Kung sa tingin mo trailers at posters lang ang labanan sa movie marketing… think again.
May mga pelikula na hindi nagtipid sa kalokohan — may nagpapansin sa live TV, gumawa ng fake websites, nagpakalat ng cursed VHS tapes, at may nagredesign ng 7-Eleven na para magmukhang legit na Kwik-E-Mart.
Sa post na ‘to, titingnan natin ang mga wild at creative movie marketing campaigns na naging viral at nagpasabog sa internet — at naging dahilan o nakadagdag para tumaas ang ticket sales at kumita ang pelikula.
Smile (2022)

Live Events at Social Media
Nag-hire sila ng mga actors na uupo sa prime, televised seats sa mga live sporting event tulad ng Major League Baseball. Nakapuwesto sila sa lugar na madalas mahagip ng broadcast camera (e.g. likod ng home plate). May actor din sila na nakapuwesto sa likod ng mga hosts sa Today Show. Nagsusuot din ang mga actors ng shirt na pansinin ang kulay (e.g. neon) at may nakasulat na “SMILE”.
Creepy na Visual
Ang mga actors ay makikita na nakatingin lang sa camera, hindi natitinag, at may nakakatakot na ngiti, na lumikha ng isang viral at shareable moment na pinag-usapan ng mga tao online.
Viral Success
Naging viral ang campaign sa social media, kung saan kinukuwestiyon ng mga manonood ang kinikilos ng mga actors, na nagdulot ng public interest at curiosity tungkol sa pelikula.
Strategic Goal
Ang pangunahing layunin nila ay makabenta ng ticket sa pamamagitan ng paglikha ng malawakang kamalayan gamit ang kakaiba, nakakaengganyo at nakakabagabag na promotional stunt na swak naman sa horror theme ng pelikula. At tumaas naman ang sales ng ticket nila dahil dito.
Narito ang summary ng kanilang viral marketing stunt from TriplePlay Studios (courtesy of TriplePlay Apps).
The Purge (2013)

Interactive Content
Gumamit ang campaign ng pangunahing tanong na — “What would you do on Purge night?” — upang maisip ng mga user ang premise ng pelikula at ma-engage sila sa brand.
Hashtag Campaign
Ang hashtag na #SurviveTheNight ay ginamit para hikayatin ang mga fans na i-share ang kanilang reactions at bumuo ng community para sa pelikula.
Viral Websites
Gumawa sila ng promotional websites na may immersive experience at nag-offer ng in-world details tulad ng history ng “New Founding Fathers,” official text ng mga new laws, at pati recipes para sa “Purge” parties.
Faux Infomercials
Kasama din sa marketing nila ang mga segments na kunwari eh shopping channel para sa in-world products tulad ng “Purge Away” stain removers at emergency candles. Ito ay lumabas sa TV and online.
Interactive Hotline
Ang mga Fans ay hinikayat na tumawag sa working hotline na lumalabas sa mga infomercials para sa chance na manalo ng products. Ito ay nakadagdag sa interactive fun.
Narito ang viral website ng New Founders of America at ilan sa mga promotional posters at infomercials.






District 9 (2009)

Guerrilla at Viral Marketing
Ang Sony ay nagpakalat ng mga cryptic at realistic-looking ads sa mga public spaces tulad ng billboards, bus shelters, at benches sa mga cities tulad ng New York at London.
Multi-National United (MNU) Website
Isa sa key element ay ang paglabas ng website para sa fictional MNU corporation mula sa pelikula, na may mga news, alerts, at iba pang content para ma-immerse ang mga audiences sa mundo ng pelikula.
Interactive Online Presence
Kasama sa campaign ang pag-launched ng website para sa pelikula, D-9.com, kung saan makikita ang trailer at may kasama pang game na pwede maglaro ang mga users bilang human o alien.
Meron din silang ginawang blog na kunwari ay mula sa isang character sa pelikula.
Social Media Integration
Gumamit din ang campaign ng mga platform tulad ng Facebook at Twitter upang mapalawak ang abot nito.
Real-world Interactions
Isang telephone number ang ibinigay sa mga ads, na kapag tinawagan, nakakonekta sa isang automatic message mula sa fictional na MNU.
Ang mga sticker na “For Humans Only” na may logo ng District 9 ay inilagay din sa paligid ng mga pampublikong lugar.
Narito ang MNU website, at mga ads at posters na inilabas para sa pelikula.













Deadpool 2 (2018)

Leveraging the Brand's Tone
Ang campaign ay pinanatiling consistent, self-deprecating, at may irreverent tone na kapareho ng style ng pelikula. Kasama dito ang pag mock nila sa studio sa kanilang mga posters (e.g. “From the Studio that Killed Wolverine“) at ang mga actors ay involved sa mga nakakatawang “feuds”.
Brand Partnerships
Si Deadpool ay nakipag-partner sa iba’t ibang brands para sa creative campaigns na kadalasan ay nagbi-break ng fourth wall. Ilan sa mga brands ay ang Trolli, Mike’s Harder at Walmart.
Social Media at Online Engagement
Ang campaign nila ay nag-excelled sa paggawa ng mga viral moments at engaging contents. Halimbawa ay ang “Peter” campaign nila para sa X-Force member na humakot ng attention at engagement. Nariyan din ang viral video na ginawa nila kasama si Celine Dion. Meron din silang twitter “feud” sa pagitan nina Ryan Reynolds at Hugh Jackman.
"Fastvertising"
Ang strategy na ito ay mabilisang paggawa ng mga advertisements na pasok sa mga current events at cultural moments para mabilis mag-generate ng buzz at relevance, at na master na ito ni Ryan Reynolds na madalas gumawa at mag-post sa social media ng ganitong mga ads.
Social Responsibility
Nag-integrate din ang marketing team nila ng philanthropic element sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa F Cancer organization para mag-raise ng pera para sa breast cancer research.
Narito ang ilan sa marketing campaign materials para sa pelikula.
Say, “CHEESE!” #TeamSelfie #XForce pic.twitter.com/LM3EGcEKri
— Peter W. (@PeterW_1974) April 27, 2018
When you’re trying to record a heartfelt birthday message .... but are interrupted by the least greatest showman. @VancityReynolds pic.twitter.com/RwlE4IXFX1
— Hugh Jackman (@RealHughJackman) April 27, 2018
This Valentine’s Day let the Merc be your Muse. pic.twitter.com/BZgoXBc9eh
— Deadpool Movie (@deadpoolmovie) February 14, 2018
Happy Birthday to the one and only @BettyMWhite. Cheers to another year of ‘Tinis and Weenies! 🍸🌭 pic.twitter.com/vf3gP0G6pZ
— Deadpool Movie (@deadpoolmovie) January 17, 2018






Carrie (2013)

"Telekinetic Coffee Shop Surprise"
Ang pinaka-centerpiece ng campaign ay isang prank video kung saan ang isang babae (isang actor) ay nag-unleash ng kanyang telekinetic powers sa isang coffee shop sa New York City matapos ang isang lalaki ay masagi ang kanyang kape at tumapon sa kanyang mga gamit.
Hidden Camera Footage
Sa video, na kinunan gamit ang hidden cameras, na-captured ang authentic reactions ng mga walang kaalam-alam na customers na nabigla at natakot habang ang mga bagay sa shop ay nag-umpisang gumalaw, tumaob ang mga mesa, at nagtalsikan ang mga libro sa shelves.
Massive Online Reach
Ang video na nai-post online ay mabilis na naging viral, at nakakuha ng millions of views sa YouTube at naging isa sa most shared ads of the year.
Social Media Promotion
Ang mga bida sa pelikula, na sina Chloë Grace Moretz at Julianne Moore, ay nag-promote ng nasabing video sa kanilang mga social media accounts.
Social Media Presence
Bukod sa viral video, ginamit ng pelikula ang mga social media platforms tulad ng Twitter, Facebook, at Tumblr para i-promote ang pelikula.
Narito ang nasabing prank video.
The Simpsons (2007)

Kwik-E-Mart Takeover
Ang ilang 7-Eleven stores ay ni-transformed para maging kamukha ng fictional counterparts nito sa The Simpsons, at nagbenta din ng exclusice Simpsons-themed products tulad ng Buzz Cola at Squishees.
"Simpsonize Me"
Isang Burger King website ay pinahintulutan ang milyon-milyon na users na gumawa ng sarili nilang Simpson-style na avatars.
Airline at Shoe Collaborations
Ang JetBlue ay naging “Official Airline of Springfield,” habang ang Vans ay naki-partner para sa limited-edition line ng Simpsons-themed shoes.
Burger King Promotion
Nagkaroon din ang Burger King ng collectible toys at special “yellow” themed meal.
Public Installations
Isang 180-foot chalk drawing of Homer ay ginawa sa United Kingdom.
Online at Gaming Initiatives
Mga Flash games at ang nabanggit na “Simpsonize Me” website ay naging popular online promotions, at ang The Simpsons Game ay ni-released kasabay ng DVD ng pelikula.
Narito ang ilang larawan ng kanilang mga pakulo.




Cloverfield (2008)

Enigmatic Teaser Trailer
Ang initial teaser ay ni-released na walang title ng pelikula, ipinakita lang ang release date (1-18-08) at ang pangalan ng producer (J.J. Abrams).
Website-based Clues
Meron silang website na naglalaman ng mga time-coded photos na kailangang i-piece together ng mga fans para mabuo ang istorya.
Fictional Character at Company Websites
Kasali sa campaign ang paggawa ng MySpace pages para sa mga main characters at websites para sa mga fictional companies tulad ng deep-sea oil drilling company Tagruato at ang frozen drink company Slusho!.
Alternate Reality Game (ARG)
Ang mga fictional companies at character profiles ay integral parts ng mas malaking ARG, kabilang ang Slusho! na eventually eh related sa monster’s origin bilang food source para sa substance na nadiskubre ng Tagruato.
Content at Community Engagement
Ang campaign ay nag-encouraged ng speculation, kung saan ang mga fans ay gumawa ng sarili nilang websites, forums, at content para ma-solve ang mystery at pag-usapan ang backstory ng pelikula, na nagpalawak sa “Cloverfield universe” higit pa sa ipinakita sa pelikula.
Product Tie-ins
Ang fictional na Slusho! drink, na may history na lumabas sa ibang mga shows, ay naging isa sa key element ng campaign.
Downloadable Content
Meron din silang downloadable widget na may kasamang mga film clips at puwede ding makakuha ng monster roar ringtone kapag nag-text sa isang number.
Narito ang teaser trailer (via Trailer Guy) at ilang marketing campaign materials.
The Ring (2002)

Anonymous VHS Tapes
Blank VHS tapes na naglalaman ng about 90-second cursed video ay iniiwan sa mga windshields ng sasakyan at sa iba pang random na lugar. Ang VHS tape ay walang anumang indikasyon ng kanilang pinagmulan o pagkakilanlan.
Website
Isang interactive website din ang ginawa para ang mga users ay mai-email ang cursed video sa kanilang mga kaibigan, para ipagpatuloy ang “seven days to live” na myth.
TV Ad Hijacking
Short at unbranded clips mula sa cursed video ay ipinapalabas sa commercials ng late-night television, causing. Ang mga viewers ay nalito at natakot dahil dito.
Viral Spread
Ang campaign ay idinisenyo para magkaroon ng sariling buhay, at mag-udyok sa mga tao para maghanap ng kasagutan online at ikalat ang salita tungkol sa misteryosong video na napanood nila.
Narito ang promotional 90-second cursed video (via retro VHS trailers) na laman ng ipinakalat nilang blank VHS tapes.
Deadpool (2016)

Meta-humor
Ang campaign para sa Deadpool ay consistent sa pag-break ng fourth wall, kung saan ang character ay direktang ina-address ang audience at kinukutya ang ibang superhero movies, kasama na ang dating appearance ni Deadpool mula sa studio.
Viral Content
Imbes na umasa lang sa mga traditional trailers, gumamit ang campaign ng mga low-budget, high-engagement videos sa platforms tulad ng YouTube na mukhang genuine content imbes na advertisements.
Self-deprecating Ads
Parte ng campaign ay gawing katatawanan ang studio dahil sa naunang Deadpool film, na nakita bilang bold at effective na move.
Brand Collaborations
Ang marketing team ay nakipag-partner sa ibang brands para sa creative, in-character promotions na authentic sa Deadpool brand.
Print at Billboards
Kahit ang mga traditional advertising tulad ng billboards at posters ay ginamit para sa comedic effect, tulad ng isang billboard na nag-spoofed sa typical na romantic comedy na pelikula.
Narito ang ilan sa mga viral campaign materials ng Deadpool.


Dear Fox, stop changing the timelines. It's confusing the audience. #xmenassemble #happyhalloween pic.twitter.com/XkhejBLRWS
— Ryan Reynolds (@VancityReynolds) November 1, 2015
#Deadpool wants to see what you’re packing. Show off your #TickPics today. https://t.co/uBUGirtH3T pic.twitter.com/7q3g4unGXq
— Deadpool Movie (@deadpoolmovie) February 11, 2016







The Blair Witch Project (1999)

Fictional Website
Ang mga filmmakers ay ni-launched ang website na blairwitch.com ilang buwan bago pa i-release ang pelikula, na naglalaman ng collection ng mga fake police reports, interviews, diary entries, larawan ng mga missing filmmakers, at timeline ng witch’s history para magmukhang totoo ang istorya.
Missing Person Flyers
Flyers na may mukha ng mga actors ay ipinakalat sa public places, hinihikayat ang mga tao na tumulong hanapin sila, na nagpalakas ng speculation sa kanilang sinapit na kapalaran, at magmukhang totoo, na sila ay nawawala.
Faux Documentary
Isang companion na mockumentary na may titulong “Curse of the Blair Witch” ay ginawa para sa Sci-Fi Channel, na may mga interviews sa mga fictional locals tungkol sa legend ng blair witch. Nakadagdag ito sa authenticity ng pelikula.
Altered IMDb Pages
Ang mga IMDb pages ng mga actors ay inupdate para mailista sila na missing at presumed dead, na nakadagdag sa ilusyon ng pelikula.
Strategic Release
Ang pelikula ay unang ipinalabas sa mga colleges upang bumuo ng word-of-mouth buzz sa mga receptive audience na sa pakiramdam nila ay natutuklasan nila ang kuwento.
Limited Traditional Advertising
Sa halip na umasa sa traditional trailers, ang layunin ng campaign ay lumikha ng sapat na pagdududa at misteryo para ang curiosity ay kumalat organically sa pamamagitan ng mga online na forum at word-of-mouth.
Cast at Crew Silence
Ang mga actors ay pinagbawalan sa mga publicity interviews para hindi msira ang ilusyon ng pagiging totoo ng pelikula.
Sila ang OG ng “viral marketing.” Noong panahon na ’yon (1999, pre-social media era), wala pang fact-checking culture. Kaya noong maglabas ang mga filmmakers ng pekeng police reports, missing person flyers, “documentary” interviews, at isang website na puno ng “evidence”, maraming naniwala na totoo ang istorya. Pinag-usapan ito ng mga tao sa forums, chatrooms, college campuses at maging sa diyaryo kaya nakakuha sila ng massive free publicity. At mismong ang pelikula ay aakalain mong genuine home footage. Shaky camera, amateur acting, messy shots. Ang hindi pagkakaroon ng public appearance ng mga actors ay malaking factor din na nakatulong sa buong campaign. Hinayaan nilang ang mga audience kung totoo ba o hindi ang kanilang napanood. Narito ang ilan sa mga marketing strategy nila.



Sa panahon ngayon, minsan hindi na sapat ang magandang trailer — kailangan mayroon kang paandar. At kung meron mang patunay na ang creativity ay pwedeng maging sandata, itong mga pelikulang ‘to ang ebidensya.
Kung gusto mo pang makakita ng kakaibang marketing, pop culture goodness, o internet weirdness, comment lang at magparamdam ka 😎🎬




