It’s Monday Out There #16

Welcome back sa It’s Monday Out There! Heto na naman tayo sa weekly dose ng katatawanan, mga kwentong walang kupas, at jokes na mas masarap pa sa tinimpla mong kape. Ready ka na bang tumawa bago sumabak sa bagong linggo? Tara, simulan na natin!

Langaw

Isang misis ang pumunta sa kusina at nakita niya ang mister niya na palakad-lakad na may hawak na diyaryong pamalo. “Ano ang ginagawa mo?” tanong ni misis.

Pinapatay ko ‘yung mga langaw” Sagot ni mister.

May napatay ka na?” Tanong ni misis.

Oo, 3 lalaki, 2 babae“, sagot ni mister.

Naiintrigang tanong ni misis. “Paano mo nalaman kung lalaki o babae?

3 ang nasa bote ng beer, 2 ang nasa cellphone“. Sagot ni mister.

Arthritis

Isang lasing na lalaki na amoy alak ang sumakay sa LRT isang araw. Umupo siya sa tabi ng isang pari. Ang damit ng lalaki ay puro mantsa, ang kanyang mukha ay tadtad ng pulang lipstick, at may isang bote siya ng alak na nakalabas sa kanyang bulsa.

Nagbukas ng diyaryo ang lalaki at nag-umpisang magbasa. Maya-maya nagtanong siya sa pari, “Father, ano ang sanhi ng arthritis“?

Ito ay dahil sa pabayang pamumuhay, pakikisalamuha sa mga kalapating mababa ang lipad, sobrang pag-inom ng alak, at panghahamak sa iyong kapwa.” sagot ng pari.

“Wow, Grabe pala,” sambit ng lalaki at bumalik na siya sa pagbabasa ng diyaryo.

Ang pari ay napaisip sa kanyang sinabi at naisipang humingi ng tawad sa lalaki.

Patawad anak, hindi ko sinasadyang sagutin ka ng pabalang. Gaano katagal ka nang may arthritis?” tanong ng pari.

Sumagot ang lalaki, “Wala akong arthritis, Father. Nabasa ko lang sa diyaryo na may arthritis ang Pope.

Healthy Living

Isang babae ang lumapit sa isang maliit na matandang lalaki na nakaupo sa kanyang bakuran.

Hindi ko po maiwasang mapansin kung gaano po kayo kasaya,” sabi ng babae. “Ano po ang sikreto niyo sa mahaba at masayang buhay?

Ako ay naninigarilyo ng tatlong kaha ng sigarilyo sa isang araw,” sagot ng lalaki. “Umiinom ako ng isang case ng beer sa isang linggo, kumakain ako ng matatabang pagkain, at hindi ako nag-e-exercise.

Nakakamangha naman,” sabi ng babae. “Ilang taon na po kayo?

Bente-sais,” sagot ng lalaki.

Pusang Ligaw

Ayaw ni mister sa pusa ni misis kaya nagpasya siya na iligaw ito. Nag-drive siya ng 20 blocks palayo sa kanyang bahay at iniwan ang pusa doon. Noong malapit na siya sa bahay, nakita niya ang pusa na nauna pa sa kanya at naglalakad na papasok sa kanilang bakuran.

Kinabukasan, iniwan niya ang pusa 40 blocks palayo sa kanilang bahay pero ganoon pa din ang nangyari.

Palayo nang palayo ang lugar na pinag-iiwanan niya sa pusa pero lagi pa din itong nauunang makauwi sa kanya. Kaya nagpasya siya na mag-drive pa ng mas malayo, tapos lumiko siya sa kanan, tapos kaliwa, tumawid pa siya ng tulay, kumanan ulit, at isa pang kanan hanggang napagpasyahan na niyang nasa tamang lugar na siya na pag-iiwanan sa pusa.

Makalipas ang ilang oras, tumawag ang mister sa kanyang misis sa bahay at nagtanong, “Honey, andiyan ba ang iyong pusa?

Oo, bakit mo tinatanong?” sagot ni misis.

Bigong sinabi ng lalaki na, “Pakausap nga sa pusa mo. Naliligaw ako at kailangan ko ng directions pabalik diyan.

Golf

Pagkatapos ng isang pangit na laro ng golf, ang isang sikat na club member ay hindi na pumunta sa clubhouse at nagpasya na uuwi na lamang siya. Habang naglalakad siya sa parking lot papunta sa kanyang kotse, isang pulis ang lumapit sa kanya at nagtanong, “Ikaw ba ‘yung nag-tee-off sa sixteenth hole mga twenty minutes ago?

Oo,” sagot ng golfer.

Nakalawit mo ba ‘yung bola mo kaya tumama ito sa puno at lumipad palayo sa golf course?” tanong ulit ng pulis.

Oo, ganoon nga nangyari. Paano mo nalaman?” tanong ng golfer.

Well,” sabi ng pulis na medyo seryoso, “Ang bola mo ay lumipad papuntang highway at sumalpok sa windshield ng isang sasakyan. Nawalan ng control ang sasakyan kaya bumunggo ito sa lima pang sasakyan at sa isang truck ng bumbero. Hindi umabot ang truck ng bumbero sa isang sunog, kaya natupok ang isang building. Ngayon, ano ang plano mong gawin hinggil dito?

Pinag-isipan ito ng maigi at maingat ng golfer at saka sumagot.

Siguro sa susunod, ilalapit ko ang pagkakatayo ko ng kaunti pa, hihigpitan ko pa ang hawak sa golf club, at ibababa ko pa ang aking kanan na hinlalaki.

Naliligaw

Isang lalaki ang naliligaw sa disyerto. Naubos na niya ang kanyang inuming tubig tatlong araw na ang nakakaraan. Siya ay nakahiga habang hinihingal sa buhangin, nang sa hindi kalayuan ay may narinig siyang boses na nagsasabing, “Mush! Mush!

Hindi siya naniniwala sa kanyang narinig kaya ini-angat niya ang kanyang ulo, at ayun na naman, narinig niya ulit na tila mas malapit na sa kanya ang tinig — “Mush! Mush!

Iniangat niya ng kaunti ang kanyang sarili gamit ang siko, idinilat ang kanyang mata, at nakita niya, sa lahat ng puwedeng makita, ay isang Eskimo na naka-fur coat at nakasakay sa kanyang sled kasama ang isang pangkat ng huskies sa disyerto. Naisip niya na baka ito ay isa lamang hallucination, kaya siya ay kumurap at iniling ang kanyang ulo, pero totoo talaga ang lahat! Dahan-dahan niyang ini-angat ang kanyang kamay at sa kanyang paputul-putol na boses, tumawag siya ng, “Sak-lo-lo!

Itinigil ng Eskimo ang kanyang sled. Ang mga huskies ay humihingal na din sa init. Sinabi niya sa Eskimo na, “Hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo dito, at bakit, pero salamat at naririto ka! Ilang araw na akong palakad-lakad sa disyerto na ito, ubos na ang aking inumin na tubig, at ako ay naliligaw na talaga!

Ang pawisang Eskimo ay tumingin sa kanya at sinabing, “Naliligaw ka? Eh, ano pa ang tingin mo sa akin?

Philippines versus China

Si Xi, ang presidente ng China, ay nakaupo sa kanyang opisina ng biglang mag-ring ang kanyang telepono.

Hello, Mr. Xi!” sabi ng boses sa kabilang linya. “Si Dencio ito, umiinom sa isang karaoke bar dito sa Philippines. Tinawagan kita para sabihin na officially ay nagde-declare ako ng giyera laban sa iyo!

Well, Dencio,” sagot ni Xi, “Ito ay isang napakahalagang balita! Gaano kalaki ang iyong army?

Sa ngayon,” sabi ni Dencio, matapos mag-calculate, “ang army ay ako, ang pinsan kong si Sean, ‘yung kapitbahay ko na si Seamus, at ang buong darts team na naririto sa karaoke bar. Bale, walo kaming lahat!

Napatigil si Xi. “Alam mo Dencio, meron akong 100,000 katao sa aking army na naghihintay lamang sa aking go signal.

Grabe!” sabi ni Dencio. “Tawagan kita ulit.

At totoo nga, kinabukasan, tumawag ulit si Dencio. “Mr. Xi, tuloy ang giyera. Nakakuha kami ng ilang infantry equipment!

At anong equipment ang meron kayo, Dencio?” tanong ni Xi.

Well, meron kaming dalawang combines, isang bulldozer, at ‘yung farm tractor ni Murphy,” sagot ni Dencio.

Napabuntong-hininga si Xi. “Alam mo Dencio, meron akong 6,000 tanks at 5,000 armored personnel carriers. At, dinagdagan ko ang army ko at naging 150,000 pagkatapos ng huli nating pag-uusap.

OMG!” sabi ni Dencio. “Tawagan ulit kita.

Tumawag ulit si Dencio kinabukasan. “Mr. Xi, tuloy pa din ang giyera! May panghimpapawid na kami! Ang ultra-light ni Jackie ay nilagyan namin ng ilang shotguns sa cockpit, at apat pang lalaki mula sa videoke bar ang sumali sa aming army!

Tumahimik si Xi ng ilang minuto at saka nagsabing, “Alam mo Dencio, meron akong 100 bombers at 200 fighter planes. Ang aking mga military bases ay mayroong laser-guided, surface-to-air missile sites. At pagkatapos ng huli nating pag-uusap, dinagdagan ko pa ang aking army para maging 200,000!

Hesusmaryosep!” sabi ni Dencio, “Tatawagan ulit kita.

Tumawag ulit si Dencio kinabukasan. “Magandang umaga, Mr. Xi! Sorry pero nais kong malaman mo na hindi ko na itutuloy ang giyera natin.

Talaga? Ikinalulungkot kong marinig ‘yan,” sabi ni Xi. “Bakit biglang nagbago ang iyong desisyon?

Well,” sabi ni Dencio, “nag-usap kaming lahat ng matagal habang umiinom dito sa videoke bar, at napagdesisyunan namin na hindi namin kayang pakainin ang 200,000 prisoners of war.

What if...?

Nagtanong si mister sa kanyang misis, “Kung mauuna akong mamatay, mag-a-asawa ka ba ulit?

Magiging heart-broken ako siyempre,” sagot ni misis, “pero sa tingin ko, pagtagal ay mag-a-asawa din ulit ako.

Pero hindi mo siya patitirahin dito sa bahay?

Bakit hindi? Pinagpaguran ko naman para gawing tahanan ang bahay na ito. Ayoko naman na lisanin na lang itong bahay nang basta-basta.

Pero hindi kayo hihiga dito sa ating kama?

Well, hindi ko naman kailangang palitan itong kama natin agad-agad.

Eh ‘yung mga gitara ko, hindi mo naman siguro ipapagamit sa kanya?

Siyempre hindi! Drummer siya eh.

10 Commandments of Marriage

Commandment 1.

Ang kasal ay made in heaven. Pero, kasama na din dito ang kulog at kidlat.

Commandment 2.

Kung gusto mong makinig at magbigay atensiyon ang misis mo sa bawat sasabihin mo, magsalita ka habang natutulog.

Commandment 3.

Ang marriage ay grand — at ang divorce ay at least 300 grand!

Commandment 4.

Ang married life ay very frustrating. Sa unang taon ng marriage, ang mister ang nagsasalita at nakikinig si misis. Sa ikalawang taon, si misis ang nagsasalita, at si mister ang nakikinig. Sa ikatlong taon, sabay na silang nagsasalita habang nakikinig ang mga kapitbahay.

Commandment 5.

Kapag pinagbukas ni mister ng pinto ng sasakyan si misis, isa lang dito ang sigurado: bago ang kotse o bago ang misis.

Commandment 6.

Ang kasal ay kapag ang lalaki at babae ay naging isa. Nag-uumpisa ang problema kapag kailangang magpasya kung sino ang isa — na dapat masunod.

Commandment 7.

Bago ang kasal, ang lalaki ay hindi makakatulog buong magdamag sa kaiisip sa sinabi ni babae sa kanya. Pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay makakatulog bago pa matapos magsalita ang babae.

Commandment 8.

Bawat lalaki ay gusto ng asawa na maganda, maunawain, matipid, at magaling magluto. Pero ayon sa batas, isa lang ang pu-puwedeng maging asawa.

Commandment 9.

Bawat babae ay gusto ng asawa na guwapo, maunawain, matipid, at maalalahanin. Pero sabi nga sa Commandment 8, pinapayagan lang ng batas ang pagkakaroon ng isa lang na asawa.

Commandment 10.

Ang lalaki ay hindi pa kumpleto kapag hindi pa siya nakakapag-asawa. Pagkatapos niya mag-asawa, kumpleto tapos na siya.

2026 New Year's Resolutions

Habang naghahanda tayong lahat na magsimula ng bagong taon, oras na muli para gawin ang mga napakahahalagang New Year’s Resolution.

Resolution #1
2023: Susubukan kong maging mas mabuting asawa kay Lisa.
2024: Hindi ko iiwan si Lisa.
2025: Susubukan kong makipag-ayos kay Lisa.
2026: Susubukan kong maging mas mabuting asawa kay Rachel.

Resolution #2
2023: Titigilan ko nang tumingin sa ibang babae.
2024: Hindi na ako makiki-apid kay Rachel.
2025: Hindi ko papayagan si Rachel na pilitin ako na muling magpakasal.
2026: Titigilan ko nang tumingin sa ibang babae.

Resolution #3
2023: Hindi ko papayagan ang boss ko na i-trato ako ng masama.
2024: Hindi ko papayagan ang sadista kong boss ko na i-trato ako ng marahas sa puntong ako’y halos mabaliw.
2025: Ipaglalaban ko ang karapatan ko laban sa bully kong boss.
2026: Sasabihin ko sa psychiatrist ko at sa aming grupo ang tungkol sa boss ko.

Resolution #4
2023: Magbabasa ako ng 20 magagandang libro ngayong taon.
2024: Magbabasa ako ng 10 libro ngayong taon.
2025: Magbabasa ako ng 5 libro ngayong taon.
2026: Tatapusin ko ang “Florante at Laura”.

Resolution #5
2023: Hindi ako magagalit kapag ginagawang katatawanan nina Bill at Roger ang aking pagiging kalbo.
2024: Hindi ako maiinis kapag inaasar ako nina Bill at Roger dahil sa aking peluka.
2025: Hindi iinit ang ulo ko kapag pinagkakalat nina Bill at Roger na nagsusuot ako ng girdle.
2026: Hindi ko na kakausapin sina Bill at Roger.

Resolution #6
2023: Pabababain ko ang timbang ko sa 80 kgs.
2024: Babantayan ko ang calories ko hanggang bumaba ang timbang ko sa 85 kgs.
2025: Susundin ko ang bago kong diet hanggang bumaba ang timbang ko ng 90 kgs.
2026: Susubukan ko magkaroon ng positive attitude sa aking timbang.

Resolution #7
2023: Hindi na ako iinom ng alak bago mag-5:00 p.m.
2024: Hindi na ako hahawak ng alak bago mag-tanghali.
2025: Hindi na ako magiging “problem drinker”.
2026: Hindi na ako a-absent sa aking Alcoholics Anonymous meetings.

Resolution #8
2023: Hindi ko gagastusin ang pera ko sa walang kabuluhan.
2024: Babayaran ko kaagad ang aking utang sa bangko.
2025: Babayaran ko kaagad ang aking mga utang sa bangko.
2026: Magsisimula akong magsumikap para mabayaran lahat ang mga utang ko hanggang 2028.

Resolution #9
2023: Pupunta ako sa dentista ko ngayong taon.
2024: Magpapa-pasta ako ng ngipin ngayong taon.
2025: Magpapa-root canal ako ng ngipin ngayong taon.
2026: Lilinisin ko regularly ang pustiso ko ngayong taon.

Resolution #10
2023: Magsisimba ako kada Linggo.
2024: Dadalasan ko ang pagsisimba.
2025: Maglalaan ako ng oras sa araw-araw para magdasal at magnilay.
2026: Susubukan kong manood ng misa sa TV.

At ‘yan ang It’s Monday Out There ngayong linggo! Sana kahit papaano ay napagaan nito ang araw mo. Kita-kits ulit sa susunod na Lunes para sa panibagong tawanan at kwentuhan. Ingat, at huwag kalimutang ngumiti!

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments