Apir Tayo

Nag-high five ba si José Rizal at Josephine Bracken nang una silang magkita? Nag-apir ba ang mga Presidential Guard ni Emilio Aguinaldo matapos nilang i-assassinate si Heneral Antonio Luna? Ang high five ay hindi isang sinaunang gesture na maaaring isipin ng ilan, at ang tunay na pinagmulan nito ay isang paksa ng makasaysayang debate na kadalasang nakasentro sa American sports.

Ang Precursor: The Low Five

Bago nagkaroon ng “high five”, siyempre nag-umpisa muna siya sa “low five”. Ang low five ay kaparehong pagtatapikan o paghahampasan ng kamay (hand-slapping gesture) na bahagi ng kultura ng African-American na maaaring nagsimula pa noong 1920s (Jazz Age) o posible ding noong World War II. Sa panahong ito nauso ang mga banat tulad ng “give me five” o “gimme some skin” na ibig sabihin ay humihiling ka ng ganitong uri ng handshake o hand slap. In case hindi mo pa alam, ang “five” ay tumutukoy sa limang daliri ng isang kamay.

Ang Pinakasikat (at Pinakatanggap) na Origin Story

Ang pinakamadalas na mabanggit at pinaka-documented na origin o pinagmulan ng “high five” ay nangyari sa isang professional baseball game.

Noong October 2, 1977, huling araw na ng regular season ng MLB (Major League Baseball). Magkalaban ang Los Angeles Dodgers at Houston Astros sa Dodger Stadium. Noong panahon na ‘yun, tatlong Dodgers hitters (Steve Garvey, Reggie Smith at Ron Cey) na ang naka 30 home runs habang ang isa pang hitter na si Dusty Baker ay mayroon ng 29 home runs. Noong sixth inning, naitala ni Baker ang kanyang 30th home run. Ang Dodgers ang kauna-unahang team na nagkaroon ng apat na hitters na may 30 o mahigit pang home run sa isang season. Ang Dodgers na si Glenn Burke ay itinaas ang kanyang kamay sa home plate para salubungin si Baker. Ayon sa kuwento, hindi alam ni Baker kung ano ang gagawin niya sa nakataas na kamay ni Burke kaya ang naisip niya ay itaas din ang kamay niya at ihampas sa kamay ni Burke. At naimbento ang “high five”.

burke and baker - high five
Ang "high five" nina Glenn Burke (kaliwa) at Dusty Baker (kanan)

Ang College Basketball Contender

Isa pang sinasabing origin story ng “high five” ay naganap daw sa isang basketball practice ng University of Louisville Cardinals noong 1978-1979 season. Si Wiley Brown ay lumapit sa team mate niya na si Derek Smith para bigyan ito ng traditional na “low five”. Tumingin daw si Smith sa mata ni Brown at sinabing, “No. Up high.” Napaisip daw si Brown at nagsabing, “Yeah, why are we staying down low? We jump so high.” Kaya itinaas nila ang kanilang mga kamay at dito daw isinilang ang “high five”.

Magic Johnson

Ayon kay Magic Johnson, siya ang nakaimbento ng “high five”. Sinabi niya na ocassionally, ginagawa nila ito ng team mate niya na si Greg Kesler noong naglalaro pa sila sa Michigan State. 

"The Five" Hoax

Noong 2007, ayon sa dalawang comedy writers na mga founders ng “National High Five Day”, noong late 1970s at early 80s, ang Murray State University basketball player na si Lamont Sleets ang nakaimbento ng “high five”. Natutunan niya daw ito sa Vietnam War unit ng kanyang ama na tinatawag na “The Five”. Noong 2013, inamin ng dalawang writers na ito ay isa lamang publicity stunt. Ang “National High Five Day” nga pala ay ipinagdiriwang taun-taon tuwing ikatlong Thursday ng April.

Cultural Significance

Sino man ang eksaktong imbentor, ang “high five” ang naging instant, energetic, at universal na gesture ng pagdiriwang, paninindigan, paghihikayat at tagumpay, lalo na sa larangan ng sports.

Apir!

Ang “high five” ay isang common at accepted na gesture sa Pilipinas na ginagamit para magpahayag ng pag-congratulate, pagsang-ayon, o kahit sa simpleng pagbati o greeting. Ang unique at localized na tawag natin sa high five ay “Apir”.

Origin ng "Apir"

Pinaniniwalaan ng mga Filipino linguistics na ang “Apir” ay adaptation ng English phrase na “Up here!” na isang variation din ng “high five.”

Gamit ng "Apir"

Katulad ng pagsasabi ng “High Five!” o “Give Me Five!”, ginagamit din ng mga Pinoy ang katagang “Apir!” bilang pahiwatig na gusto mo makipagtapikan o hampasan ng kamay.

Popularidad

Ang “Apir” ay bahagi na din ng Pinoy culture lalo na sa younger generations, at ginagamit din madalas sa sports at entertainment.

Gaya sa ibang panig ng mundo, sumisimbolo din ito sa positivity, camaraderie at team spirit.

At tulad ng pagmamano sa matatanda, o nang modernong “fist bump”, isa ding uri ng greeting o pagbati ang pag-apir.

Ayun lang. Apir!

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments