Useful

media cheat sheet

Pagod ka na ba sa pag-google kung ano ang size ng "Facebook cover photo", o size ng "Instagram Story Post"? Tapos, madalas hindi pa updated ang nakukuha mo sa search result. Well, same kayo ng problema ng may pakana ng website na ito. Kaya gumawa na siya ng ultimate searchable directory para sa up-to-date social media image and video sizes.

cringeMDb

Cringeworthy talaga ang makapagsalang ka ng pelikula na may sex scene or kahit may nudity lang, tapos ang manonood ay ang buong pamilya mo, with parents and kids. Kung may website lang sana na puwede mo i-check kung safe panoorin ng buong pamilya ang isang pelikula.

photoskop

Ang proyekto na ito ay para sa visual and interactive learning ng photography. Meron ditong library ng mga interactive lessons na may useful explanations, visual markers at directives, at iga-guide ka sa buong leaning process. Puwede sa both beginners at advanced photographers.