Medyo late na, pero better late than never! Narito ang ilang mga Halloween Jokes para mapasaya ang iyong Lunes. Happy Monday!
Murder Mystery
There was this case in the hospital’s Intensive Care ward where patients always died in the same bed and on Sunday mornings at 11AM, regardless of their medical condition. This puzzled the doctors and some even thought that it had something to do with the supernatural or even murder. No one could solve the mystery as to “why deaths happen on Sunday at 11 AM?”
Mr. Licauco, Fr. Bulatao and the Ateneo paranormal folks were called. They arrived one Sunday, armed with special photographic equipment, infrared devices and motion sensitive radar to detect any presence. So on the next Sunday morning, a few minutes before 11AM, all the doctors and nurses nervously waited outside the ward to see for themselves what the mysterious phenomenon was all about. Some where holding wooden crosses, strings of garlic, amulets, prayer books and other holy objects to ward off evil spirits.Â
Just then, the clock struck 11. And then…
Mang Jose, part-time Sunday janitor, entered the ward, unplugged the life support system, and plugged in the vacuum cleaner.
Huling Pahina
Isang gabi, may lalaking nasiraan ng kotse sa isang liblib na bayan, sa tapat ng sementeryo na may puno ng balete. May lumapit na matandang may ibinibentang isang libro sa halagang ₱2,000.
Namahalan siya pero napilitan siyang bilhin dahil sa takot. Sabi sa kaniya ng matanda,
“Huwag mong titingnan ang huling pahina kung hindi ay magsisisi ka!”
Tapos nawala ang matanda! Umandar bigla ang kaniyang kotse. Kaya dali-dali siyang umalis.
Sa bahay, hindi siya makatulog. Kinuha niya ang libro, at tinignan ang huling pahina. Ang nakasulat:
NATIONAL BOOKSTORE ₱29.50
Walang Multo
Anak: Tay, totoo po bang may multo?
Tatay: Anak walang multo! Bakit mo naitanong?
Anak: Sabi kasi ni yaya merong multo!
Tatay: Anak naman, wala tayong yaya!
Huwag Mag-Uuwi ng Trabaho
JUAN: Ang bilin ng misis ko, huwag ako mag-uuwi sa bahay ng trabaho kung hindi lalayasan niya ako!
PEDRO: Bakit, ano ba ang trabaho mo?
JUAN: EMBALSAMADOR!
Wrong Spelling
May dalawang lalaki na naglalakad pauwi galing sa isang Halloween party. Napagtripan nila na mag shortcut sa sementeryo. Sa gitna ng sementeryo, nakarinig sila ng ingay na parang may nagpupukpok. Natakot sila.
Tapos nakita nila ang isang matandang lalaki na may hawak na martilyo at pait (chisel) at pinupukpok ang isang lapida.
“Grabe naman, tatang,” sabi nang isang lalaki. “Tinakot niyo po kami. Akala po namin eh multo kayo. Ano po ba ginagawa niyo at bakit nagtatrabaho pa po kayo ngayong dis oras ng gabi?“
“Loko kasi itong pamilya ko eh,” galit na sabi ng matanda. “Wrong spelling ‘yung pangalan ko sa lapida, kaya eto at itinatama ko!“
Ang Taxi Driver at ang Madre
Naisakay ng isang taxi driver ang isang madre. Pagsakay pa lang ng madre, hindi na tumigil ang taxi driver sa pagtingin sa kanya. Kaya tinanong na siya ng madre kung bakit siya tingin ng tingin. Sumagot ang taxi driver, “Meron po sana akong gustong sabihin sa inyo pero baka po magalit kayo.“
Ang sabi ng madre, “Anak, hindi ako magagalit. Sa tanda kong ito at sa sobrang tagal ko na bilang madre, nakita at narinig ko na ang lahat. Sigurado ako na wala ka nang masasabi o maitatanong na ikakagalit ko pa.“
Kaya inamin na ng taxi driver ang gusto niyang sabihin sa madre. “Matagal ko na po kasing pantasya na ako po ay hinahalikan ng isang madre.“
Sumagot ang madre, “Tingnan natin kung ano ang puwede kong maitulong sa iyo. Pero bago ang lahat, dapat #1 eh single ka, at #2 dapat ay isa kang Katoliko.“
Na-excite ang taxi driver at sinabing, “Opo. Single po ako at isang Katoliko!“
Ang sabi ng madre, “OK, ihinto mo sa susunod na eskinita.“
Tumigil ang taxi driver sa sumunod na eskinita at binigyang katuparan ng madre ang matagal na niyang pantasya.
Pero nung magpatuloy na ulit sila sa biyahe, biglang umiyak ang taxi driver.
“Anak,” sabi ng madre. “Bakit ka umiiyak?“
“Patawarin po ninyo ako sister, ako po ay nagkasala. Ako po ay nagsinungaling sa inyo,” ang sabi ng taxi driver. “Ako po ay may asawa na at hindi po ako Katoliko.“
Nagwika ang madre, “Ok lang ‘yan. Papunta lang ako sa Halloween party at nakasanayan ko nang isuot lagi itong costume na ito.“
Masked Halloween Party
Isang batang mag-asawa ang naimbita sa isang marangyang masked halloween party. Pero si misis ay biglang sumakit ang ulo at sinabihan niya ang kanyang asawa na pumunta pa din sa party at mag-enjoy. Dahil matapat ang kanyang asawa, tumanggi itong magpunta mag-isa. Pero pinilit niya pa din ang asawa niya na pumunta at sinabing iinom lang siya ng aspirin at matutulog. Kaya napilitan ang asawa niya na bitbitin ang kanyang costume at pumunta sa party.
Pagkalipas ng isang oras, nagising si misis at wala na ang sakit ng kanyang ulo. Maaga pa naman kaya naisipan niyang sumunod sa party. Hindi alam ng asawa niya ang kanyang costume kaya naisip niyang pagkatuwaan ito at panoorin ang mga pinaggagawa nito kapag siya ay wala.
Pagdating niya sa party, nakita niya ang asawa niya sa dance floor. Nakikipagsayawan ang asawa niya sa halos lahat ng babae na naroon. Hipo dito, kiss doon. Kaya naisipan niya pumunta na din sa dance floor at akitin ang kanyang asawa. Dahil seksi at hot naman si misis, mabilis niya naakit ang kanyang asawa at iniwan nito ang iba niyang mga kasayaw at nag-focus lang sa kanya. Since asawa niya naman ito, hinayaan niya lang ang mga paghipo at paghalik nito sa kanya. Maya-maya ay binulungan siya nito at may hiniling sa kanya, at siya naman ay agad na pumayag. Nagpunta sila sa isa sa mga kotseng naka-park at alam niyo na ang nangyari.
Bago pa tumungtong ng midnight at magtanggal ang lahat ng maskara, umuwi na si misis at itinago niya agad ang kanyang costume. Iniisip niya kung paano magpapaliwanag ang asawa niya sa mga kalokohan na pinaggagawa nito.
Habang siya ay nasa kama at nagbabasa, dumating ang kanyang asawa, at tinanong niya ito kung ano ang ginawa nito sa party.
Sabi ng asawa niya, “Tulad pa din ng dati. Alam mo naman na hindi ako nag-e-enjoy sa mga party kapag hindi kita kasama.“
Tinanong niya ito, “Sumayaw ka ba sa dance floor?“
Nagkuwento ang asawa niya, “Hindi ako nagsayaw ni isang beses. Pagdating ko sa party, nakita ko agad sila pareng Enteng at Joey. Inaya nila ako sa den at nag-poker lang kami buong gabi. Pinahiram ko kay pareng Dencio ‘yung costume ko at bago umuwi, nagpasalamat siya sa akin dahil nag-enjoy daw siya ng todo!“
Multo sa Kusina
Junjun: Pa, may multo daw sa kusina natin?
Papa: Anak, sino naman nagsabi sa iyo niyan?
Junjun: Si Mama po!
Papa: Ay naku, huwag ka nga magpapaniwala sa mama mo! Wala namang multo eh! Ang mabuti pa samahan mo na lang ako sa kusina at iinom lang ako ng tubig.
Hanggang sa susunod na It’s Monday Out There — kasi kahit Lunes, dapat may dahilan pa rin tayong tumawa. 😉




