”

Sumagot ang lalaki:

“Wala akong e-mail address.”

Nagulat ang broker:

“Wala kayong e-mail address pero nakapagtaguyod kayo ng isang napakalaking negosyo? Naisip niyo ba kung ano pa ang narating niyo kung meron kayong e-mail address?”

Napatigil saglit ang lalaki, at nagwika:

“Janitor.”

Maaari kang magpadala ng reaction, comment, suggestion, subpoena, fan mail, donation, labada, chain letters, freebies, money transfer, talbog na tseke, secret recipes, o mapa ng hidden treasure sa e-mail address na:

densterproject@gmail.com

Kung meron kang produkto na nais mong ipa-review, o gusto mong maki-post ng ads, o kahit ano pa man ‘yan na makakatulong sa akin financially para ipagpatuloy ang kalokohan na ito, mag-inquire ka lamang gamit ang nabanggit na e-mail address. At para mapansin ko kaagad ang e-mail mo, mangyari lamang na lagyan mo ng subject na:

JANITOR

“The biggest problem with communication is the illusion that it has taken place.”

George Bernard Shaw (Irish playwright and critic)