Happy Galentine’s Day

Kalimutan mo na si Cupid. Kunin ang whipped cream. Panahon na upang ipagdiwang ang mga tunay na pag-ibig sa iyong buhay: ang iyong mga kaibigan, at kaunting carbohydrates. Happy Galentine’s Day!!!

Magpakatotoo lang tayo saglit. Stressful ang Valentine’s Day. Andiyan ‘yung paghahanap ng dinner reservation nang three months in advance, ‘yung pag-window shopping ng seductive dress na isusuot bago matulog😉, at ‘yung pressure sa paghahanap ng regalo at bulaklak na instagrammable at hindi ‘yung nabili lang diyan sa kanto.

Kaya kung ang February 14 ay pangmalupitang performance review para sa iyong romantic life, ang February 13 ay parang isang office party kung saan ang lahat ay nagpapakalasing sa alak at nagpapakabusog sa cake.

Welcome to Galentine’s Day. Ang mas superior na holiday?

Ang Origin Story (All Hail Queen Leslie)

Utang natin ang glorious tradition na ito sa patron saint ng binders at waffles na si Leslie Knope 1 mula sa tv sitcom na Parks and Recreation.

Way back 2010, sa episode na “Galentine’s Day” (Season 2 Episode 16), ipinaliwanag ni Leslie ang kanyang perfect na invention:

“What’s Galentine’s Day? Oh, it’s only the best day of the year.
Every February 13th, my lady friends and I leave our husbands and our boyfriends at home,
and we just come and kick it, breakfast-style. Ladies celebrating ladies.”

Nag-umpisa siya bilang isang fictional sitcom plot na nag-evolved sa isang real-world cultural phenomenon. Bakit? Dahil tama naman si Leslie Knope. Kailangan natin ng day off sa paghahanda para sa Valentine’s Day para umupo at mag-relax at sabihin sa ating mga kaibigan kung gaano sila ka-amazing.

By the way, kung hindi mo pa alam, ang “galentine’s” ay portmanteau 2 ng “gal” (variation ng “girl”), at ng “valentine’s”. So technically, ito ay isang annual celebration ng female friendships, single man o taken. Pero hindi naman siya strictly exclusive dahil ang main purpose pa din nito ay ipagbunyi ang platonic 3 love and friendship.

Sa tingin ko ay kailangan natin ito, dahil real talk, some friendships outlast relationships. May mga kaibigan ka na nakita ka at your worst, tinulungan ka mag-glow up, sumuporta sa iyong career decisions, at nagpaalala sa iyo na you deserve better.

Galentine's versus Valentine's

  • Dress Code: Sa Valentine’s Day, kailangan eh medyo formal na kasuotan. Naka-high heels. Naka-shave mula sa tuhod pataas 😉. Habang sa Galentine’s Day, casual wear lang. Mas preferred pa nga na naka sweatpants ka.
  • Menu: Sa V-Day ay maliliit na portions ng mga bonggang foods mula sa French restaurant. Sa G-Day ay waffles. Waffles na may whipped cream. Chocolate Chips. Zero judgment.
  • Company: Sa V-Day, siyempre ay ang iyong significant other. Sa G-Day, ang mga “girl” friends mo na alam kung kaninong Instagram account ang kailangang i-stalk kapag malungkot ka.
  • Expectations: On V-Day, kapag hindi ka naiyak sa isang handwritten poem, monster ka. Sa G-Day, kapag nagdala ka ng alak, ituturing kang isang bayani.

Paano I-Celebrate

Bagaman sa original version ni Leslie Knope ay kailangan ng elaborate, hand-crafted gifts at 5,000-word essay, hindi mo naman kailangan humantong pa sa ganyan.

  1. The Waffle Mandate. Ang breakfast food ay hindi optional. Kahit pumunta kayo sa isang diner ng 11:00 AM on a Tuesday, o sa isang bahay lang kayo at nag toast at nilunod ito sa syrup ng 8:00PM, kailangang kumain kayo ng waffles. Mimosas 4 ay highly encouraged, anumang oras kayo mag-celebrate. Actually, hindi naman kailangang sosyal ang kakainin. Kahit tapsilog + iced coffee okay na.
  2. Aggressive Complementing. Kailangan mo i-channel ang iyong inner Leslie. Sabihin mo sa mga kaibigan mo kung gaano sila kaganda, ka-talented, ka-brilliant, at ka-powerful. Tadtarin mo sila ng papuri hanggang sila ay maging uncomfortable. Isulat mo sa card. Isigaw mo sa brunch table.
  3. The “Soft Lifestyle” Aesthetic. Kung may kasuotan ka na may zipper, sunugin mo na ‘yan. Ang araw na ito ay tungkol sa comfort. Niyayakap natin ang “soft lifestyle.” Think pajamas, fuzzy socks at blankets.
  4. Bad Media Consumption. Ito ang tamang panahon para manood ng pelikula na nakakuha ng 12% sa Rotten Tomatoes. Panoorin niyo ‘yung Cats. Manood kayo ng poorly dubbed telenovelas. Ang goal ay tumawa, at hindi mag-isip.
Galentine's Day Luncheon
Isang Galentine's Day Luncheon ni Joe Andrucyk sa Parlay Room, State Circle, Annapolis MD 21401 noong February 13, 2024

And That's The Bottomline

Romantic Love is great. Pero ang platonic love? Iyan ang makakatulong sa iyo through bad haircuts, terrible jobs, at mga maling desisyon ng 3:00 AM.

Kaya ngayong February 13, mag-raise tayo ng glass (of mimosa, o kahit orange juice) para sa mga tao na alam kung gaano ka ka-baliw pero nanatili pa din sa iyong tabi.

Kahit single, taken, complicated o “it’s none of your business” pa ang status, celebrate the people who show up, listen and stay. Because at the end of the day, romance may come and go… but your best friend knows where the embarrassing screenshots are 🤪

Happy Galentine’s Day, you beautiful tropical fish. 5

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
  1. Ginampanan ni Amy Poehler
  2. A blend word; a word formed by combining the meanings and parts of the sounds of two or more words
  3. a close, affectionate, and trusting relationship that is entirely free of romantic or sexual, feelings
  4. A cocktail consists of champagne (or other sparkling wine) and chilled citrus juice, usually orange juice
  5. A famous quote from the TV sitcom Parks and Recreation (Season 2, Episode 16)
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments