nahanap mo na ba si hesus?

Isang araw sa may ilog, kakatapos lang binyagan ng pastor ang isang batang babae. Pagkatapos ng ilang minuto, isang lasing at hindi relihiyoso na lalaki ang naglakad sa may tabing ilog.

Ang sabi ng pastor sa lasing, “Handa ka na bang hanapin si Hesus?

Oo daw sabi ng lasing.

Dinala ng pastor ang lasing sa ilog, inilubog niya ito at pagkatapos ay iniangat muli. Pagkatapos, siya ay nagtanong, “Nahanap mo na ba si Hesus?

Hindi daw sabi ng lasing.

Muling inilubog ng pastor ang lasing sa ilog, pagkatapos ay iniangat muli. Tanong ng pastor, “Nahanap mo na ba si Hesus?

Hindi daw sabi ng lasing.

Sa ikatlong pagkakataon, inilubog at iniangat ulit ng pastor ang lasing sa ilog. Muli ay tinanong niya ito, “Nahanap mo  na ba si Hesus?

Sabi ng lasing, “Sigurado ka bang dito siya nahulog?

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments