Nagtanong si mister sa kanyang misis, “Kung mauuna akong mamatay, mag-a-asawa ka ba ulit?“
“Magiging heart-broken ako siyempre,” sagot ni misis, “pero sa tingin ko, pagtagal ay mag-a-asawa din ulit ako.“
“Pero hindi mo siya patitirahin dito sa bahay?“
“Bakit hindi? Pinagpaguran ko naman para gawing tahanan ang bahay na ito. Ayoko naman na lisanin na lang itong bahay nang basta-basta.“
“Pero hindi kayo hihiga dito sa ating kama?“
“Well, hindi ko naman kailangang palitan itong kama natin agad-agad.“
“Eh ‘yung mga gitara ko, hindi mo naman siguro ipapagamit sa kanya?“
“Siyempre hindi! Drummer siya eh.“
0
0
votes
Pa-Rate Naman Po.
