Welcome back sa It’s Monday Out There! Alam kong mabigat ang Lunes, kaya heto na naman ako dala ang bagong batch ng mga kwentong pampagising, pang-good vibes, at pang-reset ng utak bago ka ma-stress ulit sa trabaho. Ready ka na ba tumawa, mapailing, o mapabuntong-hininga sa mga tagalog jokes na ito? Tara, simulan natin!
Nakakainis na Loro
Isang dalaga ang naglalakad sa kalye patungo sa kanyang opisina. Nakakita siya ng isang loro sa harap ng isang pet shop. Sinabi sa kanya ng loro, “Hoy miss, ang pangit mo talaga.“
Galit na galit ang dalagang nilagpasan ang pet shop at nagpatuloy maglakad papunta sa kanyang opisina.
Noong pauwi na ang dalaga, nakita niya ulit ang loro at sinabi nito sa kanya, “Hoy miss, ang pangit mo talaga.“
Inis na inis na talaga siya. Kinabukasan, ganoon pa din ang eksena at ang loro ay muling nagsabi sa kanya na, “Hoy miss, ang pangit mo talaga.“
Galit na pumasok ang dalaga sa pet shop at sinabing idedemanda niya ang tindahan at papatayin ang ibon. Sumagot ang manager ng tindahan, “Huwag naman po,” at nangakong hindi na ito uulitin ng loro.
Nang dumaan muli ang dalaga sa pet shop nang araw na iyon pagkatapos ng trabaho ay tinawag ulit siya ng loro, “Hoy miss.“
Huminto siya at sinabing, “Ano ‘yun?“
Sinabi ng loro, “Alam mo na ‘yun.“
Ano ang Iisipin ng mga Kapitbahay?
Nakatira si Dencio sa Laoag City sa panahon ng heat wave nang maganap ang mga sumusunod na eksena.
“Masyadong mainit magsuot ng damit ngayon,” reklamo ni Dencio pagkatapos niya mag-shower. “Honey, ano sa tingin mo ang iisipin ng mga kapitbahay kung hubo’t hubad akong maggapas ng damuhan natin sa labas?“
“Malamang isipin nila na pinakasalan kita dahil sa pera mo.“
Regalo
“Hello, Police Station po ba ito?“
“Opo. Ang pong maipaglilingkod namin sa iyo?”
“Gusto ko sanang i-report ang aking kapitbahay na si James Dacuycoy. Meron siyang mga marijuana na itinatago niya sa mga kahoy na ginagamit niyang panggatong. Hindi ko alam kung paano niya itinatago sa loob ng mga kahoy pero sure ako na doon niya itinatago.“
“Maraming salamat sa inyong pagtawag at pagbibigay ng tip, sir.“
Kinabukasan, nagpunta ang mga kapulisan sa bahay ni James. Nagpunta sila sa shed kung saan nakalagay ang mga kahoy na gagawing panggatong. Gamit ang palakol, pinagpuputol nila ang lahat ng mga kahoy pero wala silang nakita na marijuana. Humingi sila ng pasensiya kay James at umalis na lang sila.
Maya-maya, nag-ring ang telepono ni James.
“Yo, James! si Elvis ito. Pumunta ba mga pulis diyan?“
“Oo.“
“Pinutol ba nila ang mga kahoy mo?“
“Oo, pre.“
“Nice, may panggatong ka na. ‘Yan na regalo ko sa iyo. Happy Birthday, pre!“
Walang Anesthesia
Naantala ang bakasyon ng isang mag-asawa dahil kailangan nilang pumunta sa dentista. “Puwede bang magpabunot ng ngipin na hindi na gagamit pa ng anesthesia?“, tanong ng babae. “Basta tanggalin lang ‘yung ngipin sa pinakamabilis na paraan, para makaalis agad kami at ma-enjoy muli ang aming bakasyon.“
Ang dentista ay lubos na humanga. “Ikaw ay isang sobrang tapang na babae,” sabi niya. “Alin bang ngipin ang bubunutin?“
Lumingon ang babae sa kanyang asawa at sinabi, “Mahal, ipakita mo sa kanya ‘yung ngipin mo na bubunutin.“
Panaginip
Pagkagising ng isang babae, sinabi niya sa kanyang asawa na, “Napanaginipan ko na binigyan mo ako ng pearl necklace para sa ating anibersaryo. Ano sa tingin mo ang ibig sabihin noon?“
“Malalaman mo mamayang gabi.” sabi ng lalaki.
Nang gabing iyon, umuwi ang lalaki na may dalang maliit na regalo at ibinigay ito sa kanyang asawa.
Tuwang-tuwa ang babae na binuksan ang regalo ngunit napatigil nang malaman niya na ito pala ay isang libro na may pamagat na “The Meaning of Dreams.“
Babae at Pusa
Hindi ko naintindihan kung bakit mahilig sa pusa ang mga babae. Ang mga pusa ay independent, hindi nakikinig, hindi pumapasok kapag tinatawag, gusto nilang manatili sa labas magdamag, at kapag nasa bahay sila ay gusto nilang maiwang mag-isa at matulog.
Sa madaling salita, bawat katangian na kinasusuklaman ng mga babae sa isang lalaki, ay mahal nila sa isang pusa.
Isang Milyong Piso
Minsan mayroong isang milyonaryo, na nangongolekta ng mga buhay na buwaya. Inilalagay niya ang mga ito sa swimming pool sa likod ng kanyang mansyon. Isang araw ay nagpasya siyang magsagawa ng isang malaking salu-salo, at sa panahon ng salu-salo siya ay nagpahayag, “Mga mahal kong panauhin. May panukala ako sa bawat tao rito. Magbibigay ako ng isang milyong piso sa taong kayang lumangoy sa pool na ito, na puno ng mga buwaya, at lalabas nang buhay!“
Sa sandaling natapos niya ang kanyang huling salita, may tunog ng isang malakas na pagsalpok sa swimming pool! May isang lalaki sa pool na lumalangoy sa lahat ng kanyang makakaya at sumisigaw dahil sa takot. Nag-cheer ang mga tao habang patuloy siyang lumalangoy para sa kanyang buhay. Sa wakas, nakarating siya sa kabilang dulo ng pool na may punit lang sa damit at ilang maliliit na sugat. Humanga ang milyonaryo.
Sinabi niya, “Wow pare, ikaw ay nakakamangha! Fantastic! Hindi ko akalain na magagawa ito! Pero, dapat kong tumupad sa aking ipinangako.“
Ang sabi ng lalaki, “Makinig ka, hindi ko kailangan ang pera mo, ang gusto ko malaman ay kung sino ang tumulak sa akin!“
Boss versus Ako
Kapag natagalan ako, mabagal ako magtrabaho.
Kapag matagal ang boss ko, masinsin siya sa magtrabaho.
Kapag hindi ko ginawa ang isang trabaho, tinatamad ako.
Kapag hindi ginawa ng boss ko ang isang trabaho, sobrang busy niya.
Kapag ginawa ko ang isang trabaho nang hindi sinasabihan, pabibo ako.
Kapag ginawa ng boss ko ang isang trabaho na hindi sinasabihan, siya ay may initiative.
Kapag sinusunod ko ang boss ko, sipsip ako.
Kapag sinusunod ng boss ko ang boss niya, siya ay nakikipagtulungan.
Kapag gumawa ako ng mabuti, hindi naaalala ng aking boss.
Kapag nagkamali ako, hindi nakakalimutan ng aking boss.
Kabayo o Manok
Isang magsasaka ang magreretiro na. At bilang paghahanda sa pagbebenta ng kanyang lupa, kailangan na niya alisin sa kanyang sakahan ang mga alaga niyang hayop. Kaya pinuntahan niya ang bawat bahay sa kanyang bayan.
Sa mga bahay kung saan ang lalaki ang nasusunod, nagbigay siya ng kabayo. Sa mga bahay kung saan ang babae ang nasusunod, binigyan niya ng manok.
Nakarating siya sa dulo ng kalye at may nakita siyang mag-asawa sa labas na naghahalaman. “Sino sa inyo ang nasusunod sa bahay na ito?” tanong niya.
“Ako.” sabi nung lalaki.
“Mayroon akong isang itim na kabayo at isang kayumangging kabayo,” sabi ng magsasaka, “alin ang gusto mo?“
Nag-isip sandali ang lalaki at sinabing, “Yung itim.“
“Hindi, hindi, hindi, kunin mo ang kayumanggi.” sabi ng asawa ng lalaki.
“Heto ang manok para sa inyo.” sabi ng magsasaka.
Ano ang Kailangan mong Gawin para Makapag-Golf?
Apat na lalaki ang naglalaro ng golf isang Sabado. Sa 3rd hole, naganap ang sumusunod na pag-uusap:
Unang Lalaki: “Mga kumpadre, wala kayong idea kung ano ang kailangan kong gawin upang makalabas at makapaglalaro ng golf ngayong araw. Kinailangan kong ipangako sa aking asawa na pipintahan ko ang bawat silid sa bahay sa susunod na linggo.“
Ikalawang Lalaki: “Wala ‘yan, kinailangan ko ipangako sa aking asawa na gagawa ako ng bagong deck para sa aming swimming pool para sa kanya.“
Ikatlong Lalaki: “Mga kumpadre, napaka-swerte niyo naman! Kinailangan kong ipangako sa asawa ko na ire-remodel ko ang kusina para sa kanya.“
Patuloy silang naglaro ng golf nang mapagtanto nila na ang pang-apat na lalaki ay hindi umimik. Kaya tinanong nila ito. “Wala ka pang sinasabi tungkol sa kung ano ang kailangan mong gawin para makapag-golf ngayong weekend. Ano ang kuwento mo?“
Ikaapat na Lalaki: “Ayoko nang pag-usapan. Sabihin na lang natin na ibubuhos na ang pundasyon ng bagong bahay sa susunod na Martes.“
Kung umabot ka hanggang dulo, congrats — nalagpasan mo ang Monday with a smile! Kita-kits sa susunod na Lunes. Huwag kalimutang i-share kung natawa ka kahit konti.




