It’s Monday Out There #14

Welcome back sa It’s Monday Out There — ang series na parang kape mo sa umaga: pampagising, pampabibo, at minsan… medyo mali ang timpla. 😄 Heto na naman ang mga funny jokes na pampagaan ng umpisa ng iyong linggo.

Umuwing Lasing

Sa isang bar ay may isang lalaki na nahuhulog sa kanyang upuan halos kada minuto. Halatang lasing na ito. Kaya sinabi ng bartender sa isa pang lalaki sa bar: “Bakit hindi ka maging good samaritan at ihatid mo siya pauwi.

Inilabas ng lalaki ang lasing sa pintuan ng bar. Papunta sa kanyang sasakyan, natumba pa ang lasing ng hindi bababa sa sampung beses. Nagmaneho sila at itinuro ng lasing ang kanyang bahay sa lalaki. Itinigil niya ang sasakyan at ang lasing ay natumba pa ulit sa hagdan patungo sa kanyang bahay.

Binati sila ng asawa ng lasing sa pintuan: “Salamat sa paghatid sa kanya pauwi, pero nasaan ang kanyang wheel chair?

Magnanakaw

Isang lalaki ang pumunta sa Police Station at gustong makausap ang magnanakaw na pumasok sa kanyang bahay noong nakaraang gabi.

Makakausap mo din siya kapag nagkita na kayo sa korte.” sabi ng Desk Sergeant.

No, no no!” sabi nung lalaki. “Gusto kong malaman kung paano siya nakapasok sa bahay na hindi nagising ang asawa ko. Ilang taon ko nang sinusubukang gawin iyon!

Matandang Lalaki

Isang matandang lalaki na siyamnapung taong gulang ang nakaupo sa isang park bench at umiiyak. Napansin ito ng isang pulis at tinanong siya kung bakit siya umiiyak.

Buweno,” sabi ng matandang lalaki, “Kakakasal ko lang sa isang bente-singko anyos na babae. Tuwing umaga ay ginagawan niya ako ng isang masarap na almusal, at pagkatapos ay nagsasaya kami habang nagtatawanan at nagre-relax. Sa hapon ay ginagawan niya ako ng isang masarap na tanghalian at pagkatapos ay nagsasaya ulit kami at magkasamang nagtatawanan at nagre-relax. Sa gabi ay ginagawan niya ako ng isang napakasarap na hapunan at pagkatapos ay mas nagre-relax kami at nag-e-enjoy kasama ang isa’t isa.

Tumingin ang pulis sa matanda at sinabing, “Hindi ka dapat umiiyak! Dapat ikaw nga ang pinakamasayang tao sa mundo!

Kaya sinabi ng matanda, “Alam ko! Umiiyak ako dahil hindi ko matandaan kung saan ako nakatira!

Bathtub Test

Sa isang pagbisita sa mental asylum, tinanong ng isang bisita ang Direktor kung ano ang pamantayan na tumutukoy kung ang isang pasyente ay dapat ma-institutionalize o hindi.

Well,” sabi ng Direktor, “pinupuno namin ng tubig ang isang bathtub, pagkatapos ay magbibigay kami ng isang kutsarita, isang tasa at isang balde sa pasyente at uutusan namin na alisin ang laman na tubig ng bathtub.

Ah, naiintindihan ko na,” sabi ng bisita. “Ang isang normal na tao ay gagamit ng balde dahil mas malaki ito kaysa sa kutsara o tasa.

Hindi.” sabi ng Direktor, “Ang isang normal na tao ay tatanggalin ang bathtub stopper. Saan mo gusto ipuwesto ang kama mo, ‘yung malapit ba sa bintana?

Isa, Dalawa, Tatlo

Isang lalaki at babae ang nasa kanilang honeymoon pagkatapos ng mahaba at napakasayang ligawan. Sa kanilang honeymoon, nagpasya silang dalhin ang kanilang mga kabayo sa magagandang mountain pass ng Europe. Habang ang mga kabayo ay tumatawid sa isang maliit na batis, ang kabayo ng babae ay nagkamali sa paghakbang at halos tumilapon ang asawa ng lalaki. Nang makatawid sa batis, bumaba ang lalaki, lumakad papunta sa kabayo, at tinitigan ang mga mata nito. Sinabi niya dito na, “Isa!” Sumakay muli ang lalaki sa kanyang kabayo at nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay.

Noong medyo nakakalayo na sila, nadapa ang kabayo ng babae nang humakbang sa ibabaw ng nahulog na puno. Bumaba ang lalaki, tinitigan ang kabayo sa mga mata, at matapang na sinabi, “Dalawa!” Bumalik siya sa kanyang saddle at nagpatuloy sila maglakbay.

Nang magsimulang lumubog ang araw sa hapon, muling nawalan ng balanse ang kabayo ng babae sa isang malumot na dalisdis (slope). Bumaba ang lalaki, lumapit sa kabayo ng babae, at tinulungan ang kanyang asawa na makaalis sa saddle. Pumunta siya sa harap ng kabayo, tinitigan niya ito sa mga mata at mariing sinabing, “Tatlo!” Kinuha nito ang isang baril sa kanyang vest, at binaril ang kabayo.

Ang babae, na medyo nagalit nang makita ang magandang kabayo na pinatay, ay nagsabi sa kanyang asawa, “Grabe ka, bakit mo ginawa ang bagay na iyon?!

Tinitigan ng lalaki ang kanyang asawa at mariing sinabi, “Isa!

Math Test

Si Little Johnny ay pumasok sa kuwarto ng kanyang tatay habang ito ay nagtatrabaho sa kanyang computer.

Tatay,” sabi ni Johnny, “Natatandaan mo noong sinabi mo sa akin na bibigyan mo ako ng one thousand pesos kung makakapasa ako sa Math test ko?

Tumango ang tatay niya.

Well, ang good news ay nakatipid ka ng one thousand pesos!

Pinapanood Ka Ni Jesus

Isang magnanakaw ang pumasok sa isang bahay isang gabi. Habang iniilawan niya ng kanyang flashlight ang sahig sa dilim, nakarinig siya ng isang tinig na nagsasabing, “Pinapanood ka ni Jesus.

Kinakabahan siyang tumingin-tingin sa paligid, maya-maya ay umiling, at patuloy na naghanap ng mga mamahaling bagay na mananakaw.

Tapos, narinig niya ulit, “Pinapanood ka ni Jesus.

Sa pagkakataong ito ay inilawan niya ng kanyang flashlight ang buong silid, at napatigil siya sa isang loro. Tinanong niya ito, “Ikaw ba ‘yung nagsasalita?

Ang sabi ng loro, “Binibigyan lang kita ng babala. Iyon lang.

Tanong ng magnanakaw, “Binabalaan mo ako, ha? Sino ka? Ano’ng pangalan mo?

Moses.

Well, anong klase ng mga bobong tao ang magpapangalan sa kanilang loro na ‘Moses’?

Sumagot ang loro, “Hindi ko alam. Sa palagay ko sila din ‘yung klase ng mga tao na magpapangalan sa kanilang Rottweiler na ‘Jesus’.

Bobo

Sinubukan ng isang bagong guro na gamitin ang kanyang kurso sa Psychology. Sinimulan niya ang kanyang klase sa pagsasabing, “Class, lahat ng nag-iisip na bobo sila, tumayo!

Pagkaraan ng ilang segundo, tumayo si Little Johnny. Sinabi ng guro, “Sa tingin mo ba ay bobo ka, Little Johnny?

Hindi, ma’am,” sagot niya, “ayaw ko lang po makita kang nakatayo na mag-isa!

Para Gumanda

Si Little Johnny ay nakamasid at nabighani, habang ang kanyang ina ay nagpapahid ng malamig na cream sa kanyang mukha.

Bakit mo ginagawa iyan, mommy?” tanong niya.

Para gumanda ako,” sabi ng kanyang ina.

Maya-maya ay nagsimula nang tanggalin ng kanyang ina ang cream gamit ang isang tissue.

Bakit mo tinatanggal, mommy?” tanong ni Little Johnny. “Sumuko ka na?

Sigarilyo

Katatapos lang maglagay ng carpet ang isang karpintero sa bahay ng isang babae. Lumabas siya para sana magsigarilyo, pero napansin niya na nawawala ang kanyang sigarilyo.

Pagbalik niya sa loob ng bahay, napansin niya sa ilalim ng carpet, ay may isang parte na nakaumbok.

Walang saysay na tanggalin ko ang buong carpet para lamang sa isang pakete ng sigarilyo,” sabi niya sa sarili. Nilabas niya ang kanyang martilyo at pinukpok ang umbok hanggang maging patag na ito.

Habang nagliligpit na siya ng kanyang mga gamit, pumasok ang babae. “Eto,” aniya, sabay abot sa kanya ng pakete ng sigarilyo. “Nakita ko sa may labas. Nahulog mo yata. Kanina pa kasi ako paikut-ikot. Hindi ko makita ‘yung alaga kong parakeet.

At ayun na nga — sana ay nagising ka kahit papaano after another round ng Monday chaos. 😂 Kita-kits ulit sa susunod na It’s Monday Out There para sa bagong tawanan at kuwentuhan. Magtrabaho ka na.

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments