Isang misis ang pumunta sa kusina at nakita niya ang mister niya na palakad-lakad na may hawak na diyaryong pamalo. “Ano ang ginagawa mo?” tanong ni misis.
“Pinapatay ko ‘yung mga langaw” Sagot ni mister.
“May napatay ka na?” Tanong ni misis.
“Oo, 3 lalaki, 2 babae“, sagot ni mister.
Naiintrigang tanong ni misis. “Paano mo nalaman kung lalaki o babae?“
“3 ang nasa bote ng beer, 2 ang nasa cellphone“. Sagot ni mister.
0
0
votes
Pa-Rate Naman Po.
