Rewinding Betamax

Noong 2008, ni-release ng bandang Sandwich ang kanilang panlimang album na <S> Marks the Spot. At isa sa naging hit single nito ang kantang “Betamax“. Isang nostalgic trip ang lyrics ng kanta na ito sa mga panahong limited pa ang resources natin para makapakinig ng musika. At the same time ay isa siyang homage 1 sa ilang mga musikero na nagbigay inspirasyon at nag-paved the way sa kung ano ang music industry ng Pilipinas ngayon. Basically, isa siyang love letter para sa OPM 2. For sure may nakagawa na nito, pero tara at isalang muli natin at i-rewind ang awiting Betamax.

Wala pa nung MYX

Myx PH logo
MYX logo mula 2002-2021

Ang MYX 3 ay isang Filipino pay television channel na subsidiary ng ABS-CBN. Originally, nag-umpisa siya noong November 20, 2000 bilang programming block sa dating free-to-air channel na Studio 23 bilang pamalit sa MTV Philippines noong lumipat ito ng network. Noong 2002, naging 24-hour standalone cable channel na ang MYX. Ang target nito ay mga youth audience at music video ang kanilang primary content. Isa sa iconic thing na ginawa nila ay ang paglalagay ng lyrics sa mga music videos, which is a nod sa pagkahilig ng mga Pinoy sa karaoke.

Wala pa nung MTV

MTV 2021 logo
MTV Logo simula September 9, 2021. Isang homage sa kanilang original 1981 logo

Ang MTV 4 ay isang American cable television channel na ni-launched noong August 1, 1981. Originally, nagpapalabas sila ng mga music videos at mga related na music entertainment programming. Dito nauso ang concept ng mga video jockeys (VJs). 1992 ng pumasok ang MTV sa Pilipinas bilang bahagi ng MTV Asia at nakiki-share ito ng airtime sa mga local channels tulad ng Studio 23. Eventually, noong 2001 ni-launched ang dedicated feed na MTV Philippines.

Wala pa nung internet

Dalawang vintage Dial-Up Modems at isang Analog Phone Modem

Ang Pilipinas ay naging officially connected sa global internet noong March 29, 1994 1:15 AM. As of March 2026, pang 61st ang bilis ng Fixed Broadband natin sa buong mundo. Habang pang 78th naman ang Mobile Internet. Noong late 1990’s nang magkaroon na tayo ng commercially available na Internet Service Provider (ISP), 56k dial-up modem pa ang gamit natin. Ito ‘yung panahong hindi mo puwede gamitin ang landline phone mo kapag online ka. At dahil medyo may kamahalan pa ang magkaroon ng internet sa bahay, dito din nag-umpisa magsulputan ang mga Internet Cafés o computer shops.

Wala pa nung iPod

Iba't ibang iPod models

Ang iPod ay na-introduced ni Steve Jobs sa mundo noong October 23, 2001, na-released noong November 2001 at sumulpot sa Pilipinas bandang 2002. Dahil sa pangako nitong “1,000 songs in your pocket”, medyo lumamang ito sa walkman at discman na unang mga portable audio players na ginagamit noon. Bagama’t may mga portable MP3 players na noon pa lang 1997, iba pa din ang quality at portability ng iPod.

o MP3

mp3
Listahan ng mga MP3s

Ang MP3 ay digital file format na nagco-compress ng audio file sa mas maliit na file size. Dahil sa mp3, imbes na bumili ng physical cassette tapes o audio CDs, puwede nang i-download na lang ang mga kanta sa iyong computer hard drive via internet. Dito na nauso ang “burned CD” culture kung saan ang mga tao ay gumagawa o nagbu-burn ng sarili nilang “mixed CDs” ng mga downloaded nilang mp3s sa halip na bumili ng original albums. Noong early 2000’s naging laganap na din ang “pirated CD” na naglalaman ng maraming mp3s sa mas murang halaga.

Wala pa nung cable

SkyCable Digibox N5166 (Third Generation)

Ang commercial cable television ay nauso sa Pilipinas noong 1987 dahil sa Executive Order No. 205 na nag-allow sa mga private companies para mag-operate. Ang “Big Three” noon sa usapang cable ay ang Sky Cable, Home Cable at Global Destiny. Meron lamang tayong limited na “free-to-air” channels (ABS-CBN, PTV, GMA, RPN, IBC) noon at binago ito ng cable television. For the first time, nakapanood na ang mga Pinoy ng mga 24-hour na news, cartoons. movies, atbp.

Wala pa nung cell phone

Iba't ibang cell phone models

Ang mga cell phone o mobile phone ay nag-umpisa sa Pilipinas noong late 80’s/early 90’s sa analog systems tulad ng Piltel’s Mobiline at Extelcom. Ang mga  phones na ito ay tinatawag na “brick phone” – malalaki, mahal, at mga businessmen lang ang madalas gumagamit. Noong 1994, ni-launched ng Globe Telecom ang unang digital GSM (Global System for Mobile Communications) network. Dahil dito, naging mas malinaw ang mga tawagan at ang pinaka-importante sa lahat ay ang pagsilang ng SMS (texting). Around late 90’s/early 2000’s ng maging “pambansang phone” ang Nokia 5110 at 3310.

Wala pa nung CD

Audio CDs
Audio CD Collection

Ang Audio Compact Disc o CD, ay ang “high-tech” na successor ng cassette tape at plaka. Bagama’t ang CDs ay invented globally noong 1982, hindi ito agad naging standard sa Pilipinas until the early 90’s. Sa umpisa ay sobrang mahal ng mga CDs at mabibili lang sa mga high-end stores. Noong mid-90’s, ang mga local OPM albums ay unti-unti nang inilalabas sa CD format kasabay ng mas cheaper na cassette version nito.

o DVD

DVD Collection

Ang Digital Versatile Disc o DVD ay ang “final nail in the coffin” sa Betamax at VHS tapes. Nag-umpisang lumabas ang DVDs sa Pilipinas around 1997–1998. Sa umpisa, ito ay itinuturing na luxury items para sa mga “home theater” enthusiasts dahil ang mga DVD players ay mas mahal kumpara sa mas popular noon na VCD (Video Compact Disc) players. Pagdating ng early 2000’s tinalo na ng DVD ang VCD dahil naging affordable na ito na may mas magandang video quality at minsan ay may bonus features pa.

Ang mga nabanggit sa taas, in relation sa tema ng kanta, ay masasabi nating mga digital resources natin para makapakinig ng musika. Now imagine na wala pa ang lahat ng mga ‘yan. At ang meron lang… ay Betamax.

Meron lang Betamax

betamax videocassettes
Betamax Videocassettes

Ang Betamax ay ang nagre-represent ng “First Golden Age” ng home media sa Pilipinas noong analog era ng 1970’s at 80’s. Ito ay dumating sa Pilipinas noon late 1970’s. For the first time, ang mga Pinoy ay puwede na mag-record ng mga shows na gusto nila o manood ng mga movies kung kailan nila gusto. Globally, natalo ang Betamax sa VHS, pero sa Pilipinas, ang term na “Betamax” ay naging iconic na sa mga Pinoy na ginamit na nila itong generic term para sa mga video tapes, kahit pa ito ay VHS. “Betamax” din ang tawag natin sa street food na inihaw na dugo ng baboy dahil mukha itong maliit na betamax tape.

Sa Jingle Magazine natutong mag-gitara

jingle magazine
Jingle Magazine (Photo Credit: Ariel Escasa)

Ang Jingle Chordbook Magazine na itinatag ni Gilbert Guillermo noong 1970, ay isang sikat at iconic na Philippine music publication na tumakbo hanggang 1997. Ito ay naging instrumental (bars =p) sa pagturo sa generation ng mga Pinoy kung paano mag-gitara na may accurate na chords. Essentially, collection siya ng mga na-siprang kanta. Ang mga professional transcribers ay makikinig ng mga kanta sa radio o tapes, sisiprahin ang chords, at ipa-publish para ma-enjoy at matutunan ng lahat.

Sinifra ang mga kanta

Kunwaring nagsi-sifra ng kanta

Ang sifra o sipra 5 ay ang pag-transcribe o pag-decode ng isang kanta gamit lamang ang tenga (pakikinig). Ito ay ang proseso nang pakikinig sa isang track nang paulit-ulit para makuha ang tamang guitar chords, basslines, o drum patterns na hindi gumagamit ng official sheet music. Noong wala pang internet at youtube tutorials, isang badge of honor sa isang musikero kapag nasabihan kang magaling sumipra. Noong mid-90’s, gumagamit ako ng cassette player. Papatugtugin ko saglit ‘yung kanta. Tapos pause. Tapos rewind. Tapos play ulit hanggang makapa ko ang tamang note o chord. Tapos nahirapan ako. Kaya nag-umpisa na ako bumili ng “song hits”.

Sa cassette

cassette tapes
Cassette tapes

Ang cassette tape ay ang naging dominant na audio format noong mid-70’s at eventually ay tinalo nito ang plaka (o vinyl records) dahil sa ito ay portable at mas affordable. Sumikat din ang walkman dahil sa cassette tapes since madadala mo rito ang paborito mong musika saan ka man magpunta. Lapis ang gamit kapag nagbuhol o kinain ng cassette player ang tape mo, o kung trip mo lang mag-rewind o fast-forward nang manu-mano. Dito din nauso ang paggawa ng “mixtapes” kung saan ire-record mo ang mga paborito mong kanta sa isang cassette tape. Puwedeng kopyahin ang kanta mula sa original cassette tape (kung may double deck kang cassette player) pero madalas ay aabangan o ire-request mo na tugtugin ang kanta sa radyo at doon mo ire-record.

at plaka

Mga plaka (o vinyl records) at turntable

Ang plaka o vinyl records ay na-introduced sa Pilipinas noong American colonial period. Noong 1950’s and 60’s, nag-boom ang local vinyl industry. Dito nagsimula ang “Manila Sound” era at ilan sa mga pioneer nito ay nabanggit din sa kanta tulad ng VST & Company at Hotdog. Ang mga local hits ay kadalasang nire-release sa 7-inch 45 RPM records. Noong mid-80’s, nag-umpisang mawala ang popularity ng vinyl sa Pilipinas dahil sa cassette tapes. Pero lately, nagkaroon ito ng massive comeback. Ang ilang mga musikero pa nga ay nag-re-release ng kanilang mga classic albums sa vinyl.

Mula sa himig ni Pepe Smith

Joey Pepe Smith
Joey "Pepe" Smith

Si Joey “Pepe” Smith ay widely considered bilang “Father of Pinoy Rock”. Siya ang flamboyant, Mick Jagger-esque na frontman ng Juan de la Cruz Band noong 1970’s. Si Pepe Smith ay tumulong at nag-pioneer sa “Manila Sound” at Pinoy Rock sa pamamagitan nang pagkanta ng mga Filipino experience sa Tagalog. Ang kanta ng Juan de la Cruz Band na “Himig Natin” mula sa Himig Natin album ay itinuturing na first true Pinoy Rock anthem.

Nag blues si Wally Gonzales

Wally Gonzales - Wally on the Road (1978)
Wally Gonzales - Wally on the Road (1978)

Si Wally Gonzales ay isang legendary guitarist at naging miyembro ng Juan de la Cruz Band. Kung si Pepe Smith ang boses ng Pinoy Rock, si Wally naman ang soul. Siya ang master ng Pinoy Blues style. Kinuha niya ang American blues sound at binigyan ito ng gritty, Manila-street vibe na nagbigay daan sa bawat Pinoy rock guitarist na sumunod sa kanyang yapak. Sa kanyang solo album na Wally on the Road, ay napapaloob ang sikat niyang awiting instrumental na “Wally’s Blues“.

Lumaki sa layaw ni Mike Hanopol

Mike Hanopol - Awiting Pilipino (1977)

Si Mike Hanopol ay isa sa co-founder ng legendary Juan de la Cruz Band. Kung si Pepe ang “rockstar”,  si Wally ang “guitarist,” si Mike ang “master songwriter” at ang “bassist”. Mula sa kanyang solo album na Awiting Pilipino ay lumabas ang kanyang hit song na “Laki Sa Layaw“. Ang kantang ito ay nag-popularized sa term na “Jeproks 6” na isang 70’s slang para sa cool, laid-back, o rebellious na urban youth.

Bumalik ang kwago ni Bosyo

Edmond Bosyo Fortuno
Edmond "Bosyo" Fortuno

Si Edmond “Bosyo” Fortuno ay itinuturing respected, influential, at one of the greatest drummers in Philippine history. Siya ay founding member ng iconic bands na Juan de la Cruz Band at Anak Bayan. Ang kanyang palayaw na “Bosyo” ay hango sa “Kalabog en Bosyo” na komiks duo (si Pepe Smith ang “Kalabog”). Bilang miyembro ng Anak Bayan, nagkaroon sila ng monster hit na kantang “Pagbabalik Ng Kuwago” na ni-release bilang single noong 1978.

Kamusta mula sa Maria Cafra

Maria Cafra
Maria Cafra

Sa pamumuno ng theatrical frontman na si Resty Fabunan, ang Maria Cafra ay isang powerhouse trio na kilala sa pag-blend ng hard rock sa very distinct na Filipino identity. Sila ay contemporaries ng Juan de la Cruz Band.  Sa kanilang self-titled album na ni-release noong 1978 nakapaloob ang kanilang classic rock track na “Kamusta, Mga Kaibigan“.

Umistambay si Heber

Heber Bartolome

Si Heber Bartolome ang leader ng Filipino Folk “Protest Band” na Banyuhay 7. Siya ay singer-songwriter, painter, at activist na kilala sa pagsulat ng mga kanta na nangungusap ng rekta sa puso ng mga common Filipino. Ang album ng Banyuhay ni Heber Bartolome na Tatlong Kahig Isang Tuka noong 1992 ay naglalaman ng awitin na “Istambay“. Ito ay isang social commentary tungkol sa mga kabataang hindi nag-a-aral o walang trabaho at pagala-gala lamang sa kalsada. Ang Istambay nga pala ay galing sa English phrase na “stand by”.

Sa bahay ni Gary Granada

Gary Granada
Gary Granada

Si Gary Granada ay isang legendary folk singer, composer, at teacher. Si Gary ay kilala sa kanyang napakagaling na storytelling sa kanyang mga kanta. Nagsusulat siya tungkol sa struggles ng common Filipino – mga jeepney drivers, laborers, at mga salat sa buhay – na may malupit na talino at puso. Sa kanyang album na Pagsamba at Pakikibaka noong 1989 nakapaloob ang kantang “Bahay“. Ang kantang ito ay isang powerful social commentary na kanta tungkol sa housing crisis at kahirapan sa Pilipinas.

Nagbago ang lumad ni Joey Ayala

Joey Ayala
Joey Ayala

Si Joey Ayala ay isa ring legendary singer-songwriter at pioneer ng Neo-Ethnic music sa Pilipinas. Hindi katulad ng mga Manila-based rock bands ng 70’s at 80’s, si Joey ay galing Davao at ipinakilala niya ang mga instrumento at kuwento ng Mindanao sa buong Pilipinas. Ang banda ni Joey ay may pangalan na Bagong Lumad o “new native”. Ang Lumad ay Cebuano term na ibig sabihin ay “native” or “born from the earth,” na tumutukoy sa collective group ng non-Muslim, non-Christian indigenous peoples ng Mindanao.

Nagreklamo si Chikoy Pura

The Jerks (Chikoy Pura - center)

Si Chikoy Pura ay isang haligi ng Philippine alternative at underground scene. Simula noong late 70’s, si Chikoy at ang The Jerks ay naging boses ng pagtutol, at tumutugtog ng raw, blues-infused rock and roll. Sa kanilang self-titled album na ni-released noong 1997 ay maririnig ang kanta nilang “Reklamo Ng Reklamo“. Ito ay isang sarcastic, high-energy anthem tungkol sa walang katapusang socio-economic na problemo sa Pilipinas – poverty, corruption, at ang tendency ng mga tao na mag-reklamo pero hindi nakakakita ng pagbabago sa sistema.

Sa balita ng ASIN

Asin

Ang ASIN ay isang legendary Pinoy folk rock band. Nag-umpisa sila bilang trio noong late 1970’s at naglaon ay naging quartet. Ang original na pangalan ng grupo nila ay “Salt of the Earth”. Noong 1979, inilabas nila ang kanilang album na Himig Ng Pag-Ibig kung saan nakapaloob ang kanta nilang “Balita“. Ang kantang ito ay isang haunting, poetic track tungkol sa pakikibaka at kaguluhan sa Mindanao. Ang kantang “The Apl Song” ng The Black Eyed Peas ay may resung elements ng kantang “Balita”. May lahing Pinoy ang miyembro nila na si apl.de.ap na siyang kumanta nito,

Ang anak ni Ka Freddie

Freddie Aguilar - Anak (1978)
Freddie Aguilar

Si Freddie Aguilar (na tinatawag din na “Ka Freddie” bilang respeto, at pangalan din ng kanyang vintage-style music bar & restaurant) ay isang folk-rock legend. Siya ay kilala din sa kanyang Muslim name na Abdul Farid. Itinuturing na isa sa mga haligi at icon ng OPM. Noong 1978, inilabas niya ang kanyang album na Anak kung saan galing ang awiting “Anak” na naging isang massive international hit, at na-translate sa iba’t ibang lengwahe at bumenta ng milyong kopya sa buong mundo.

Kinontra ni Edru Abraham

Edru Abraham
Edru Abraham

Edru Abraham ay isang former professor sa University of the Philippines (UP) at isang dedicated advocate para sa traditional Philippine arts. Isa siyang “cultural warrior” na inilaan ang kanyang buhay in preserving indigenous sounds. Siya ang leader ng Kontemporaryong Gamelan Pilipino na itinatag niya noong 1989. Ito ay mas kilala bilang Kontra-GaPi (KG), at sila ang resident ethnic music & dance ensemble of the College of Arts and Letters (CAL) noong 1993. Si Edru Abraham ay kasali sa mga umawit ng Handog Ng Pilpino Sa Mundo.

Dumibidoo ang Apo Hiking

Apo Hiking Society

Ang Apolinario Mabini Hiking Society, na mas kilala bilang Apo Hiking Society, o simply APO, ay isang Filipino musical group, na binubuo ni Danny Javier, Jim Paredes, at Boboy Garrovillo. Sila ay tinuturing bilang isa sa haligi at icons ng OPM. Ang grupo ay nabuo at nagsimula noong 1969 sa Ateneo de Manila High School, at mayroong 12 miyembro. Sa kanilang album na Ten Years Together noong 1980, ay kabilang ang hit song nila na “Doo Bidoo“.

Mga kababayan ni Francis M.

Francis Magalona - Yo! (1990)
Francis M.

Si Francis Magalona, na kilala din bilang Francis M, ay isang Filipino rapper, songwriter, at actor. Siya ay tinuturing na influential figure sa Pinoy hip-hop. Siya din ay credited bilang unang nagtagumpay na pagsamahin ang Filipino nationalism at Hip-hop. Bago dumating si Francis M, karamihan sa local rap ay novelty o “patawa”. Ginawa niya itong powerful tool para sa social consciousness at national pride. Sa album niyang Yo! noong 1990 ay isinilang ang kanyang kantang Mga Kababayan.

Beh buti nga sa Hotdog

Hotdog band
Hotdog

Ang Hotdog ay isang legendary Filipino pop rock band na binuo ng magkapatid na sina Dennis at Rene Garcia ay sumikat sa Pilipinas noong mid-1970’s. Isa ang Hotdog sa nag-revolutionize ng Philippine music. Noong 1981, inilabas nila ang single na “Behhh… Buti Nga!” na isang playful, upbeat track tungkol sa karma ng pag-ibig.

Nosi ba lasi Sampaguita

Sampaguita

Si Tessy Alfonso na mas kilala sa kanyang stage name na Sampaguita, ay isang Pinoy rock singer noong 1970s’ at 1980’s. Itinuturing din siya na “Queen of Filipino rock music.” Kilala siya sa kanyang “hippie” aesthetic, raspy voice, at high-energy stage presence. Noong 1989 nilabas niya ang album na Nosi Ba Lasi at dito nakapaloob ang sumikat nilang kanta na “Nosi Ba Lasi” na binaligtad na “Sino Ba Sila”.

Baby, baby ni Rico J

Rico J. Puno
Rico J. Puno

Si Rico J. Puno ay isang Filipino singer, television host, actor, comedian at politician. Itinuturing siya bilang isa sa mga music icon ng Pilipinas. Siya ang nagpauso ng paglalagay ng Tagalog lyrics sa kanyang rendition ng mga American songs tulad ng “The Way We Were”. Mahilig mag-adlib si Rico J. ng “Baby” kapag kumakanta siya ng live. May album din siya noong 1977 na Rico Baby at sa album na ito ay may kanta din siyang “Baby, I’m For Real” na posibleng ang kanta niya na may lyrics na Baby, Baby.

Musikahan ni Ryan Ryan

Ryan Cayabyab
Ryan Cayabyab

Si Ryan Cayabyab ay isang Filipino musician, composer at conductor ng OPM. Siya ay ginawaran bilang National Artist of the Philippines in Music noong 2018. Siya ang host ng television variety show na Ryan Ryan Musikahan na umere sa ABS-CBN mula June 2, 1988 hanggang July 6, 1995.

Umiskul bukol kay Tito, Vic and Joey

Tito Vic and Joey
Tito, Vic & Joey

Si Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon ay ang mga icons ng Philippine noontime variety show na Eat Bulaga. Bukod sa pagiging mga hosts, sila din ay powerhouse comedic team that na naging bahagi ng Pinoy humor sa maraming dekada. Sila din ay mga musicians. Noong 1979, inilabas nila ang album na Tito, Vic & Joey Vol. IV: SGT. PEPE kung saan nakapaloob ang kantang “Iskul Bukol“. Ang Iskul Bukol ay isa ding television sitcom series na umere sa IBC noong October 3, 1978 hanggang 1988.

Sumayaw sa VST

VST & Company
VST & Company

Ang VST & Company 8 ay isang disco band at isa sa pinaka-successful na banda noong late 1970’s. Isa sila sa mga pioneer ng Manial Sound movement. Noong 1978, inilabas nila ang single na “Ikaw Ang Aking Mahal” (A-side), ngunit mas pinaboran ng mga radio stations ang B-side nito na “Awitin Mo At Isasayaw Ko“.

Humataw kay Gary V.

Gary V.

Si Gary Valenciano, o Gary V., ay isang legendary na singer at dancer na nag-umpisang sumikat noong 1980’s. Minsan na din siyang nabansagan na “Michael Jackson ng Pinas” pero mas kilala na ngayon bilang “Mr. Pure Energy”. Noong 1993, inilabas niya ang kanyang album na Hataw Na! kung saang nakapaloob ang kantang “Hataw Na“.

Bumilad sa ballad ni Martin Nievera

Martin Nievera
Martin Nievera

Si Martin Nievera ay isa sa most iconic singers sa OPM history. Kilala siya sa kanyang powerful, soaring vocals, charismatic stage presence, at sa kanyang mga contemporary love ballads. Ilan sa mga sikat niyang timeless ballads ang “Be My Lady“, “Say That You Love Me“, “Ikaw Ang Lahat Sa Akin“, “You Are My Song“, “Kahit Isang Saglit” at marami pang iba.

Request sa DJ ni Sharon Cuneta

Sharon Cuneta - DJ's Pet (1978)
Sharon Cuneta

Si “Megastar” Sharon Cuneta ay isang Filipino actress, singer, television personality, at businesswoman. Isa siya sa pinaka-successful at enduring figures sa Philippine entertainment. Nag-umpisa ang kanyang career noong siya ay 12 years old pa lamang at agarang naging household name, dahil sa kanyang sweet voice, relatable “girl-next-door” na persona, at sunud-sunod na blockbuster movies noong 1980’s. Noong 1978 ay inilabas ang kanyang album na DJ’s Pet kung saan napapaloob ang hit song niyang “Mr. DJ” na isinulat ni Rey Valera.

Nangako sa’yo si Rey Valera

Rey Valera - Walang Kapalit (1981)
Rey Valera

Si Rey Valera ay isang singer, songwriter, music director, film scorer, at television host. Nagsulat at nag-produce siya ng mga kanta na ni-record ng iba’t ibang singers, most notably si Sharon Cuneta. Siya ay itinuturing bilang isa sa mga haligi at icons ng OPM. Sa kanyang album noong 1981 na Walang Kapalit, ay kabilang ang kanyang hit song na “Pangako“.

Salamat sa the Dawn

The Dawn

Ang The Dawn ay isang legendary rock band na unang naka-achieved ng commercial success noong late 1980’s sa Pilipinas. Sila ay often credited na nagdala ng “New Wave” at “Post-Punk” influences sa Philippine mainstream. Sila ay naging symbol ng hope at resilience sa local rock scene noong late 80’s. Sa album nilang Beyond The Bend noong 1989 nanggaling ang kanilang hit song na “Salamat” na isang anthem ng gratitude at friendship.

Ang tatay ko si Jack Sikat

Ethnic Faces
Ethnic Faces (Jack Sikat - center)

Si Jack Sikat ay ang frontman ng Ethnic Faces na isang alternative rock band noong 1980’s. Noong 1989, nakasama ang kanta nilang Golden Boy sa compilation album na 10 of Another Kind. Sa dulo ng all-english lyrics ng Golden Boy ay ang nag-iisang linya na Tagalog na, “Ang Tatay mong kalbo“.

Disyembre ni Binky Lampano

Deans December
Deans December (Binky Lampano - on vocals)

Si Binky Lampano ay isang legendary vocalist na kilala sa kanyang incredibly soulful, gravelly voice. Isa siyang key figure sa Philippine alternative at blues scene noong 1980’s. Siya ang vocalist ng bandang Deans December.

Nangarap ang Identity Crisis

Identity Crisis
Identity Crisis

Ang Identity Crisis ay isang new wave band na nabuo noong 1986. Noong 1990, inilabas nila ang kanilang pangalawa at huling album na Water Came Running. Kasama dito ang awitin nilang “Pangarap“.

Wag kalimutan ang Wuds

Wuds
Wuds

Ang Wuds ang isa sa mga nauna at most influential punk rock bands sa Pilipinas. Nabuo sila noong 1983 sa panahon ng kahirapan sa ekonomiya at kaguluhan sa pulitika, na nagpasigla sa umuusbong na underground punk scene. Ang kanilang musika ay madalas na blend ng punk rock at folk influences, at sila ay kilala sa kanilang political sound. Noong 1995, inilabas nila ang album na At Naklimutan Ang Diyos at isa sa kanta dito ay may titulo ring At Nakalimutan Ang Diyos.

Namatay sa ingay ng Dead Ends

Dead Ends

Ang Dead Ends ay isang punk band na lumabas noong Philippine punk movement ng mid-80’s. Sila ay nakapag-released ng apat na full-length independently produced underground punk albums mula 1985 hanggang 1996. Ang kanilang pang-apat at panghuling album ay may titulong “Mamatay Sa Ingay“.

Never meant to be Betrayed

Betrayed
Betrayed

And Betrayed ay isang punk band na kilala sa kanilang fast, melodic, at socially conscious punk rock na tugtugan. Sila ay kasali sa “First Wave” ng punk na tumama sa Manila noong early to mid-80’s. Sa kanilang self-titled album noong 1986 ay kasama ang kanta nilang “Never Meant To Be This Way“.

Sa XB,

Wxb102 logo
WXB 102

WXB 102, ay ang unang all-new wave music radio station sa Pilipinas. Ito ay pag-a-ari ng Universal Broadcasting Corporation mula 1982 hanggang 1987. Ang kanilang tagline ay “The Station That Dares to Be Different”. Target nila ang youth demographic, at dinala nila ang new wave music sa Philippine mainstream. Noong June 9, 1987, despite attempts na panatilihin ito sa ere, WXB 102 finally pulled the plug sa Manila. Naging internet radio station din ang WXB 102.

NU,

NU 107 Logo
DWNU 107

Ang NU 107 ay umere noong October 31, 1987 at nag-umpisa magpatugtog ng New Wave at Punk hits noong panahon na iyon. Kilala ang NU bilang station na nag-inherit ng format ng WXB 102 ng mawala ito sa ere. Noong 1990’s madalas na American grunge at alternative rock hits ang pinapatugtog dito. Pero eventually ay nag-umpisa na silang magpatugtog ng kanta at demo ng mga Pinoy rock bands. Nagkaroon sila ng NU Rock Awards mula 1994 hanggang 2010 para parangalan ang mga most distinguished rock artists sa bawat taon. Dahil sa financial constraints at low ratings, ang NU 107 ay nag-signed off noong November 8, 2010 12:05 a.m.

at Club Dredd

Parokya Ni Edgar at Club Dredd EDSA

Ang Club Dredd ay ang legendary music venue na naging “tahanan” at headquarters ng Philippine alternative rock explosion noong 1990’s. Ang Club Dredd ay nagbukas noong December 8, 1990 at itinatag ng batang rock musician na si Patrick Reidenbach at rock band manager na si Robbie Sunico. Ang club ay pinangalan nila mula sa kanilang favorite comic book character, na si Judge Dredd. Karamihan sa mga popular na banda sa Pilipinas ay tumugtog sa Club Dredd.

Ipagpatuloy ang daloy ng alon. Padayon.

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
  1. special honor or respect shown publicly
  2. Original Pilipino Music
  3. stylized as MYX or myx and pronounced as mix
  4. originally an initialism of Music Television
  5. Spanish word cifra (meaning "code" or "figure")
  6. derived from "Projects," referring to housing projects in Quezon City
  7. short for Bagong Anyo ng Buhay
  8. commonly abbreviated as VST & Co. or simply VST
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments