
Released:
Running Time:
1 hour 57 minutes
Director:
Screenplay:
Based On:
People We Meet on Vacation by
Emily Henry
Country:
Sex & Nudity:
Keribels
Violence & Gore:
Wala
Profanity:
Keribels
Alcohol, Drugs & Smoking:
Keribels
Frightening & Intense Scenes:
Wala
First time ko napanood noong March 1, 2026.
Si Poppy ay isang free spirit. Habang si Alex ay gusto na laging naka-plano. Matapos ang maraming taon ng summer vacations, itong dalawang polar-opposite na magkaibigan ay nagnanais malaman kung sila ba ay perfect romantic match.
On vacation, you’re free to follow your heart.
Home is where you can be entirely yourself. In fact, home doesn't have to be a place at all. It doesn't matter where you go or what you do. When you're with the person who loves you for you... you're always home.

Kunwaring Review
Ito ay isang feel-good romantic ride. Tungkol sa dalawang longtime best friends – ang free-spirited na si Poppy at introverted na si Alex – na nagre-reconnect sa kanilang yearly vacations na nag-umpisang marealize na baka merong more than friendship between them.
Bahagi ng saya ay ang travel vibe na dala ng pelikula dahil dadalhin ka nito sa iba’t ibang locations sa kanilang yearly vacations na nagdadala ng scenery at travel energy na nakadagdag sa light entertainment nito.
Ito ang unang big screen adaptation ng popular na 2021 novel ni Emily Henry na isang beloved romance sa mga readers nito.
Ang People We Meet on Vacation ay worth watching kung trip mo ng cozy, charming romance na may travel vibes at emotional warmth na perfect para sa isang weekend afternoon o chill movie night lalo na kung ikaw ay fan ng Rom-Coms o ng novel kung saan ito naka-based.
Sino ang dapat manood?
- Mga Rom-Com fans
- Mga fans ng libro ni Emily Henry
- Mga taong gusto ng character-driven storytelling
- Sa mga gusto ng chill movie night
Sino ang baka hindi ito matripan?
- Mga manonood na ayaw ng predictable Rom-Coms
- Mga purista na nakabasa ng libro kung saan based itong film
- Mga taong mas preferred ang strong emotional o dramatic stories

[…] Dahil nakikigamit sa PC ko ang aking anak, at inaantok na rin naman ako, 10 P.M. pa lamang ay tulog na ako kagabi. Binilin ko sa anak ko na huwag patayin ang PC at gisingin na lang ako kapag tapos na siya gumamit. Plano ko pa kasi i-post dito ang pelikulang napanood ko. […]