Si Xi, ang presidente ng China, ay nakaupo sa kanyang opisina ng biglang mag-ring ang kanyang telepono.
“Hello, Mr. Xi!” sabi ng boses sa kabilang linya. “Si Dencio ito, umiinom sa isang karaoke bar dito sa Philippines. Tinawagan kita para sabihin na officially ay nagde-declare ako ng giyera laban sa iyo!“
“Well, Dencio,” sagot ni Xi, “Ito ay isang napakahalagang balita! Gaano kalaki ang iyong army?“
“Sa ngayon,” sabi ni Dencio, matapos mag-calculate, “ang army ay ako, ang pinsan kong si Sean, ‘yung kapitbahay ko na si Seamus, at ang buong darts team na naririto sa karaoke bar. Bale, walo kaming lahat!“
Napatigil si Xi. “Alam mo Dencio, meron akong 100,000 katao sa aking army na naghihintay lamang sa aking go signal.“
“Grabe!” sabi ni Dencio. “Tawagan kita ulit.“
At totoo nga, kinabukasan, tumawag ulit si Dencio. “Mr. Xi, tuloy ang giyera. Nakakuha kami ng ilang infantry equipment!“
“At anong equipment ang meron kayo, Dencio?” tanong ni Xi.
“Well, meron kaming dalawang combines, isang bulldozer, at ‘yung farm tractor ni Murphy,” sagot ni Dencio.
Napabuntong-hininga si Xi. “Alam mo Dencio, meron akong 6,000 tanks at 5,000 armored personnel carriers. At, dinagdagan ko ang army ko at naging 150,000 pagkatapos ng huli nating pag-uusap.“
“OMG!” sabi ni Dencio. “Tawagan ulit kita.“
Tumawag ulit si Dencio kinabukasan. “Mr. Xi, tuloy pa din ang giyera! May panghimpapawid na kami! Ang ultra-light ni Jackie ay nilagyan namin ng ilang shotguns sa cockpit, at apat pang lalaki mula sa videoke bar ang sumali sa aming army!“
Tumahimik si Xi ng ilang minuto at saka nagsabing, “Alam mo Dencio, meron akong 100 bombers at 200 fighter planes. Ang aking mga military bases ay mayroong laser-guided, surface-to-air missile sites. At pagkatapos ng huli nating pag-uusap, dinagdagan ko pa ang aking army para maging 200,000!“
“Hesusmaryosep!” sabi ni Dencio, “Tatawagan ulit kita.“
Tumawag ulit si Dencio kinabukasan. “Magandang umaga, Mr. Xi! Sorry pero nais kong malaman mo na hindi ko na itutuloy ang giyera natin.“
“Talaga? Ikinalulungkot kong marinig ‘yan,” sabi ni Xi. “Bakit biglang nagbago ang iyong desisyon?“
“Well,” sabi ni Dencio, “nag-usap kaming lahat ng matagal habang umiinom dito sa videoke bar, at napagdesisyunan namin na hindi namin kayang pakainin ang 200,000 prisoners of war.“
