Kailangan ko ng advice.
Palagi ko kasing napapansin ‘yung girlfriend ko na may kausap sa phone, pero kapag lumalapit na ako, ibinababa niya kaagad.
Tapos lagi siyang late umuwi, pero kapag tinatanong ko kung bakit siya ginagabi, nag-o-overtime daw sila sa trabaho. Pero noong chineck ko ‘yung pay slip niya, wala naman siyang overtime pay na nakukuha.
Sabi pa ng supervisor niya, minsan pa nga daw uma-absent siya.
Tapos minsan, nagpapaalam siya na may team building daw sa company nila. Two days siya doon. Okay lang naman na sumama siya. Kaya lang, napapansin ko na panay na yata ang team building nila – twice a month!
Nagdududa na ako.
Kaya noong isang araw na nagpaalam siya, sinundan ko siya. Habang nakasakay ako sa Mitsubishi GSR ko, medyo malayo ang lugar ko para hindi nila ako mahalata. Nakita ko na may sumundo sa kanyang lalaki. Para huwag nila ako mapansin, nagpatay ako ng makina ng GSR ko.
Tapos noong susundan ko na ulit sila, pagpihit ko, ayaw na mag-start ng GSR ko.
Help naman. Ano ba problema ng GSR ko? Sparkplug ba ‘yun o sa battery? Medyo mahirap din siya i-start kapag malamig ang panahon. Patulong naman.
Thanks.

