Isang lalaki at babae ang nasa kanilang honeymoon pagkatapos ng mahaba at napakasayang ligawan. Sa kanilang honeymoon, nagpasya silang dalhin ang kanilang mga kabayo sa magagandang mountain pass ng Europe. Habang ang mga kabayo ay tumatawid sa isang maliit na batis, ang kabayo ng babae ay nagkamali sa paghakbang at halos tumilapon ang asawa ng lalaki. Nang makatawid sa batis, bumaba ang lalaki, lumakad papunta sa kabayo, at tinitigan ang mga mata nito. Sinabi niya dito na, “Isa!” Sumakay muli ang lalaki sa kanyang kabayo at nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay.
Noong medyo nakakalayo na sila, nadapa ang kabayo ng babae nang humakbang sa ibabaw ng nahulog na puno. Bumaba ang lalaki, tinitigan ang kabayo sa mga mata, at matapang na sinabi, “Dalawa!” Bumalik siya sa kanyang saddle at nagpatuloy sila maglakbay.
Nang magsimulang lumubog ang araw sa hapon, muling nawalan ng balanse ang kabayo ng babae sa isang malumot na dalisdis (slope). Bumaba ang lalaki, lumapit sa kabayo ng babae, at tinulungan ang kanyang asawa na makaalis sa saddle. Pumunta siya sa harap ng kabayo, tinitigan niya ito sa mga mata at mariing sinabing, “Tatlo!” Kinuha nito ang isang baril sa kanyang vest, at binaril ang kabayo.
Ang babae, na medyo nagalit nang makita ang magandang kabayo na pinatay, ay nagsabi sa kanyang asawa, “Grabe ka, bakit mo ginawa ang bagay na iyon?!“
Tinitigan ng lalaki ang kanyang asawa at mariing sinabi, “Isa!“
