Last May 21, 2026, umere ang huling episode ng The Late Show with Stephen Colbert. Isa ito sa mga late night talk show na madalas kong pinapanood sa YouTube kasama ng mga palabas nina David Letterman, Jimmy Kimmel, at Conan O’Brien.
Isa sa mga paborito kong segment sa show ay ang Colbert Questionert, kung saan nagtatanong si Stephen Colbert ng serye ng kakaiba ngunit nakakaaliw na questions sa kanyang guests para mas makilala sila ng audience.
Ayon kay Stephen, nabuo ang idea ng segment matapos niyang ma-interview si Keanu Reeves at tanungin ito ng:
“What do you think happens when we die?”
Naging viral ang sagot ni Keanu sa interview na iyon. Nang bumalik siyang guest sa show, siya ay isinailalim sa Colbert Questionert at doon muling nabanggit ang iconic moment na ito.
Isa sa pinaka-interesting na tanong sa segment ay:
“What number am I thinking?”
Ayon kay Stephen Colbert, iisa lang ang number na iniisip niya tuwing itinatanong niya ito sa kanyang guests.
Kapag binasa mo ang comments section ng mga episodes ng Colbert Questionert, mapapansin mong maraming viewers ang umaasang sa final episode ng show ay si Stephen naman ang sasagot sa sarili niyang questionnaire at tuluyang ibubunyag ang misteryosong number na ito.
At iyon nga ang nangyari sa huling linggo ng show.
May ilang guests pala na nakahula ng tamang sagot sa mga nakaraang episodes, pero may subtle na paraan si Stephen para hindi agad mahalatang tama ang kanilang sagot.
Kabilang sa mga nakakuha ng tamang number sina: André 3000, Arnold Schwarzenegger, Ethan Hawke, Meryl Streep at Paul Simon. Sa lahat ng mga sagot, isa sa pinaka-magandang explanation ay mula kay Ethan Hawke. Kung interesado ka rin sa segment na ito, puwede mong panoorin dito ang playlist ng Colbert Questionert.
YouTube Channel:
North of Nowhere
What Does “214” by Rivermaya Really Mean?
Discover the true meaning of Rivermaya’s iconic song “214.” Idol Corics finally explains what 214 really stands for.
Tom Thum’s Mind-Blowing Beatbox Performance
Watch Tom Thum's incredible beatbox performance from TEDx. A mind-blowing display of vocal music and sound effects using only the human voice.
Naki-Jam si Juliette Lewis sa Isang Busking Session
Hindi kaagad nakilala ng busker na si İzzet si Juliette Lewis nang naki-jam ito sa kanya sa isang impromptu na performance ng “Have You Ever Seen the Rain.”
