Isang magnanakaw ang pumasok sa isang bahay isang gabi. Habang iniilawan niya ng kanyang flashlight ang sahig sa dilim, nakarinig siya ng isang tinig na nagsasabing, “Pinapanood ka ni Jesus.“
Kinakabahan siyang tumingin-tingin sa paligid, maya-maya ay umiling, at patuloy na naghanap ng mga mamahaling bagay na mananakaw.
Tapos, narinig niya ulit, “Pinapanood ka ni Jesus.“
Sa pagkakataong ito ay inilawan niya ng kanyang flashlight ang buong silid, at napatigil siya sa isang loro. Tinanong niya ito, “Ikaw ba ‘yung nagsasalita?“
Ang sabi ng loro, “Binibigyan lang kita ng babala. Iyon lang.“
Tanong ng magnanakaw, “Binabalaan mo ako, ha? Sino ka? Ano’ng pangalan mo?“
“Moses.“
“Well, anong klase ng mga bobong tao ang magpapangalan sa kanilang loro na ‘Moses’?“
Sumagot ang loro, “Hindi ko alam. Sa palagay ko sila din ‘yung klase ng mga tao na magpapangalan sa kanilang Rottweiler na ‘Jesus’.“
