Noong June 6, 1998, ayon sa tsismis, ang GMA management ay inilipat sa mas maagang Saturday afternoon timeslot ang Startalk, isang weekly entertainment at talk show. Ito ay sa oras pagkatapos ng Eat Bulaga!, isang noontime variety show. Ang dahilan ay para mauna ito sa rival show nito na Showbiz Lingo (ABS-CBN). Bago ang paglipat na ito, napapanood ang Startalk tuwing Linggo. 

Somewhere along the way, nagkaroon ng seamless patch ang Eat Bulaga! at Startalk. Ang “seamless patch” ay isang TV-production term kung saan ang isang patapos na show ay magta-transition sa kasunod na show na walang commercial gap o break sa pagbo-broadcast. Ginagawa ito upang ang mga nanonood sa TV ay hindi na maisipang maglipat pa ng channel.

Ginagawa din sa ibang bansa ang seamless patch na ito. Iba’t ibang term din ang tawag nila dito tulad ng “seamless transition”, “clean feed”, “cold open”, “CM-nuki”, “live hand-off”, o “studio-to-studio switch”.

Pero siyempre hindi tayo nagpatalo sa pagpapauso ng seamless patch na ito. Sa bawat katapusan ng Saturday edition ng programang Eat Bulaga!, ang mga hosts nito ay mag-split screen sa mga hosts ng Startalk, at pagkatapos ay sisigaw si late Master Rapper at Eat Bulaga! TV Host Francis Magalona (RIP) ng linyang “Luzon, Visayas, Mindanao… SEAMLESS NA!” na senyales ng transition sa pag-u-umpisa ng programang Startalk. Dahil maraming nanonood ng Eat Bulaga! at Startalk, regular na naririnig ng mga Pinoy ang phrase na ito kaya tumatak na sa isipan nila. Dahil dito ay naging bahagi na ng Pinoy pop culture ang katagang “SEAMLESS NA!” dahil sa pagkakaroon nito ng cultural memory at public recognition.

Ayon sa malupit kong research, nag-umpisa nila ito ipauso mga bandang 2003. Nang namatay si Francis Magalona noong March 6, 2009, itinuloy pa din ito ng mga hosts ng dalawang TV programs pero around September 2010 nang itigil na nila ito.

Narito ang isang example ng seamless patch mula sa Vzzzz YouTube channel.

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments