
Released:
Rating:
Running Time:
1 hour 45 minutes
Director:
Genre:
Country:
Sex & Nudity:
None
Violence & Gore:
None
Profanity:
Mild
Alcohol, Drugs & Smoking:
Mild
Frightening & Intense Scenes:
None
WATCHED: May 31, 2026.
It’s only rock and roll…until you grow up.
My Two Cents
Ang Eraserheads: Combo On The Run ay higit pa sa isang documentary tungkol sa isang legendary Filipino band. Ito din ay kuwento tungkol sa friendship, misunderstandings, aging, at second chances. Ipinakita ng film ang paglalakbay patungo sa makasaysayang reunion concert ng Eraserheads noong 2022, habang binibigyan ang bawat miyembro ng pagkakataong ibahagi ang kanilang sariling panig ng kuwento.
Sa halip na simpleng “greatest hits” narrative, itinampok nito ang human side ng fame at ang mga emotional baggage na naipon sa loob ng ilang dekada. Ang mga longtime fans ay maa-appreciate ang mga patikim na archival footage at behind-the-scenes, habang ang mga newcomers ay madi-discover kung bakit ang kanilang musika ay patuloy na tumatatak sa puso ng iba’t ibang henerasyon. Ang documentary ay nagsisilbi ring pagninilay sa kulturang Pilipino at sa naging papel ng Eraserheads sa paghubog nito. Mas dama ito hindi bilang isang documentary ng Eheads, kundi bilang isang pag-uusap sa pagitan ng mga lumang magkakaibigan na sinusubukang muling unawain ang isa’t isa.
Ito ay isang documentary na sa tingin ko ay mas powerful kung familiar ka sa kanilang music. Nakaka-impress ang kanilang willingness na i-explore ang mga uncomfortable topics sa halip na ipakita lang ang sanitized version ng history ng banda. Ang emotional honesty ng bawat miyembro ang nagbigay ng tunay na bigat sa film na ito. Bagama’t may mga part na sa tingin ko ay mas deserve ng deeper exploration (tulad ng break-up ng banda since iba-ibang sides ng story noon na lumabas na sana ay na-clarify kung alin ang totoo at hindi), nag-succeed pa din ang documentary na gawing mas meaningful ang reunion sa halip na nostalgia lamang. Okay din itong introduction sa mga younger audiences na kaunti lamang ang alam tungkol sa Eraserheads at sa kanilang mga kanta.
Mabuhay ang Noypi! Bogchi!
“We were never not friends. We just had a falling out.“
Ely Buendia
Who would enjoy this?
- Mga fans ng Eraserheads na lumaki sa kanilang musika at gustong maunawaan ang kuwento sa likod ng banda
- Mga manonood na gusto ng mga music documentaries na pinagtuonan ng pansin ang relasyon ng mga miyembro sa halip ng ang kanilang tugtugan lamang
- Mga Pinoy millennials na naghahanap ng nostalgic trip pabalik sa ’90s at early 2000s
- Mga taong interesado sa creative process, band dynamics, at artistic conflicts
- Documentary fans na naa-appreciate ang mga honest conversations tungkol sa fame, friendship, at reconciliation
- Mga batang manonood na curious kung bakit ang Eraserheads ay naging malaking bahagi ng Philippine pop culture
Who might not vibe with this?
- Mga manonood na nag-e-expect ng nonstop concert film na puno ng mga performances
- Mga taong mas gusto ang documentaries na completely neutral at iniiwasan ang mga personal perspectives
- Casual na manonood na hindi masyadong interesado sa musika o sa relasyon ng mga miyembro ng banda sa isa’t isa
- Mga fans na nag-e-expect na maipapaliwanag ang lahat ng controversies at mysteries na pumapalibot sa banda
North of Nowhere
South of Somewhere
My favorite workout is the 45-minute cardio session spent scrolling through movies until I give up and watch the same one for the 12th time.
My social life lately is like a high-end limited release: very exclusive, rarely happens, and mostly involves me staying home to avoid the commute.
“Wait, I have to restart the song, I wasn’t listening hard enough” is a perfectly valid reason to be two minutes late to anything.



