Isang lalaki ang pumasok sa isang bar. Umorder siya ng dalawang shot, ininom niya pareho, tapos ay umalis na siya.

Kinabukasan, bumalik ang lalaki, umorder ulit ng dalawang shot, ininom niya pareho, at saka umalis.

Patuloy niya itong ginagawa sa mga sumunod pang mga araw. Minsan, tinanong siya ng bartender, “Bakit palagi kang umoorder ng dalawang shot?

Sumagot ang lalaki, “Dati kasi, kami ng utol ko ay laging lumalabas para uminom gabi-gabi. Pero ngayon ay nakatira na siya sa malayong lugar kaya gabi-gabi, umoorder ako ng dalawang shot. Isa para sa akin, at isa para sa utol ko.

Sa mga nagdaang araw, ganun pa din ang ginagawa ng lalaki. Hanggang isang gabi, dumating ang lalaki at umorder lamang ng isang shot. Nag-alala ang bartender at tinanong siya, “Bakit isang shot lang ang inorder mo? May nangyari ba sa utol mo? Ok lang ba siya?

Sumagot ang lalaki, “Oo naman. Ok lang ang utol ko. Nag-quit lang ako sa pag-inom.

Share the Love, or at least the Link

0 0 votes
Pa-Rate Naman Po.
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
Inline Feedbacks
View all comments