Isang gabi, katatapos lang namin ng aking asawa na patulugin ang aming limang anak nang makarinig kami ng hikbi na nagmumula sa silid ng tatlong taong gulang na si Badong. Nagmamadali kaming pumunta sa kanya at nadatnan namin siyang umiiyak. Hindi sinasadyang nakalunok siya ng 25-sentimo na barya at inaakala niya na siya ay mamamatay dahil dito. Kahit ano pa ang sabihin namin, walang makapagpabago ng iniisip niya.

Dahil desperado na kaming pakalmahin siya, itinago ng asawa ko sa kanyang kamay ang isang 25-sentimo na barya na suwerteng nakuha niya sa bulsa niya at kunwaring hinugot niya iyon mula sa tenga ni Badong. Natuwa si Badong dito. Sa isang iglap, inagaw niya ang barya sa kamay ng asawa ko, nilunok at masayang nagsabing, “Gawin mo ulit, Tay!

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments