Lunes na naman? Oh, huwag ka munang magreklamo at may dala akong pampasaya! 😂 Welcome sa “It’s Monday Out There #12” — isa na namang koleksiyon ng mga jokes at kuwentong nakakatuwa.
Kaya bago mo harapin ang traffic, ang emails, o si boss — relax ka muna saglit. Let’s start your week with a good laugh!
NASA's Ballpoint Pen
Sa kainitin ng space race noong 1960s, nagpasya ang NASA na kailangan nila ng ball point pen para makapagsulat sila sa zero gravity confines ng kanilang mga space capsules.
Pagkatapos ng matinding research and development, ang Astronaut Pen ay nabuo sa halagang $1 million U.S. Ang pen ay gumana at nagkaroon ng katamtamang tagumpay bilang isang bagong invention dito sa mundo.
Ang Soviet Union ay naharap din sa parehong problema. Gumamit sila ng lapis.
Dalawang Kahilingan
Isang lalaki ang pumasok sa isang restaurant at may kasunod siyang isang ostrich. Nagtanong ang waitress kung ano ang kanilang order. Sabi ng lalaki, “Isang hamburger, fries at coke,” tapos lumingon siya sa ostrich, “Anong sa iyo?“
“Katulad na din ng order mo,” sabi ng ostrich.
Maya-maya bumalik ang waitress na dala ang kanilang order. “₱552.77 ang inyong total na na-order,” at ang lalaki ay dumukot sa kanyang bulsa at naglabas ng eksaktong halaga ng kailangang bayaran.
Kinabukasan, ang lalaki at ang ostrich ay bumalik at ang sabi ng lalaki, “Isang hamburger, fries at coke.“
Ang sabi ng ostrich ay, “Same order din sa akin.” At ang lalaki ay dumukot muli sa kanyang bulsa at naglabas ng eksaktong halaga ng kailangan nilang bayaran.
Paulit-ulit na itong nangyari, hanggang nung minsang bumalik ulit sila. “The usual?” tanong ng waitress.
“Hindi. Friday night ngayon, kaya ang order ko ay isang steak, baked potato, at salad,” sabi ng lalaki.
“Same order din sa akin,” sabi ng ostrich.
Maya-maya bumalik ulit ang waitress at nagsabing, “₱1,918.24 ang total bill ninyo.” Ang lalaki ay dumukot muli sa kanyang bulsa at naglabas ng eksaktong halaga ng kailangan nilang bayaran at inilapag niya sa table.
Hindi na mapigilan ng waitress ang kanyang curiosity. “Excuse me, sir. Paano niyo po nagagawang palaging eksakto ang nabubunot niyong pera na pambayad mula sa inyong bulsa?“
“Well,” sabi ng lalaki, “Ilang taon na ang nakakaraan, habang naglilinis ako ng attic ay nakakita ako ng lumang lampara. Nung punasan ko ito, isang Genie ang lumabas at binigyan niya ako ng dalawang kahilingan. Ang unang hiling ko ay sa tuwing kailangan ko magbayad ng kahit ano, dudukot lang ako sa aking bulsa at laging makakakuha ako ng eksaktong halaga.“
“That’s brilliant!” sabi ng waitress. “Karamihan ng tao ay hihiling ng milyon-milyong salapi, pero sa wish mo na iyan, ikaw ay mananatiling mayaman hanggang gusto mo, habang ikaw ay nabubuhay!“
“Tama ka diyan. Kahit na ito ay isang galon na gatas o isang Rolls Royce na sasakyan, palagi akong may eksaktong pera na pambayad,” sabi ng lalaki.
Nagtanong ulit ang waitress, “Pero sir, bakit may kasama kang ostrich?“
Ang lalaki ay napabuntung-hiniga, napatigil saglit, at sumagot, “Para sa pangalawa kong hiling, sabi ko ay bigyan ako ng isang matangkad na chick na may malaking puwet, mahabang biyas at laging sasang-ayon sa lahat ng sasabihin ko.“
Satisfying Your Partner
How to Satisfy a Woman Every Time:
Lick, paw, ogle, caress, praise, pamper, relish, savor, massage, empathize, serenade, compliment, support, dig, floralize, feed, laminate, tantalize, bathe, humor, placate, stimulate, jiffylube, stroke, console, bark, purr, hug, baste, marinate, coddle, excite, pacify, tattoo, protect, phone, correspond, anticipate, nuzzle, smooch, toast, minister to, forgive, sacrifice, ply, accessorize, leave, return, beseech, sublimate, entertain, charm, lug, drag, crawl, tunnel, show equality for, spackle, oblige, fascinate, attend, implore, bawl, shower, shave, ululate, trust, dip, twirl, dive, grovel, ignore, defend, milk, coax, clothe, straddle, melt, brag, acquiesce, aromate, prevail, super collide, fuse, fizz, rationalize, detoxify, sanctify, help, acknowledge, polish, upgrade, spoil, reddi-whip, embrace, delouse, accept, butter-up, hear, understand, jitterbug, mosh, locomote, beg, plead, borrow, steal, climb, swim, hold her hair while she’s puking in the toilet, nurse, resuscitate, repair, patch, crazy-glue, respect, entertain, calm, allay, kill for, die for, do a nickel in Attica for, dream of, promise, exceed, deliver, tease, flirt, enlist, torch, pine, wheedle, cajole, angelicize, murmur, snuggle, snoozle, snurfle, hezbollah, jihad, elevate, enervate, alleviate, spotweld, serve, rub, rib, salve, bite, taste, nibble, gratify, take her to Funkytown, scuttle like a crab on the ocean floor of her existence, diddle, doodle, hokey-pokey, hanky-panky, crystal blue persuade, flip, flop, fly, don’t care if I die, swing, slip, slide, slather, mollycoddle, squeeze, moisturize, humidify, lather, tingle, slam-dunk, keep on rockin’ in the free world, wet, slicken, undulate, gelatinize, brush, tingle, dribble, drip, dry, knead, fluff, fold, blue-coral wax, ingratiate, indulge, wow, dazzle, amaze, flabbergast, enchant, idolize and worship, and then go back, and do it again.
How to Satisfy a Man Every Time
Show up….. naked.
Joke ni Boss
Pagkabalik ng isang boss galing sa isang business lunch, nasa good mood siya at ipinatawag ang lahat ng staff niya para makinig sa ilang mga jokes na nakuha niya habang nasa business lunch. Ang lahat ay hagalpakan ng todo sa kanyang mga jokes, maliban sa isang babae.
“Ano ang problema mo?” ang reklamo ng boss. “Wala ka bang sense of humor?“
“Hindi ko kailangang tumawa,” sabi ng babae. “Last day ko na sa Friday.“
Romantiko
Isang gabi, isang matandang mag-asawa ang nakahiga sa kama…
Patulog na ang lalaki pero ang babae ay nakaramdam ng pagka-romantiko at gusto pa makipag-usap. Sabi ng babae, “Hinahawakan mo ang kamay ko noong nagliligawan pa lang tayo.” Dahan-dahang lumapit ang lalaki, hinawakan ang kamay ng babae saglit, at sinubukang bumalik sa pagkakatulog.
Ilang sandali, sinabi ng babae na, “Tapos hinahalikan mo ako.“
Bahagyang naiinis ang lalaki, pero lumapit siya ulit, at hinalikan ang babae sa pisngi at muling sumubok matulog.
Makalipas ang tatlumpong segundo, sabi ng babae, “Tapos kinakagat mo ang aking leeg.“
Galit na tinanggal ng lalaki ang kanyang kumot at bumangon mula sa kama.
“Saan ka pupunta?” ang tanong ng babae.
“Kukunin ko ‘yung pustiso ko!“
Marka ng Lipstick
Ayon sa isang radio report, ang isang high school sa Caloocan ay nahaharap sa isang kakaibang problema. Ang ilang estudyanteng babae ay nagsimula nang gumamit ng lipstick at naglalagay sila ng lipstick kapag sila ay nasa restroom. Okay lang naman sana, pero pagkatapos nila maglagay ng lipstick, hinahalikan nila ‘yung salamin sa restroom kaya nag-iiwan sila ng maraming marka ng lipstick dito.
Nagpasya ang principal ng school na kailangang may gawin silang solusyon sa problema na ito. Ipinatawag niya ang lahat ng babaeng estudyante sa loob ng restroom kasama ang isa sa school janitor.
Ipinaliwanag ng principal na ang mga marka ng lipstick ay nagiging problema na ng janitor na naglilinis ng salamin sa restroom gabi-gabi. Para ipakita sa mga estudyante kung gaano kahirap linisin at tanggalin ang mga marka ng lipstick sa salamin, inutusan ng principal ang janitor na ipakita kung paano niya ito nililinis.
Ang janitor ay kumuha ng isang panlampaso na may mahabang hawakan, at isinawsaw niya ito sa inidoro, at saka ipinamunas sa salamin.
Simula noon, wala nang nag-iiwan ng marka ng lipstick sa mga salamin sa restroom.
Worst. Day. Ever.
May isang lalaki sa isang bar na hindi umiinom, at tinitingnan lang ang kanyang inumin. Kalahating oras na niya itong tinititigan. Maya-maya, isang malaking takaw-away na truck driver ang lumapit sa kanya, inagaw ang kanyang inumin, at ininom ito hanggang maubos.
Nag-umpisa umiyak ang lalaki. Ang sabi ng truck driver, “Uy pare, nagbibiro lang ako. Heto at ibibili kita ng bagong inumin. Ayokong nakakakita ng umiiyak na lalaki.“
Nagsalita ang lalaki, “Hindi ‘yun pare eh. Ito na yata ang aking worst day ever sa buong buhay ko. Una, tinanghali ako ng gising, at na-late ako sa pagpasok sa opisina. Nagalit ang boss ko at sinisante ako.“
“Nung paalis na ako sa building namin at papunta na sa parking area, nalaman ko na nanakaw pala ang kotse ko. Ang sabi ng mga pulis, ay wala na daw silang magagawa dito.“
“Sumakay ako ng taxi para umuwi sa bahay. Paglabas ko ng taxi, naalala ko na naiwan ko pala ang wallet ko sa loob ng taxi. Kukunin ko sana pero biglang humarurot paalis ang driver.“
“Pagpasok ko sa bahay, nakita ko ang asawa ko sa kama kasama ang aming hardinero. Umalis ako ng bahay at dumiretso sa bar na ito.“
“At habang iniisip kong wakasan na ang aking buhay, bigla kang dumating at ininom ang aking lason.“
Hindi Kakausapin
Isang gabi, isang lalaki ang pumasok sa isang bar at umorder ng alak. Pagkainom ay umorder siya ulit. Paulit-ulit itong nangyari. Noong nakarami na siya ng nainom, nag-alala na ang bartender.
“Ano’ng problema mo?” tanong ng bartender.
“Nag-away kami ng asawa ko,” paliwanag ng lalaki, “At sabi niya ay hind niya ako kakausapin sa loob ng 31 days.“
Napaisip ang bartender ng malalim. “Pero, hindi ba okay naman ‘yun na hindi siya nakikipag-usap sa iyo?” tanong ng bartender.
“Okay naman, kaso ngayon na ang last day eh.“
Bagong Hearing Aid
Ang isang matandang ginoo ay may malubhang problema sa pandinig sa loob ng ilang taon. Nagpunta siya sa doktor at nagawa nitong sukatan siya ng isang set ng hearing aid na makakatulong sa kanya na makarinig ng 100%.
Ang matandang ginoo ay bumalik sa doktor makalipas ang isang buwan. Ang sabi ng doktor, “Ang iyong pandinig ay perpekto na. Siguradong natuwa ang pamilya mo na nakakarinig ka na ulit.“
Sumagot ang matandang ginoo na, “Naku, hindi ko pa sinasabi sa pamilya ko. Umuupo lang ako at nakikinig sa mga usapan nila. Tatlong beses na akong nagpalit ng huling habilin!“
Gatekeeper
Isang sikat na professor of surgery ay namatay at napunta sa langit. Sa pearly gate, tinanong siya ng gatekeeper: “Nakagawa ka ba ng kasalanan na tunay mong pinagsisisihan?“
“Oo,” sagot ng professor. “Noong bata pa ako na professor sa hospital ng Saint Lucas, naglaro kami ng soccer laban sa koponan mula sa Community Hospital, at nakapuntos ako ng goal, na off-side. Ngunit hindi ito nakita ng referee kaya, ang goal na iyon ang nagpanalo sa amin sa laban. Pinagsisisihan ko na ‘yan ngayon.“
“Well,” sabi ng gatekeeper. “Iyan ay isang napakaliit na kasalanan. Maaari ka nang pumasok.“
“Maraming salamat, Saint Peter,” sagot ng professor.
“Hindi ako si Saint Peter,” sabi ng gatekeeper. “Nag-lunch break siya. Ako nga pala si Saint Lucas.“
At ‘yan na muna ang ating dose ng Monday happiness! Kahit gaano kabigat ang week mo, tandaan: may dahilan pa rin para ngumiti — minsan isang simpleng joke lang ang kailangan.
Kung natawa ka, share mo ‘to! O baka may paborito kang “office joke” na gusto mong i-feature sa susunod na It’s Monday Out There, i-comment mo lang sa baba.
Hanggang sa susunod na Lunes — keep laughing, keep living! 😉




