Paano nangyari na ang isang araw na tungkol sa hatawan ng balat ng kambing noong Ancient Rome ay naging isang global celebration ng overpriced roses at heart-shaped boxes?
Ang Valentine’s Day ang isa sa may pinakamagulong “origin stories” sa history. Kung sa tingin mo ay kumplikado na ang iyong dating life, ituloy mo lang ang pagbabasa kung paano nagsimula ang holiday na ito.
Karamihan sa atin ay iniisip na ang Valentine’s Day ay pakulo ng mga greeting card companies para makapagbenta ng maraming produkto. Bagaman multi-billion dollar industry na siya ngayon, ang true story ng holiday na ito ay mas weird, mas dark, at mas katakam-takam kesa sa isang kahon ng tsokolate.
Ang Magulong Lupercalia
Bago pa ito maging saint’s day, ang mga Romans ay nagdiriwang ng Lupercalia mula February 13 to 15. At ang pagdiriwang na ito ay hindi isang candlelit dinner.
Para ipagbunyi si Faunus 1 at ang mga founders ng Rome, ang mga pari na sina Romulus at Remus ay magsa-sacrifice ng kambing at aso. Kukuha sila ng mahabang piraso ng balat ng kambing, isasawsaw nila sa dugo, lalabas sila sa kalsada, at ihahampas nila ang balat na ito (ng gently) sa mga kababaihan at sa mga pananim. Imbes na ma-offend, ang mga Roman women ay pumipila pa para mahataw ng balat ng kambing sa paniniwalang magdudulot ito ng fertility sa kanila sa paparating na taon.

Will The Real St. Valentine Please Stand Up
Eventually, na-“Christianized” ng Catholic Church ang Lupercalia festival na ito noong 5th century, at ipinangalan ito kay Saint Valentine. Ngunit ang identity ni St. Valentine ay nananatiling balot ng kahiwagaan. Mayroong dalawa (o posibleng tatlo) na iba’t-ibang lalaking martir na may pangalang Valentine.
Ang pinakasikat na alamat ay tungkol sa isang pari na nagngangalang Valentine noong 3rd-century Rome. Nang mapagdesisyunan ni Emperor Claudius II na ang mga single na lalaki ay mas epektibong sundalo kumpara sa mga may asawa at pamilya, ipinagbawal niya ang pagpapakasal ng mga kabinataan. Feeling ni Valentine ay hindi ito makatarungan kaya ipinagpatuloy niya pa din ang pagkakasal nang palihim. Hindi nagtagal, si Valentine ay nahuli, at ipinag-utos ng Emperor ang kanyang execution.
Ang Unang Valentine: Isa pang alamat ang nagsasabi na habang nasa kulungan si Valentine, siya ay nainlab sa anak na dalaga ng tagapangasiwa ng kulungan. Bago ang kanyang execution noong February 14, allegedly, ay sinulatan niya ng liham ang dalagang ito na may nakasulat na “From your Valentine” – isang expression na ginagamit pa din natin makalipas ang 1,700 na taon.
May isa pang hindi masyadong popular na version kung saan ang Valentine na tinutukoy ay pinatawan ng execution dahil tinutulungan niya tumakas ang mga Christians mula sa mga Roman prisons.

How Chaucer Invented Romance
For centuries, ang holiday na ito ay more of a religious feast than a romantic one. Pero iyan ay nagbago noong panahon ng Middle Ages. Ang English poet na si Geoffrey Chaucer ang madalas na bigyan ng credit bilang kauna-unahang nag-ugnay ng St. Valentine’s Day sa pag-ibig. Ito ay dahil sa 1831 poem niya na Parliament of Fowls.
Noong panahon kasi na iyon, ang mga Europeans ay naniniwala na nag-u-umpisa ang mating season ng mga ibon tuwing February 14. Isinulat ni Chaucer na: “For this was on Saint Valentine’s Day, when every bird comes there to choose his mate.“ Hindi nagtagal, ang mga European nobility ay nagsimulang magsulat ng mga love notes tuwing February 14, at dito isinilang ang “Valentine’s Day” na alam natin ngayon.
Victorian "Glow-Up" at Mass Production
Noong 18th at 19th centuries, binago ang lahat ng Industrial Revolution.
- Ang mga handwritten notes ay pinalitan ng mass-produced cards na may mga palamuti pang lace at ribbons.
- Si Esther Howland, na kilala bilang “Mother of the American Valentine”, ay nagsimulang magbenta ng kauna-unahang mass-produced valentine cards sa U.S. noong 1840’s.
- The “Vinegar Valentine”: Hindi lahat ay fan ng Valentine’s Day. Noong Victorian era, nauso ang pagpapadala ng anonymous, insulting cards na tinatawag na “Vinegar Valentines” 2 para itaboy ang mga hindi nila type na manliligaw, o kaya ay bilang pang-asar sa mga kapitbahay.

Ang Valentine's Day Ngayon

Sa pag-expand ng Western influence, kumalat na din ang Valentine’s Day worldwide. Ngayon, ang Valentine’s Day ay nag-evolved na bilang isang global celebration ng lahat ng uri ng pag-ibig – romantic, platonic (Galentine’s Day), at kahit self-love. Fan ka man ng bonggang celebration tuwing February 14, o mas gusto mo lang mag-abang ng bagsak presyong chocolates sa February 15, ikaw ay bahagi pa din ng tradition na ito na dumaan sa halos dalawang millenia ng pagbabago.
Sa Pilipinas, part na din ito ng mainstream celebration. May mga mass weddings, E-Commerce flash sales (Lazada, Shopee), love-themed concerts, flower delivery, mga promo sa malls, gifts, jewelries, restaurants, sinehan, theme parks, hotels (at motels), atbp. Isa ang Pilipinas sa may pinaka-active na valentine celebrations sa buong Asia.
Valentine’s Day really traveled through centuries just to remind us that… Love is timeless.
At may market pa din na puwede mo pagkakitaan para sa araw na ito 😁
Happy Valentine’s Day ♥︎ Love someone ♥︎ Love your friends ♥︎ Love your family ♥︎ Love yourself ♥︎
What do you think?
Ikaw ba ay fan ng traditional flowers-and-chocolate na route, or mas preferred mo ang more low-key celebration? Comment and share your thoughts.
Kung bitin ka pa, puwede mo basahin ang tungkol sa Galentine’s Day.
May joke din ako tungkol sa pagiging romantiko.
Baka gusto mo din malaman bakit related sa kantang 214 ng Rivermaya ang post ko na ito.
Okay din panoorin ang pelikulang Dakota Skye ngayong Valentine’s Day.
