Isang matandang mag-asawa ang naghapunan sa bahay ng isa pang mag-asawa, at pagkatapos kumain, ang mga misis ay umalis sa mesa at pumunta sa kusina. Ang dalawang mister ay nag-usap, at ang matanda ay nagsabi, “Kagabi ay lumabas kami at kumain sa isang bagong restaurant at napakasarap ng kanilang mga putahe. Gusto kong irekomenda ito sa inyong mag-asawa.“
Nagtanong ang isa pang lalaki, “Ano ang pangalan ng restaurant?“
Ang matandang lalaki ay nag-isip at pagkatapos ay nagwika na, “Ano ba ang pangalan ng bulaklak na ibinibigay mo sa isang taong mahal mo? ‘Yung mapula at may mga tinik.“
“Rose ba ang ibig mong sabihin?“
“Oo, yun nga,” sagot ng lalaki. Lumingon siya sa kusina at sumigaw, “Rose, ano ba ang pangalan ng restaurant na pinuntahan natin kagabi?“
