Isang Linggo ng umaga, isang Baptist church ang napuno ng dalawang libong miyembro nito. Mag-uumpisa na sana ang preacher para sa kanyang sermon, ng may dalawang lalaki na nakasuot ng mahabang black coats at black na sumbrero ang pumasok galing sa likod ng church.

Ang isa sa dalawang lalaki ay naglakad sa gitna ng church habang ang isa ay naiwan sa likod ng church. Ang dalawang lalaki ay nilabas ang kanilang mga armalite mula sa kanilang coats.

Ang lalaki na nasa gitna ay nagsalita, “Ang lahat ng handang sumalo ng bala para kay Jesus ay manatili sa inyong mga upuan!

Natural, ang mga miyembro ay nag-alisan, na sinundan ng choir. Ang mga diakono ay tumakbo palabas ng pinto, na sinundan ng choir director at ng assistant pastor.

Makalipas ang ilang sandali, may mga dalawampung tao na lang ang naiwan na nakaupo sa simbahan. Mahigpit ang pagkakahawak ng preacher sa pulpito.

Itinabi na ng mga lalaki ang kanilang mga armalite at sinabi ng malumanay sa preacher, “Sige, pastor, wala na ang mga mapagkunwari. Maaari mo nang simulan ang paglilingkod.

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments