Isang batang mag-asawa ang naimbita sa isang marangyang masked halloween party. Pero si misis ay biglang sumakit ang ulo at sinabihan niya ang kanyang asawa na pumunta pa din sa party at mag-enjoy. Dahil matapat ang kanyang asawa, tumanggi itong magpunta mag-isa. Pero pinilit niya pa din ang asawa niya na pumunta at sinabing iinom lang siya ng aspirin at matutulog. Kaya napilitan ang asawa niya na bitbitin ang kanyang costume at pumunta sa party.

Pagkalipas ng isang oras, nagising si misis at wala na ang sakit ng kanyang ulo. Maaga pa naman kaya naisipan niyang sumunod sa party. Hindi alam ng asawa niya ang kanyang costume kaya naisip niyang pagkatuwaan ito at panoorin ang mga pinaggagawa nito kapag siya ay wala.

Pagdating niya sa party, nakita niya ang asawa niya sa dance floor. Nakikipagsayawan ang asawa niya sa halos lahat ng babae na naroon. Hipo dito, kiss doon. Kaya naisipan niya pumunta na din sa dance floor at akitin ang kanyang asawa. Dahil seksi at hot naman si misis, mabilis niya naakit ang kanyang asawa at iniwan nito ang iba niyang mga kasayaw at nag-focus lang sa kanya. Since asawa niya naman ito, hinayaan niya lang ang mga paghipo at paghalik nito sa kanya. Maya-maya ay binulungan siya nito at may hiniling sa kanya, at siya naman ay agad na pumayag. Nagpunta sila sa isa sa mga kotseng naka-park at alam niyo na ang nangyari.

Bago pa tumungtong ng midnight at magtanggal ang lahat ng maskara, umuwi na si misis at itinago niya agad ang kanyang costume. Iniisip niya kung paano magpapaliwanag ang asawa niya sa mga kalokohan na pinaggagawa nito.

Habang siya ay nasa kama at nagbabasa, dumating ang kanyang asawa, at tinanong niya ito kung ano ang ginawa nito sa party.

Sabi ng asawa niya, “Tulad pa din ng dati. Alam mo naman na hindi ako nag-e-enjoy sa mga party kapag hindi kita kasama.

Tinanong niya ito, “Sumayaw ka ba sa dance floor?

Nagkuwento ang asawa niya, “Hindi ako nagsayaw ni isang beses. Pagdating ko sa party, nakita ko agad sila pareng Enteng at Joey. Inaya nila ako sa den at nag-poker lang kami buong gabi. Pinahiram ko kay pareng Dencio ‘yung costume ko at bago umuwi, nagpasalamat siya sa akin dahil nag-enjoy daw siya ng todo!

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments