Dakota Skye

Dakota Skye

Released:

Running Time:

1 hour 29 minutes

Director:

Writer:

Sex & Nudity:
Keribels

Violence & Gore:
Wala

Profanity:
Keribels

Alcohol, Drugs & Smoking:
Medyo

Frightening & Intense Scenes:
Wala

First time ko napanood noong October 2009 pa.

Isang babae na may supernatural ability na makita ang kasinungalingan ng mga tao, ang nainlab sa isang misteryosong lalaki na laging nagsasabi ng katotohanan.

TRUTH. LIES. WHATEVER.

I want to tell you that I like you. But I can't tell you that, can I? I want to tell you to forget about him. He's a great guy, the best, and he's my brother and everything but blood, and you two are good together. But I still want to tell you to tell him to fuck off and to be with me. I want to tell you that since the moment I met you, I can't even get your face out of my brain. But I can't tell you that, that all I want right now in the world is to take you away with me. No him, no here, no this. Just us. If just for a day, you know? But I can't tell you that. I mean, you can't make me. I mean, what kind of a person would I be if I went and told you something like that?

Jonah Moreno Ian Nelson

Kunwaring Review

Okay ang Dakota Skye kung nasa mood ka manood ng indie film na mas feeling diary kesa movie. Alam mo yun? ‘Yung medyo maliit lang, pero taus-puso at hindi ganoon kapino ang pagkakagawa.

Ang superhero power ni Dakota na kaya niya malaman kung nagsisinungaling ang isang tao ay maaari nating sabihin na metaphor para sa realization na ang mga adults ay hindi honest, o pagka-overwhelmed sa katotohanan, o kaya ay paghahanap ng connection na walang deception.

Nahuli ng pelikula ng tapat ang teenage isolation. ‘Yung feeling na emotionally out of sync ka sa ibang tao, o naamoy mo agad ang hypocrisy, o ‘yung hindi ka sigurado kung saan ka lulugar.

Ang pelikula ay hindi smooth o magaling masyado ang pagkaka-arte, pero tapat at totoo siya. Kung kaya mo tanggapin ang honesty at intention ng pelikula at medyo palampasin mo ang production value, maa-appreciate mo na bahagi ng charm nito ang roughness ng pelikula na ito.

Dito ko unang narinig ang kantang “Got My List” ni Jonah Matranga (onelinedrawing).

Mag-ingat nga pala kung hahanapin mo ang pelikula na ito dahil may kapangalan siya na isang pornographic film actress. Baka maling video ang mapanood mo =p

Sino ang dapat manood?

  • Indie film lovers
  • Teen at young adults (especially kung medyo malalim mag-isip)
  • Mga fan ng early-2000’s alternative at indie cultures
  • Sa mga manonood na gusto ang mga kakaibang konsepto na ginamit bilang metaphors

Sino ang baka hindi ito matripan?

  • Mga manonood na naghahanap ng action o nang medyo malupitang pagkukuwento
  • Mga taong nag-e-expect ng pulidong supernatural na kuwento

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments