Katatapos lang maglagay ng carpet ang isang karpintero sa bahay ng isang babae. Lumabas siya para sana magsigarilyo, pero napansin niya na nawawala ang kanyang sigarilyo.
Pagbalik niya sa loob ng bahay, napansin niya sa ilalim ng carpet, ay may isang parte na nakaumbok.
“Walang saysay na tanggalin ko pa ang buong carpet para lamang sa isang pakete ng sigarilyo,” sabi niya sa sarili. Inilabas niya ang kanyang martilyo at pinukpok ang umbok hanggang maging patag na ito.
Habang nagliligpit na siya ng kanyang mga gamit, pumasok ang babae. “Eto,” aniya, sabay abot sa kanya ng pakete ng sigarilyo. “Nakita ko sa may labas. Nahulog mo yata. Kanina pa kasi ako paikut-ikot. Hindi ko makita ‘yung alaga kong parakeet.“
0
0
votes
Please Rate My Post
