Isang gabi, isang matandang mag-asawa ang nakahiga sa kama…

Patulog na ang lalaki pero ang babae ay nakaramdam ng pagka-romantiko at gusto pa makipag-usap. Sabi ng babae, “Hinahawakan mo ang kamay ko noong nagliligawan pa lang tayo.” Dahan-dahang lumapit ang lalaki, hinawakan ang kamay ng babae saglit, at sinubukang bumalik sa pagkakatulog.

Ilang sandali, sinabi ng babae na, “Tapos hinahalikan mo ako.

Bahagyang naiinis ang lalaki, pero lumapit siya ulit, at hinalikan ang babae sa pisngi at muling sumubok matulog.

Makalipas ang tatlumpong segundo, sabi ng babae, “Tapos kinakagat mo ang aking leeg.

Galit na tinanggal ng lalaki ang kanyang kumot at bumangon mula sa kama.

Saan ka pupunta?” ang tanong ng babae.

Kukunin ko ‘yung pustiso ko!

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments