Nawala ang bibliya ng isang relihiyosong magsasaka habang inaasikaso niya ang kanyang kabukiran.
Makalipas ang tatlong linggo, isang baka ang lumapit sa magsasaka na kagat-kagat ang kanyang bibliya.
Hindi makapaniwala ang magsasaka sa kanyang nakita. Kinuha niya ang bibliya mula sa bibig ng baka, tumingala at nagsabi na, “Ito ay isang himala!“
“Hindi naman,” sabi ng baka. “Nakasulat kasi ang pangalan mo sa loob ng bibliya kaya naibalik ko sa iyo.“
0
0
votes
Pa-Rate Naman Po.
