Everything I Learned I Learned from Movies: Life Lessons To Live By

Everything I Learned I Learned From Movies. Isang linya na associated kay Audrey Hepburn.

Isang tahimik na gabi, isang bowl ng popcorn (o maraming tsitsirya), at isang screen na nagliliwanag sa eksena ng isang pelikula. Madalas nanonood tayo ng pelikula para maaliw, makalaya, o maligaw sa isang magandang kuwento. Pero minsan, sa likod ng tawa, iyak, o takot, eh may natututunan din tayo. Higit pa sa mga habulan ng kotse at mga nakakaantig na pag-ibig, may mga pelikulang nagbibigay ng tunay na kaalaman — mga piraso ng karunungang minsan ay mas totoo pa kaysa sa mga natutunan natin sa paaralan.

Tara at balikan natin ang ilang mga linya sa pelikula na napatigil tayo, napaisip, at napasabing, “Hmmm, make sense. Ma-apply nga on my everyday life.”

1. Life was Like a Box of Chocolates

Forrest Gump - Life is Like a Box of Chocolates
Forrest Gump (1994) © Paramount Pictures

Forrest Gump (1994)

Forrest Gump (Tom Hanks): Hello. My name’s Forrest. Forrest Gump. Do you want a chocolate? I could eat about a million and a half of these. My mama always said life was like a box of chocolates. You never know what you’re gonna get.

Ito ay tungkol sa pagiging unpredictable ng buhay.

Madalas nating isipin na kaya nating planuhin ang lahat — ang karera, relasyon, o kahit ang takbo ng araw-araw. Ngunit biglang may trabaho na mawawala, may taong aalis, o may bagong oportunidad na hindi natin hiniling pero eksaktong kailangan pala natin. Minsan naman may dumarating na pandemya, may mga biglaang pagbabago sa ekonomiya, o kahit simpleng hindi inaasahang pangyayari, at biglang nag-iba ang direksyon ng lahat. Doon natin nauunawaan na hindi palaging tayo ang may hawak ng manibela. Pero lahat may dahilan, at lahat bahagi ng kabuuang karanasan.

Well, that’s life. Sa pag-ikot ng mundo — na walang katiyakan ang mga resulta, ang tanging magagawa natin ay tanggapin at pahalagahan ang iba’t ibang karanasan na dadaan sa buhay. Acceptance is the key.

Tanggapin natin ang lahat ng darating na hindi pa natin alam. Tanggapin natin ang iba’t ibang karanasan at pagsubok. Mabuti man ito o masama. Kung may mga pangyayaring hindi umayon sa ating inaasahan, dapat matuto tayong mag-adapt o makibagay. At dapat maging open-minded tayo para sa mga bagong karanasan. Ang mahalaga ay kung paano tayo tumugon: kung paano tayo matutong sumabay sa agos, magtiwala sa proseso, at hanapin pa rin ang kahulugan sa gitna ng kawalang-katiyakan. Dahil minsan, ang hindi inaasahan — ay siya mismong magdadala sa atin sa lugar na matagal na nating hinahanap.

2. The Things You Own End Up Owning You

Fight Club - The Things you Own
Fight Club (1999) © 20th Century Studios

Fight Club (1999)

The Narrator (Edward Norton): I don’t know. It’s just… When you buy furniture, you tell yourself, “That’s it. That’s the last sofa I’m gonna need.” Whatever else happens, I’ve got that sofa problem handled. I had it all. I had a stereo that was very decent, a wardrobe that was getting very respectable. I was close to being complete. Now it’s all gone. All gone.

Tyler Durden (Brad Pitt): Do you know what a duvet is?

The Narrator: Comforter.

Tyler Durden: It’s a blanket. Just a blanket. Why do guys like you and I know what a duvet is? Is this essential to our survival in the hunter-gatherer sense of the word? No. What are we then?

The Narrator: We’re, uh… I don’t know. Consumers.

Tyler Durden: Right. We are consumers. We are by-products of a lifestyle obsession. Murder, crime, poverty… These things don’t concern me. What concerns me are celebrity magazines, television with 500 channels, some guy’s name on my underwear. So f*ck off with your sofa units… and Strinne green stripe patterns. I say, never be complete. I say, stop being perfect. I say, let-let’s evolve. Let the chips fall where they may. But that’s me, and I could be wrong. Maybe it’s a terrible tragedy.

The Narrator: Nah. It’s just… It’s just stuff. It’s not a tragedy, but…

Tyler Durden: Well, you did lose… a lot of versatile solutions for modern living.

The Narrator: F*ck. You’re right. My… My insurance is probably gonna cover it, so… What?

Tyler Durden: The things you own end up owning you. But do what you like, man.

Ito ay pagpuna sa kultura ng materyalismo, labis na pagkonsumo, at ang paglaya mula sa sobrang pagmamay-ari. Isang mapanuring pagtingin sa lipunan at sa pilosopiya ng pamumuhay. 

Sa panahon ngayon ng online shopping at “add to cart culture,” madali tayong mahulog sa idea na ang kaligayahan ay makikita sa usong gadget, bagong phone, o mga designer items. Halos araw-araw tayong binabaha ng ads na nagsasabing “deserve mo ’to. bilhin mo na,” kaya unti-unti, nagiging sukatan ng halaga ang mga bagay na pagmamay-ari ng tao. Ngunit sa dulo, mas lalo tayong napapagod — nagbabayad ng utang, nag-iipon muli para sa susunod na bibilhin, at minsan, nawawalan ng puwesto ang mga bagay na tunay na mahalaga.

Hindi masamang magkaroon, pero delikado kapag ang mga bagay na dapat ay nagpapagaan ng buhay ay siya nang nagpapabigat sa atin. Ang mga materyal na bagay, sa halip na magdala ng kalayaan, ay madalas nagiging pabigat, o nagiging sanhi ng pagkabalisa, at humahadlang sa mga ganap natin sa buhay. Ang labis na pagnanais sa mga pag-aari ay maaaring magbunga ng pagkawala ng kalayaan at pagkakakilanlan — hanggang sa maging alipin na tayo ng sarili nating mga pag-aari at ng walang katapusang paghahangad ng higit pa sa meron na tayo.

Isang paalala na muli mong suriin kung ano talaga ang nagbibigay-halaga sa iyong buhay. Pahalagahan ang mga karanasan kaysa sa mga pag-aari.

3. Hope is a Good Thing

The Shawshank Redemption (1994) © Warner Bros.

The Shawshank Redemption (1994)

Andy Dufresne (Tim Robbins): Remember, Red… hope is a good thing… maybe the best of things. And no good thing ever dies. I will be hoping that this letter finds you… and finds you well. Your friend… Andy.

Ito ay tungkol sa lakas at matibay na diwa ng pag-asa, lalo na sa gitna ng matitinding pagsubok.

Isipin mo ang isang taong nawalan ng lahat matapos ang isang trahedya, ngunit patuloy pa ring bumabangon sa araw-araw. Sa kabila ng sakit at pagod, umaasa pa rin siya na darating ang panibagong pagkakataon — at doon nagmumula ang kanyang lakas. “Habang may buhay, may pag-asa.” Tatak na natin ‘yan bilang mga Pinoy.

Iyan ang kapangyarihan ng pag-asa: ang kakayahang maniwala sa darating na liwanag kahit hindi mo pa ito nakikita. May kakayahan ka na manatiling matatag at patuloy na mabuhay, kahit sa harap ng tila imposibleng sitwasyon. Maging matatag ang iyong isipan, matibay ang loob, at kumapit sa kapangyarihan ng pag-asang nagbibigay-liwanag kahit sa pinakamadilim na sandali.

4. Carpe Diem

Dead Poets Society (1989) © Touchstone Pictures

Dead Poets Society (1989)

John Keating (Robin Williams): “Gather ye rosebuds while ye may.”  The Latin term for that sentiment is “Carpe diem.” Now who knows what that means?

Steven Meeks (Allelon Ruggiero): Carpe diem. That’s “Seize the day.”

John Keating: Very good Mister- 

Steven Meeks: Meeks.

John Keating: Meeks. Another unusual name. Seize the day. “Gather ye rosebuds while ye may.” Why does the writer use these lines?

Charlie Dalton (Gale Hansen): Because he’s in a hurry.

John Keating: No! Ding! Thank you for playing anyway. Because we are food for worms lads. Because believe it or not each and every one of us in this room… is one day going to stop breathing turn cold and die. I would like you to step forward over here… and peruse some of the faces from the past. You’ve walked past them many times. I don’t think you’ve really looked at them. They’re not that different from you are they? Same haircuts. Full of hormones just like you. Invincible just like you feel. The world is their oyster. They believe they’re destined for great things just like many of you. Their eyes are full of hope just like you. Did they wait until it was too late… to make from their lives even one iota of what they were capable? Because you see gentlemen these boys are now fertilizing daffodils. But if you listen real close… you can hear them whisper their legacy to you. Go on lean in. Listen. Do you hear it? Carpe. Hear it? Carpe. Carpe diem. Seize the day boys. Make your lives extraordinary.

Isa itong paanyaya na yakapin ang buhay, sumubok, at hanapin ang sariling tinig.

Ito ay isang kaisipan tungkol sa pagpapahalaga sa bawat sandali at aktibong pakikilahok sa paglalatag ng sarili mong landas. Mahalaga ang pagkakaroon ng kamalayan, ang pagiging totoo sa sarili, at ang pamumuhay nang may layunin. Kumawala ka sa mga inaasahan ng lipunan. Gamitin mo ang limitadong panahon upang sundin ang sarili mong mga adhikain. Huwag ka basta mabuhay lang, mag-iwan ka ng marka na tatatak at maaalala ng iba tungkol sa iyo.

Sunggaban mo ang mga pagkakataon, pagtuunan ang mga bagay na nagbibigay-saya, at namnamin ang kasalukuyan — sa halip na ipagpaliban palagi ang kaligayahan para sa hinaharap.

5. People Should Not Be Afraid of Their Governments

V for Vendetta - People should not be afraid of their governments
V for Vendetta (2005) © Joel Silver

V for Vendetta (2005)

Evey Hammond (Natalie Portman): Can I ask about what you said on the telly? Did you mean it?

V (Hugo Weaving): Every word.

Evey Hammond: You really think blowing up Parliament’s going to make this country a better place?

V: There’s no certainty, only opportunity.

Evey Hammond: You can be pretty certain that if anyone does show up… Creedy’ll black-bag every one of them.

V: People should not be afraid of their governments. Governments should be afraid of their people.

Evey Hammond: And you’ll make that happen by blowing up a building?

V: The building is a symbol, as is the act of destroying it. Symbols are given power by people. Alone, a symbol is meaningless, but with enough people… blowing up a building can change the world.

Evey Hammond: I wish I believed that was possible. Every time I’ve seen this world change, it’s always been for the worse.

Ang linyang ito ay nagpapaliwanag ng isang pangunahing konsepto ng demokratikong pamamahala at ang balanse ng kapangyarihan sa pagitan ng gobyerno at ng mga mamamayan nito. Isa itong pagpapapaliwanag ng pilosopiyang pampulitika at ang perpektong relasyon sa isang malayang lipunan, na nagbibigay-diin sa kapangyarihan ng mga mamamayan.

Kapag fanatic ka ng isang sikat na artista, isang banda o kaya ay isang basketball player, kapag malungkot sila, malungkot ka din; kapag masaya sila, masaya ka din; kapag may nag-post ng positive tungkol sa kanila, shini-share mo; kapag may pinupukol sa kanila na negative, ipinagtatanggol mo; kapag napatunayang totoo ‘yung pinupukol sa kanila na negative, tumatahimik ka lang o kaya ililihis natin ang kuwento at maghahanap din tayo ng negative na puwede ipukol sa iba. Ganyan ang tipikal na pinoy na fanatic. Gusto nating patunayan na tama ang pinili natin na iidolohin.

Ang problema ay kapag pagiging fanatic din ang approach natin sa mga pinili natin maupo at mamahala sa gobyerno para sa ating kinabukasan. Iba dapat ang approach natin bilang fan sa ating idol, at bilang mamamayan sa ating gobyerno. Kapag nagkamali ang nanunungkulan, huwag ka magkibit balikat at maghanap ng mali sa iba. Ipaalam mo sa nakaupo na mali ang ginagawa nila. Isipin mo na ikaw ang may-ari ng yaman ng bayan at nag-hire ka ng mga taong mag-iingat at magpapalago ng yaman mo. Kapag ba winaldas o ginamit nila sa mali ang yaman mo, eh okay lang sa iyo? Dapat hindi. Dapat sitahin mo sila o kaya ay palitan mo. Ang mikrobyo, pinapatay… hindi bini-baby.

6. Don't Ever Let Somebody Tell You... You Can't Do Something

The Pursuit of Happyness (2006) © Sony Pictures Releasing

The Pursuit of Happyness (2006)

Christopher Gardner Jr. (Jaden Smith): Hey, Dad. I’m going pro. I’m going pro.

Chris Gardner (Will Smith): Okay. Yeah, I don’t know, you know. You’ll probably be about as good as I was. That’s kind of the way it works, you know. I was below average. You know, so you’ll probably ultimately rank… somewhere around there, you know, so… I really… You’ll excel at a lot of things, just not this. I don’t want you shooting this ball all day and night. All right?

Christopher Gardner Jr.: All right.

Chris Gardner: Okay. All right, go ahead. Hey. Don’t ever let somebody tell you… you can’t do something. Not even me. All right?

Christopher Gardner Jr.: All right.

Chris Gardner: You got a dream… you gotta protect it. People can’t do something themselves… they wanna tell you you can’t do it. If you want something, go get it. Period.

Ito ay aral sa katatagan, self-motivation, at pag-overcome ng mga negativity sa paligid. Para din ito sa kahit sinong may pinagdadaanang hamon o pagsubok na gusto nilang lampasan.

Minsan may mga tao talagang pilit ka hahadlangan sa iyong ambisyon o pangarap sa buhay. Siguro pino-project nila sa iyo ang sarili nilang kabiguan. “Hindi nila kaya, puwes hindi mo din kaya.” Huwag kang pumayag. Protektahan mo ang iyong mga pangarap at ituloy mo lang gawin ang gusto mo. Huwag mo isipin ang sinasabi ng iba. Never say die. Laban kung laban. No Surrender.

Magkaroon ka lang palagi ng tiwala sa iyong sarili, dapat kang maging matatag, at ituloy mo lang kamitin ang mga plano at ambisyon mo sa buhay kahit pa marami ang kumokontra at nagpapahina ng loob mo.

7. Anyone Can Cook

Ratatouille
Ratatouille (2007) © The Walt Disney Company

Ratatouille (2007)

Anton Ego (voiced by Peter O’Toole): In the past, I have made no secret of my disdain for Chef Gusteau’s famous motto, “Anyone can cook.” But I realize only now do I truly understand what he meant. Not everyone can become a great artist, but a great artist can come from anywhere. It is difficult to imagine more humble origins than those of the genius now cooking at Gusteau’s, who is, in this critic’s opinion, nothing less than the finest chef in France. I will be returning to Gusteau’s soon, hungry for more.

Ako, hindi marunong magluto 😂 Joke lang. Hindi naman ito literal. Isa siyang aral tungkol sa potensiyal natin bilang tao at kung paano natin kayang hakbangan ang mga nagbabantang balakid sa ating daan patungong tagumpay. Ang talento o kakayahan ay posibleng manggaling sa isang lugar na hindi natin inaasahan. At ‘yung paghahangad at pagsisikap natin ay kayang malampasan ang anumang boundaries o expectations sa atin ng ibang tao.

Sa Career Talk ko nung college, nabanggit nang speaker na nung una eh takot na takot siya at ayaw niya matuto mag-drive. Pero nang sinubukan na niya, isa na daw siya sa mga humaharabas sa kalsada.

Huwag mo iisipin na hindi ka qualified sa isang opportunity. Huwag ka matatakot at aatras sa bagong kaalaman o hamon ng buhay. Lagi ka dapat ma-encourage at maniwala na handa kang subukan, handa kang matuto at kaya mong pagtagumpayan. “Paano ka tatama kung hindi ka tataya“, sabi nga ng Parokya ni Edgar.

8. Happiness Only Real When Shared

Into The Wild
Into the Wild (2007) © Sean Penn, Art Linson, and Bill Pohlad

Into the Wild (2007)

Chris McCandless (Emile Hirsch): Happiness only real when shared.

Ito ay makapangyarihang aral na nagpapakita ng likas na pangangailangan ng tao sa koneksyon at sa pagbabahagi ng karanasan. Ang tunay na kasiyahan ay nagiging ganap lamang kapag ito’y ibinabahagi sa iba — kapag ang saya ay umaabot hindi lamang sa sarili, kundi ito ay nagiging bahagi ng mas malawak na ugnayan at pagmamahalan.

Naalala ko lang, “Whatever you do in this life, it’s not legendary, unless your friends are there to see it.” sabi sa tv series na How I Met Your Mother. Tipong, nadapa ka, at walang nakakita, parang boring ikuwento. Pero kung nadapa ka, at nakita ng mga tropa mo, at pinagtawanan ka nila, eh masaya ang asaran sa inuman. Hahaha.

Ang tunay na kaganapan ay hindi nasusukat sa kung gaano karami ang ating nakamit o napanalunan sa buhay, kundi sa kung paano natin ibinabahagi ang mga sandali ng ligaya o tagumpay sa mga taong mahalaga sa atin.

9. The Same Thing That's Wrong With You Isn't Wrong With Me

Leave No Trace (2018) Bleecker Street

Leave No Trace (2018)

Tom (Thomasin McKenzie): These people, they’re not that different from us.

Will (Ben Foster): Yes, they’ve been very good to us, but we have to…

Tom: You! You need. Not me. The same thing that’s wrong with you isn’t wrong with me.

Will: I know.

 Ito ay tungkol sa personal na pagkakakilanlan o identity at sa paglalagay ng hangganan sa isang ugnayan.

Ang lolo at lola mo doctor. Ang mga magulang mo ay doctor din. Ang kanunu-nunuan mo ay mga albularyo. So parang no choice ka na kung hindi maging doctor din. Paano kung gusto mo maging painter, o newscaster, o musician, o maka-eksena si Coco Martin? Well, minsan ang iba sa atin ay may mga ganyang dilemma sa buhay. Hindi natin ma-express ang sarili natin or hindi tayo makaalpas sa nakasanayan. Napipilitan ka sumunod sa yapak ng iba kahit gusto mong maglakad sa sarili mong bubuuing daan. Minsan ang iba sa atin ay hindi makawala sa anino ng iba at makakilos ng sarili nilang galaw. Meron ding nakatali sa linyang “ang problema ng magulang ay problema ng anak (or vice-versa).” Mare-relate mo din ito sa mga taong gusto na mag-come out sa closet. Pero nag-aalangan dahil inaalala ang epekto sa ugnayan niya sa mga malalapit na tao sa kanyang paligid.

Pero dapat, ang mga anak — o sinumang nasa malapit na relasyon — ay hindi basta karugtong ng mga suliranin o kagustuhan ng iba. May karapatang silang pumili ng sariling landas na tatahakin at tukuyin ang kanilang pansariling kapakanan.

Isang mahalagang paalala ito para sa mga magulang, kapareha, o kaibigan na igalang ang pagkakaiba ng bawat isa, huwag ipasa sa iba ang sariling bigat o issue, at hayaang ang mga mahal natin sa buhay ay magkaroon ng puwang upang tukuyin ang sarili nilang kaligayahan.

10. The Past is Just a Story We Tell Ourselves

Her (2013)
Her (2013) © Warner Bros. Pictures

Her (2013)

Theodore Twombly (Joaquin Phoenix): I still find myself having conversations with her in my mind. Rehashing old arguments and defending myself against something she said about me.

Samantha (voiced by Scarlett Johansson): Yeah, I know what you mean. Last week my feelings were hurt by something you said before. That I don’t know what it’s like to lose something…

Theodore: Aw, I’m sorry I said that.

Samantha: No, it’s okay. It’s okay. I just… I caught myself thinking about it over and over. And then I realized that I was simply… remembering it as something that was wrong with me. That was a story I was telling myself, that I was somehow inferior. Isn’t that interesting? The past is just a story we tell ourselves.

Ito ay malalim na pagkaunawa tungkol sa alaala at sa kwento ng ating sarili.

Pansin niyo din ba na kapag nagkukuwento tayo nang tungkol sa ating nakaraan, hindi naman natin siya nire-recall at inilalahad na tipong word for word? Tipong mayroon tayong imaginary outline nang mga nangyari, tapos doon natin binabase ang takbo ng istorya. Minsan nga, sa kalagitnaan ng kuwento o kapag tapos na ‘yung kuwento, may bigla pa tayong maaalala na hindi natin nasabi kaya idinadagdag o isinisingit natin along the way. Minsan din, may mga pinipili tayong bahagi ng kuwento na hindi natin binabanggit. Puwedeng depende sa kausap, o depende sa sitwasyon, o gusto nating kalimutan na ang bahagi na iyon ng istorya. O kaya puwede ding hindi na tayo sure kung ganun ba talaga ang nangyari o ganun ba natin siya naikuwento noon. At meron ding pagkakataon na iniiba natin ang ilang eksena, madalas para mas may dating ‘yung kuwento.

The point is, ang pagtingin natin sa nakaraan ay hindi isang fixed na historical record ng buhay natin, kundi isang buhay na alamat at pabago-bagong kuwento na patuloy nating hinuhubog. Ang pagkilala natin sa kung sino tayo ay nabubuo mula sa mga kuwentong pinipili nating isalaysay tungkol sa ating mga karanasan. Isang paalala din ito para bitawan ang mga sugat ng nakaraan o muling bigyang-kahulugan ang ating sariling mga kwento — na tayo pa rin ang may kapangyarihan kung paano natin i-interpret at pag-aaralan ang ating personal na kasaysayan.

Sa totoo lang, higit pa sa aliw ang kaya ibigay ng pelikula. Isa itong salamin ng ating mundo, isang masining na pagsasalin ng mga komplikadong ideya, at paminsan-minsan, okay din ito maging guro. Ang mga linyang ito ay hindi lang tumatatak dahil astig o emosyonal — kundi dahil nagbibigay ito ng mga aral na maaari nating magamit sa araw-araw, magsimula ng kuwentuhan, o magbukas ng mas malalim na pag-iisip.

Kaya sa susunod na movie night mo, makinig ka nang mabuti. Baka doon mo marinig ang susunod na piraso ng karunungan, isang nakatagong katotohanan sa kasaysayan, o ang perpektong sagot sa tanong mo sa iyong isipan. At kapag nahanap mo, huwag mahiyang ibahagi sa comments! Dahil sa malaking sinehan ng buhay, hindi kailanman natatapos ang pagkatuto.

Ano ang mga paborito mong linya sa pelikula na may naituro sa iyo? Ikuwento mo rin!

Share the Love, or at least the Link

5 1 vote
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments