Isang gabi, may lalaking nasiraan ng kotse sa isang liblib na bayan, sa tapat ng sementeryo na may puno ng balete. May lumapit na matandang may ibinibentang isang libro sa halagang ₱2,000.
Namahalan siya pero napilitan siyang bilhin dahil sa takot. Sabi sa kaniya ng matanda,
“Huwag mong titingnan ang huling pahina kung hindi ay magsisisi ka!”
Tapos nawala ang matanda! Umandar bigla ang kaniyang kotse. Kaya dali-dali siyang umalis.
Sa bahay, hindi siya makatulog. Kinuha niya ang libro, at tinignan ang huling pahina.
Ang nakasulat:
NATIONAL BOOKSTORE ₱29.50
0
0
votes
Pa-Rate Naman Po.
