Isang araw na Black Friday Sale. Isang mahabang pila sa isang tindahan simula pa lang ng 8:30am ng umaga. Ito din ang oras na nagbubukas ang tindahan.

Isang maliit na lalaki ang pumunta sa unahan ng pila. Pero siya ay naitulak paatras na may kasama pang malalakas na bulyaw at malulutong na mura. Sa ikalawang pagkakataon, pumunta ulit ang lalaki sa unahan ng pila. Pero siya ay sinapak sa panga at natumba. Pagktapos ay ihinagis siya papunta sa dulo ng pila. Noong siya ay nakatayo, sinabi niya sa tao sa dulo ng pila…

Punung-puno na ako! Isa pang beses na saktan niyo ako, hindi ko na bubuksan ‘yang tindahan ko!

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments