Lumapit ang isang babae sa isang maliit na matandang lalaki na nakaupo sa kanyang bakuran.
“Hindi ko po maiwasang mapansin kung gaano po kayo kasaya,” sabi ng babae. “Ano po ang sikreto niyo sa mahaba at masayang buhay?“
“Ako ay naninigarilyo ng tatlong kaha ng sigarilyo sa isang araw,” sagot ng lalaki. “Umiinom ako ng isang case ng beer sa isang linggo, kumakain ako ng matatabang pagkain, at hindi ako nag-e-exercise.“
“Nakakamangha naman,” sabi ng babae. “Ilang taon na po kayo?“
“Bente-sais,” sagot ng lalaki.
0
0
votes
Pa-Rate Naman Po.
