Sa isang bar ay may isang lalaki na nahuhulog sa kanyang upuan halos kada minuto. Halatang lasing na ito. Kaya sinabi ng bartender sa isa pang lalaki sa bar: “Bakit hindi ka maging good samaritan at ihatid mo siya pauwi.“
Inilabas ng lalaki ang lasing sa pintuan ng bar. Papunta sa kanyang sasakyan, natumba pa ang lasing ng hindi bababa sa sampung beses. Nagmaneho sila at itinuro ng lasing ang kanyang bahay sa lalaki. Itinigil niya ang sasakyan at ang lasing ay natumba pa ulit sa hagdan patungo sa kanyang bahay.
Binati sila ng asawa ng lasing sa pintuan: “Salamat sa paghatid sa kanya pauwi, pero nasaan ang kanyang wheel chair?“
0
0
votes
Pa-Rate Naman Po.
