
Released:
Running Time:
1 hour 55 minutes
Director:
Writer:
Country:
Sex & Nudity:
Wala (May nudity si Tom Hanks dito. lol)
Violence & Gore:
Wala
Profanity:
Keribels
Alcohol, Drugs & Smoking:
Wala
Frightening & Intense Scenes:
Keribels
First time ko napanood noong February 4, 2026.
Sa isang post-apocalyptic na Earth, isang robot, na binuo upang protektahan ang buhay ng minamahal na aso ng kanyang may likha, ang natuto tungkol sa buhay, pag-ibig, pagkakaibigan, at kung ano ang ibig sabihin ng pagiging tao.
TAKE AN UNFORGETTABLE JOURNEY.
Look, things will happen to you. Things that you cannot control. Raw emotion will find you. When it does, how you deal with it, what you do... will define who you are.

Kunwaring Review
Oo, ang pelikulang Finch ay may robot at ang tema ay post-apocalyptic world. Pero parang balot lang ng lumpiang shanghai ang pagiging sci-film film nito. Ang totoong laman ay tungkol sa loneliness, responsibility at love. Parang ang core ng pelikula ay nagtatanong na: what does it mean to take care of someone when you know you won’t be around forever?
As usual, binuhat ni Tom Hanks ang buong pelikula. Pero, surprisingly, nakaka-touch din ang robot na si Jeff (voiced by Caleb Landry Jones). At nabanggit ko ba si Goodyear, ang aso na siyang emotional heartbeat ng pelikula?
Ito ay hindi isang action sci-fi film. Ito ay calm, reflective at may road-trip vibes. Ok siya panoorin sa katahimikan ng gabi na ang kailangan mo ay something thoughful imbes na loud.
Sino ang dapat manood?
- Mga fans ng character-driven at emotional stories na nag-focus sa relationships at personal growth
- Mga fans ni Tom Hanks
- Mga mahilig sa heartwarming tales with animals
- Para sa buong pamilya na may mga older kids at teenagers (PG-13)
- Mga sci-fi fans na mas preferred ang reflective kesa action-heavy na story.
Sino ang baka hindi ito matripan?
- Mga mahilig sa fast-paced at action-packed na pelikula
- Mga younger kids dahil sa world setting at theme ng loss at survival
