Remember the days na napakahirap maghanap sa internet ng mga tagalog movies, may bayad man o wala? Sinasaliksik mo na ang lahat ng torrent sites na alam mo pero karamihan ay foreign films lang talaga ang meron. Kung makakita ka man ng tagalog movie, eh kuha pa sa sine, hindi kagandahan ang quality, o may mga ads at malalaking watermarks. At siyempre, huwag natin kalimutan na pirated copy ang nakukuha nating tagalog movies noon.
Sa panahon ngayon na uso na talaga ang mga streaming services, may mga platforms na tayong puwede panooran ng mga tagalog movies. May ilan na libre, pero karamihan nga lang ay kailangan mong mag-avail at magbayad ng serbisyo nila.
Pero kung LIBRE ang pag-uusapan, marami na ngayong YouTube channels na may mga Free Tagalog Movies, old and new. This time, hindi na pirated copy — ito’y mga official uploads na karamihan ay mula mismo sa mga film studios sa Pilipinas.
Para ito sa mga gusto ng “movie night” pero tipid mode, o ‘yung mga gusto lang magbalik-tanaw sa mga lumang pelikula nina Dolphy, FPJ, Sharon, Aga, or Jolina!
ABS-CBN Star Cinema

Mag-browse ka lang sa mga Videos nila. May label naman sa mga video thumbnails na “FULL MOVIE” kaya madali lang maghanap. Ok din ang mga nasa Playlists nila. May playlist ng mga bagong upload na movies every month, mga movie collection per celebrity, at mga themed collections (e.g. kilig movies, for the kids and kids at heart, perfect for the family, atbp.)
Recommended movies ko: One More Chance, Four Sisters and a Wedding, A Love Story, Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin, Bata, Bata… Paano Ka Ginawa?, I Do? I Die! Diyos Ko ‘Day!, Tatlong Taong Walang Diyos (marami pa talagang recommended movies dito sa channel na ito)
VIVA Films

Mag-browse ka lang din sa mga Videos nila dahil may label din sila na “FULL MOVIE” (at “FULL MOVIES” para sa mga movie marathon) sa mga video thumbnails. May playlist sila para sa mga action, drama, at comedy movies.
Recommended movies ko: Kamagong, Ang Probinsiyano, Ikaw Lamang Hanggang Ngayon, Bituing Walang Ningning, Bagets, Ang Pagbabalik ni Pedro Penduko.
FPJ Productions

Kung idol mo si “Da King” Fernando Poe Jr. o mahilig ka sa mga action movies, itong YouTube channel na ito ang nababagay para sa iyo. Mag-browse ka lang din sa Videos at may label na “FULL MOVIE” o “RESTORED FULL MOVIE” ang mga video thumbnails.
Recommended movies ko: Tatak ng Tundo, Isang Bala Ka Lang, No Retreat… No Surrender… si Kumander, Pagbabalik Ng Lawin, Kapag Puno na ang Salop, Walang Matigas na Tinapay sa Mainit na Kape.

Mag-browse ka lang din ulit sa Videos at may label na “FULL MOVIE” ang mga video thumbnails nila. Meron din silang mga english at tagalog-dubbed movies.
Recommended movies ko: Sa Kuko ng Agila, Sarge, Takot Ako, Eh, John and Marsha, Kaming Matatapang ang Apog, Relaks Ka Lang, Sagot Kita.
GMA Pictures

You know the drill. Mag-browse ka lang din ulit sa Videos at may label na “FULL MOVIE” ang mga video thumbnails nila.
Recommended movies ko: Cordora, Manila Kingpin – The Asiong Salonga Story, Mulawin The Movie, Mindanao, Family History, Jose Rizal, Karnal.
Cinema One

You know the drill (ulit). Mag-browse ka lang din sa Videos at may label na “FULL MOVIE” ang mga video thumbnails nila.
Recommended movies ko: Halimaw Sa Banga, That Thing Called Tadhana, Mabuting Kaibigan, Masamang Kaaway, Joaquin Bordado.
SOLAR WATCH NOW

You know the drill (ulit). Mag-browse ka lang din sa Videos at may label na “FULL MOVIE” ang mga video thumbnails nila. Check niyo din ang Playlists nila para sa iba-ibang collection ng movies.
Recommended movies ko: ZUMA, Kisapmata, Ang Tatay Kong Nanay, Miguelito: Batang Rebelde.
Jungo Pinoy

You know the drill (ulit). Mag-browse ka lang din sa Videos at may label na “FULL MOVIE” ang mga video thumbnails nila. Check mo din ang Playlists nila at meron silang playlist para sa action, drama, at comedy. Meron din silang tagalog dubbed action movies at korean series.
Recommended movies ko: Bulaklak sa City Jail, Elvis and James: The Living Legend.
OctoArts Films

You know the drill (ulit). Mag-browse ka lang din sa Videos at may label na “FULL MOVIE” ang mga video thumbnails nila. Sa Playlists mayroong collection ng mga 4k movies, at mga movies per celebrity.
Recommended movies ko: Joe Pring, Ang Pagbabalik ni Leon Guerrero, Enteng Kabisote, Alamat ni Leon Guerrero, Boy Negro.
Regal Entertainment, Inc.

You know the drill (ulit). Mag-browse ka lang din sa Videos at may label na “FULL MOVIE” ang mga video thumbnails nila. May playlist ng mga movie collection per celebrity, at mga themed collections (e.g. LGBTQ+ movies, holy week movies, scary horror movies, atbp.)
Recommended movies ko: Batang Quiapo, Michael and Madonna, Super Wan-Tu-Tri, Mga Kuwento ni Lola Basyang, Starzan, Katorse.
O ayan. Hindi mo na kailangang maghanap pa sa madidilim na sulok ng internet para makanood ng mga tagalog movies. Suportahan at panoorin mo na lang ang mga legal uploads mula sa mga links sa taas — para mas marami pang studios at channels ang maglabas ng classic at modern hit tagalog movies nang libre.
Kung gusto mo ng chill weekend o throwback night, check mo lang ‘tong mga channels na ‘to. At kung may na-miss akong YouTube channel or may recommended kang pelikula na hindi ko nabanggit, comment lang sa baba.




