Dahil nakikigamit sa PC ko ang aking anak, at inaantok na rin naman ako, 10 P.M. pa lamang ay tulog na ako kagabi. Binilin ko sa anak ko na huwag patayin ang PC at gisingin na lang ako kapag tapos na siya gumamit. Plano ko pa kasi i-post dito ang pelikulang napanood ko.
Mga bandang 1 A.M. noong gisingin ako ng anak ko. Inaantok pa din ako kaya hinayaan ko na lang na bukas ang PC at ipinagpatuloy ko lang ang pagtulog.

Time check: 3 A.M.
So, nagising na ulit ako habang tulog pa ang karamihan. Now usually pagkagising ko, itinatali ko ang aking buhok. Pero hindi ko makita ang panali ko sa buhok na mukhang telephone cord. Wala sa kuwarto. Wala sa banyo. Wala sa computer table na usual kong pinaglalagyan. Nagbukas pa ako ng flashlight at tinignan ko sa ilalim ng table at baka nahulog lang pero wala talaga.
Eventually, sumuko na din ako sa paghahanap. Pagkatapos ng ilang seremonyas, humarap na ako sa aking PC. Nag-post ako dito sa website ko. Nanood ng mga YouTube videos. Nagmuni-muni kung ano pa ba ang magandang i-post tungkol sa buhay ko. Mga bandang 6 A.M., nagtimpla ako ng kape. Pagkatapos ay nanood ulit ng mga videos sa PC ko habang nagkakape.
Mga around 6:30 A.M. medyo nakaramdam ako ng slight na pangangati sa kaliwang wrist ko. So napakamot ako. And lo and behold. Ang culprit sa pangangati: ang aking panali sa buhok na inilagay ko pala sa wrist ko (naka-sweater ako kaya hindi ko kita). Natawa na lang ako. Hahaha. Parang ‘yung joke sa hinahanap na eyeglasses na nasa ulo lang pala all along. Hindi ko alam kung dahil ba tumatanda na talaga ako o bawal sa feng shui ang maghanap ng nawawalang bagay kapag 3 A.M.
Time check: 8 A.M.
Makapagluto na nga ng breakfast at may pasok pa ako. Hanapin ko lang ‘yung earbuds ko. Andito lang kanina eh.
The moral of the story is brought to you by Peter Quill from the Guardians of the Galaxy Vol. 2.

“What I’m trying to say here is…
sometimes that thing you’re searching for your whole life…
it’s right there by your side all along.
You don’t even know it.”
