Bakit “Parlor Games” ang Tawag sa Parlor Games?

Ang “parlor games” ay mula sa salitang “parlor” o “parlour” na ang ibig sabihin ay isang formal sitting room in a house, na common noong 19th hanggang early 20th century.

Parlor Game noong 1912.

Ano ba ang "Parlor"?

Sa mga old Western homes, ang parlor ay isang room kung saan tinatanggap ang mga bisita. Ito ay isang lugar para makisalamuha, makipag-usap at makapaglibang ng slight. Ito ay isang public-facing room (hindi kagaya ng bedroom o kitchen). Para siyang living room pero mas formal.

Bakit "Parlor Games"?

Ang mga Parlor Games ay mga libangan o laro na hindi na kailangan pa ng special equipment, nilalaro indoors (sa parlor), at para sa mga panauhin, bisita at pamilya. Ang mga laro na ito ay madaling matutunan, social at interactive, at puwede sa kahit na anong edad at kasarian.

Ang ilang halimbawa ng mga western parlor games ay mga guessing games tulad ng Twenty Questions, I Spy at Consequences; mga acting & miming games tulad ng Charades at Pictionary; mga physical & silly games tulad ng Pass the Slipper at Twirl the Trencher; at mga modern & adaptable games tulad ng Mafia o Werewolf, at Six Degrees of Kevin Bacon.

Game of Charades
Game of Charades

"Parlor Games" sa Pilipinas

bring me - office christmas party
Bring Me o Hep-Hep, Hooray o Stop Dance? (AI generated)

Noong American colonial period, ilang Western social customs ang ipinakilala sa ating mga Pinoy tulad ng school activities, party games at office activities. Kasabay sa pagtanggap ng mga Pinoy dito, kasama na din ang mga katawagan (tulad ng “Parlor Games”) na madalas gawin sa mga school programs, office parties at Christmas celebrations.

Hindi nagtagal, “Parlor Games” na ang tawag natin sa kahit anong group party game kapag may event. Kahit pa hindi ito ginaganap sa isang parlor o kahit pa ito ay outdoor. Naging tradition na ito na naipasa-pasa na from one party to another.

Sa Pilipinas, kadalasan ang mga Parlor Games ay mga larong pang-icebreaker, madalas ay group game, minsan ay nakakahiya laruin, at kailangan may super duper energetic na emcee.

Ilan sa mga halimbawa ng Parlor Games natin ay Bring Me, Trip To Jerusalem, Pinoy Henyo, Paper Dance, Putukan ng Lobo, Stop Dance, Calamansi Relay, Eating Without Hands, Hep-Hep Hooray, at Longest Line. Marami pang iba na siguro ay gagawan natin ng mas detalyadong post in the future.

calamansi relay - office christmas party
Calamansi Relay (AI generated)

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments