Now

As of May 17, 2026

A quick life update.

the project

Bumalik muna ako sa tagalog. Ang hirap mag-spokening english. lol. Kaya medyo magulo ang website natin ngayon. Umpisa eh puro tagalog. Tapos biglang nag-english. Ngayon tagalog na naman. Kahit ako naguguluhan na at hindi makapag-decide kung ano na nga ba ang pananalitang aking gagamitin. Anyway, medyo malayo ang agwat ng huling update (March 28) at natigil ang pag-post sa website noong April 17. Iyon ay dahil nasira ang aking personal computer (PC) noong April 19. Medyo mahabang istorya at medyo masakit sa bulsa.

recommendations

Kahit natahimik pansamantala ang posting natin, patok pa din noong April at ngayong first half of May ang post tungkol sa kung saan tayo makakapanood ng mga legitimate at free na Tagalog movies.

Updated pa din as of today ang ating maliit na proyekto na listahan ng mga Philippine Holidays ngayong 2026.

Simula March 29 hanggang May 17:

  • Wala tayong bagong kuwento. Ang dami kong naiisip na i-post pero medyo na-busy din talaga sa work. Bukod sa nabanggit ko nga na nasira ang aking PC.

  • Nakapag-post naman tayo ng 8 jokes kahit papaano. Check niyo ‘yung isang classic pinoy joke tungkol sa Dalawang Lasing.

  • Nakapanood tayo ng 11 movies at 1 documentary. Ang pinaka-latest ko na napanood ng first time ay ang River. Habang ang pinaka-latest ko namang rewatch ay ang isa sa personal favorite ko na Ready Player One.

  • Nakapagdagdag tayo ng 9 songs at 1 album sa ating music list. Kasama dito ang bagong single ni idol Ely Buendia na Ate.

  • Nakapag-share din tayo ng 1 website at 2 YouTube videos. Kung nagpaplano kayo maghanap ng work at kailangan ninyo mag-update ng résumé, baka makatulong ang Reactive Resume sa inyo.

at work

Sa buong buwan ng April, nag-volunteer ako na maging isa sa taga-release ng mga fast track tickets. Nagkaka-fast track (FT) kapag may ire-release sa production na kailangang-kailangan na ng clients at hindi na mahihintay ang scheduled monthly release. Medyo marami kaming FT ngayong April. At kadalasan, after office hours pa puwede mag-release kaya mag-e-extend ka talaga ng oras for free (ganyan ako kabait na empleyado).

Nabanggit ko sa last update na nag-volunteer din ako sa AI Focus group kaya bukod sa extra free hours na inilaan ko for FT, naglaan din ako para dito. Ang aming group na may tatlong Pinoy na miyembro ay naatasang gumawa ng AI agent na magco-convert ng FoxPro program (PRG) and report (FRX/FRT) files to C# and rdlc. Na-excite ako dito dahil gusto ko talaga mag-explore sa paggamit ng AI lalo na at ini-encourage na talaga kami ng company na gamitin ang AI sa ang aming pagta-trabaho. Medyo hindi kaya ng Github Copilot (Claude 4.5) basahin ang FoxPro reports dahil binary files daw ito. Kaya naghanap pa ako ng pang-convert to FR2 para maging “program-style” text based ang mga reports para ma-replicate talaga ang layout ng FRX/FRT reports papunta sa rdlc. Nakapag-test na din kami at walang build error at tumakbo naman ang C# code na output ng agent namin. Nagka-error nga lang sa pag-generate ng report. Napagod na ako kaya itutuloy ko na lang ang pag-train sa aming agent next week =p

home media server

Isa sa pinalitan sa aking PC ay ang SSD nito na naglalaman ng aking OS. At kasama din dito ang installation at database ng aking home media server 😭 Kaya totally nawala ang aking home media server at kailangan ko ulit siya ire-build from scratch. Hindi naman nawala ang mga files so medyo madali lang siguro ulitin ang pagbuo ng aking media library. Nakakatamad nga lang.

Noong May 6 nang gabi ako nag-umpisa mag-setup muli ng aking home media server. And so far, nakapag-document na ulit ako ng 69 concerts and musicals, 139 documentary films, 1,827 movies, 279 Filipino films, 43 TV specials, 50 TV series (1,436 episodes), at 10 albums (111 songs).

Medyo nagkaka-issue ako sa music dahil napapalitan ang genre na inilagay ko sa tag ng mga audio files. Kaya itinigil ko muna pansamantala. Nagiging ma-trabaho kasi dahil once na i-load ko ang isang album, kailangan ko i-update ang genre at i-lock para hindi na mapalitan kapag nag-rescan ang server. May bug din ang bagong server version na kailangan mo mag-scan ng entire library kapag nag-add ka ng new path sa existing library mo dahil hindi niya matic na nade-detect agad.

Napalitan din ang motherboard ng aking personal computer at nabawasan ang USB slots para sa aking mga external hardware kaya medyo nagre-organize muna ako ng ibang mga files. So far, dalawang 4TB internal hard drives at isang 1TB external hard drive pa lang ang nakakabit at hindi ko pa fully nala-log ang lahat ng laman na media files ng mga drives na ‘yan. I have 4 more 2TB external hard drives na ikakabit at il0-load so mahaba-habang proseso pa ito.

at home

Noong April 18, okay pa naman ang PC ko nung i-shutdown ko. Pero kinabukasan, nag-umpisa na ang delubyo. Hehe.

Kapag i-turn on mo siya, mag-shutdown siya after around 5 seconds. Tapos mag-turn on ulit. Mag-on ang lahat ng fans and lights pero hindi ang monitor at non-responsive ang keyboard. Nagtanung-tanong ako sa mga kaibigan ko at karamihan ay nagsabi na kailangan kong buksan ang PC ko at isa-isang i-check ang mga hardwares. Now, ako ‘yung tipo ng IT na hindi maalam sa hardware masyado. Hindi ko kayang mag-assemble ng sarili kong PC. Kaya nag-isip ako ng ibang mga options. May nakita akong home service na nagrerepair ng PC pero parang ayoko ng kanyang service payment scheme kaya hindi ko muna itinuloy. Another option is pumunta sa malapit na mall kung saan may isang computer retailer na napuntahan ko na before. Pero negative ang experience ko sa dalawang beses na pagpunta ko dito at medyo may kamahalan kaya hindi ko na din pinuntahan.

Noong April 22, may nakausap ako na isang computer retailer din at pinuntahan ko para ipa-check ang PC ko. Nagpaalam muna ako sa work at nag-extend na lang ako ng oras pagbalik sa bahay. Pagka-check nila, gumana siya noong inilipat ng slot ang isa sa dalawa kong RAM. Pero nabanggit sa akin na medyo suspect na ang RAM at SSD ko. Anyway, since nag work na, bumili na din ako ng bagong video card since matagal na ding built-in video card lang ang gamit ko simula ng masira ang video card ng PC ko. Pag-uwi sa bahay, working ang PC. Nagamit ko the entire night. Tapos ni-shutdown ko na.

Kinabukasan, hindi na naman siya nag-open. Mag-on pa din ang lahat ng fans and lights pero hindi ang monitor at non-responsive ang keyboard. Since nahihiya na akong magpaalam ulit sa work, inisip ko na weekend ko na lang dadalhin.

Noong Sunday morning (April 26), nag-try pa ako buksan ang PC ko at nilinis ko ang 2 RAM gamit ang pambura (‘yan lang ang kaya kong gawin =p). Gumana siya pagkatapos. Kaya akala ko ay ok na ulit. Pero later ay nag-blue screen at bumalik ang original na issue. Kaya dinala ko ulit sa same computer retailer. Iniwan ko muna doon at bumili muna kami ni misis ng medicine ng parents ko. Pagbalik namin, sinabi sa akin na gumagana siya kung isang RAM lang ang nakakabit. So, ayun, inuwi ko ulit siya at gumana ulit the entire night.

Kinabukasan, bumalik ang same issue. Napagana ko pa siya noong binalik ko ‘yung isa pang RAM pero saglit lang at bumalik ulit ang issue. Nakausap ko ang computer retailer at ni-suggest ko na since may slot ang RAM ko na hindi gumagana, baka puwede na magpalit na din ako ng motherboard. And since suspect na din ang SSD ko, nagdecide ako na palitan na din. At dahil nasa SSD ang Windows 10 OS ko, kailangan ko din magpa-install ng Windows 11 OS na medyo mahal din. At nag-schedule kami for next weekend.

Nagkaroon ng kaunting problema dahil may mga kailangang i-submit na plates ang anak ko gamit ang Adobe After Effects, Illustrator at InDesign. In short, kailangang magawa agad ang PC ko ASAP. So noong April 29, nagpaalam ulit ako sa work, at dinala ko ulit ang PC ko sa computer retailer. Nagpalit ng motherboard. Nagpalit ng SSD. Nag-install ng OS. Umaray ang bulsa ko. Ikinabit ang isa ko pang 2TB na internal hard drive since nagka-extra slot sa board. Gumana ang lahat. Wala ng issue. Masaya na ako. Pag-uwi namin, gumana saglit pero nag-blue screen at bumalik na naman ang issue. So sa panahong ito, parang bago na lahat ang hardware ng PC ko maliban sa 4 na internal hard drives at 2 RAM. Itinawag ko agad sa kanila at sabi nila ay ‘yung kasabay kong nagpapaayos kanina, same ng issue sa akin at ang cause ay ang kanyang internal hard drive. Ni-try ko tanggalin ‘yung dalawang hard drives na nasa bungad at madaling tanggalin pero ayaw pa din gumana. Sinabihan ako na dalhin ko na lang ulit sa weekend.

Sa panahong ito, pinaguusapan na namin ni misis kung ibibili na lang ba muna namin ng laptop ang anak ko para makagawa siya ng kanyang mga plates for finals. Buti na lang at may laptop ang dalawang kapatid ni misis na parehong willing ipahiram.

Noong Friday (May 1 – Labor Day), nag-work para i-offset ng Monday the following week. Habang walang ginagawa sa work, naisipan ko ulit kalikutin ang PC ko. Napansin ko lang na ‘yung isang RAM ang lagi kong tinatanggal kapag tini-test ko na isang memory lang ang nakakabit. So this time, tinanggal ko ‘yung isa pang RAM at ipinalit ko sa slot niya ‘yung isa. Lo and behold, bumukas ang PC ko. Nagtuloy siya, iniwan ko na nakabukas nang ilang oras at hindi naman sinumpong. Nag-try ako mag-install unti-unti ng mga softwares at wala namang issues. Nag-try ako mag-restart at okay pa din naman siya pagbukas ulit.

Up to this day, working naman siya na isang memory lang ang nakakabit. Nang matapos ng anak ko ang mga plates na kailangan niya saka ko lang ulit sinubukang i-setup ang home media server ko at so far, okay pa siya.

Kapag may budget na ulit ay upgrade na siguro ng memory ang next target ko. Ayun lang naman.

P.S. Election today para sa aming Home Owners Association Officers. Ikukuwento ko na lang next update kung ano ang mangyayari. Medyo big deal ang election dito sa subdivision namin so maganda din siyang i-topic.

THEN

This is a Now Page. If you have your own site, you should make one too.