Isang lasing na lalaki na amoy alak ang sumakay sa LRT isang araw. Umupo siya sa tabi ng isang pari. Ang damit ng lalaki ay puro mantsa, ang kanyang mukha ay tadtad ng pulang lipstick, at may isang bote siya ng alak na nakalabas sa kanyang bulsa.
Nagbukas ng diyaryo ang lalaki at nag-umpisang magbasa. Maya-maya nagtanong siya sa pari, “Father, ano ang sanhi ng arthritis“?
“Ito ay dahil sa pabayang pamumuhay, pakikisalamuha sa mga kalapating mababa ang lipad, sobrang pag-inom ng alak, at panghahamak sa iyong kapwa.” sagot ng pari.
“Wow, Grabe pala,” sambit ng lalaki at bumalik na siya sa pagbabasa ng diyaryo.
Ang pari ay napaisip sa kanyang sinabi at naisipang humingi ng tawad sa lalaki.
“Patawad anak, hindi ko sinasadyang sagutin ka ng pabalang. Gaano katagal ka nang may arthritis?” tanong ng pari.
Sumagot ang lalaki, “Wala akong arthritis, Father. Nabasa ko lang sa diyaryo na may arthritis ang Pope.“
